XKANDALO
ROLDAN CASTRO
PUMIRMA
ulit ng kontrata si Angel Locsin sa
ABS-CBN 2 at Star Cinema. Mali ang chism
na babalik na siya sa GMA 7.
Balita namin ay ibabalik
ang tambalan nila ng isang Kapuso actor na dati niyang ka-loveteam. Co-prod daw ang Star Cinema at Regal Films
para magsama sila.
Marami ang nasasabik sa
tandem ng dalawa.
Tuloy na tuloy na rin daw ang Bea Alonzo-Angel Locsin-Toni
Gonzaga-Angelica Panganiban movie!
At
may gagawing teleserye sina Angel Locsin at KC Concepcion.
Bongga!
* * *
PINAG-USAPAN
ang kilikili ni Piolo Pascual sa
presscon ng pelikula nilang "Every Breath U
Take” dahil ang eksenang ‘yun ang naging topic.
Sa
isang eksena ng movie, half-naked si Piolo at natutulog. Hinalik-halikan ni Angelica Panganiban at inamoy-amoy ang kilikili ng guwapong aktor.
Bangung-bango ang aktres at
masarap daw papakin. Nakakaadik daw ang
kilikili ni Piolo.
Tinanong tuloy si Papa P kung first time yun na
may humalik sa kilikili niya.
“Off-screen, hindi; on-screen, yes. I remember before, off-screen, merong ganun na
may fetish (mahilig sa pag-amoy at paghalik sa kilikili).
“Girlfriend ko before may fetish siya sa
kilikili ko. Pero on-screen, si Angelica
lang," sagot niya.
Sa pelikulang "Every Breath U Take" kasama rin nina
Angelica at Piolo sina Nova Villa,
Freddie Webb, Joross Gamboa, Wendy Valdez, Smokey Manaloto, Ketchup Eusebio,
at ipinakilala si Ryan Bang.
Ito’y sa direksyon ni Mae Czarina Cruz. Showing on May 12, 2012.
* * *
PRODUKTO
si Rainier Castillo ng “Star Struck Batch
1.” Hindi siya ang tinanghal na Ultimate
Survivor dito kundi si Mark Herras. Pero sumikat pa rin siya nang husto.
Malakas kasi ang dating
ni Rainier. Bukod sa guwapo kasi siya ay
nagtataglay pa siya ng killer smile na ikinakilig ng kanyang fans.
Sabi ng iba noon, hindi
rin magtatagal ang kasikatan ni Rainier. Guwapo lang naman daw kasi ang aktor pero
hindi ito marunong umarte.
Nagkatotoo nga ang
sinabi ng iba. Sa ngayon nga kasi ay bumaba na ang kanyang popularity at
nawawala na.
Tsk! Tsk! Tsk!
* * *
PINUPURI
ang boses ng bagong recording artist na Dk
Valdez. Hitsurang anak ni Basil Valdez sa lamig at nakaka-in love
na boses.
Ang ganda ng pagkakanta
niya ng carrier single niyang “Tatanggapin Pa Ba kita?” para
sa album niyang ‘DK Valdez... It’s All About Love’ na release ng BWB
Records.
Nakakatayo rin ng
balahibo ang magandang version niya ng kantang “My Love Will See You
Through.”
Dream niya na
makasama sa isang concert si Sarah
Geronimo.
Homebase siya sa
Thailand na kung saan ay kumakanta sa mga hotels at bars. Tuwing September hanggang December ay
umiikot siya sa Europe para mag-show na kung saan ay may 150
orchestra siya at 200 choire na back-up.
Tatlong taon na
niya itong ginagawa sa tulong ng isang German na nagngangalang Maestro Win
Siegfried Pentek.
Bumalik siya sa
Pilipinas para mag-recording at tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng
solo album sa ating bansa.
Napapaloob sa album ni
DK ang mga kantang “Just To Make You Stay,” “Tatanggapin Pa
Ba Kita,” “Just Face Our Love Again,” “Kahit Ano’ng Sabihin,” “Akalain Ko Ba?” “I’ll
Be Right There For You,” “Singsing,” “My Love Will See You Through,” “Laging
Babalikan” at “Walang Ibang Mahal.”
Ni-revive ni DK ang
kanta ni Toni Gonzaga na “Akala Ko Ba” na composed ni Boy Christopher na siya ring album producer.
Mapapanood si DK sa fund
raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa May 5 sa Zirkoh Morato
kung saan ay tampok sina Jose Manalo,
Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino,
Albie Casiño,Steven Silva, Michael Pangilinan, Divalet at naggu-guwapuhang
grupo na “The Frontmen.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento