OMG
Gas Gayondato
“HINDI ako
natuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kwenta at wala kayong respeto,”
tweet ni Ruffa Gutierrez pagkatapos
niyang sumalang sa “Bulong ng Palad” segment ng showbiz talk show niya sa TV5
na “Paparazzi.”
“The msg from Habitat for Humanity & Ms Faith of Avon Philippines
was heartwarming but what happened after that was a disgrace.
“Hindi niyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko! Yung head ng PROGRESS Gold Milk of Wyeth was
at the studio, my friends were watching.”
“Binastos ako ng Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but ‘The Buzz’ would never do
this to me. EVER!”
Ayon pa sa nakarating sa aming chika, ikinagalit daw ni Ruffa ang mga
bastos na katanungan patungkol sa mga lalaking na-link sa kanya noon tulad nina
Aga Muhlach, Robin Padilla at Zoren Legaspi, with matching pahabol pa
about John Lloyd Cruz.
At dahil sa insidenteng ito ay nasabi tuloy ni Ruffa na ayaw niya nang
maging bahagi ng nabanggit na showbiz talk show.
“From this day on, I will no longer be part of ‘Paparazzi.’ I will never tolerate DISRESPECT in any form
done to me, to my children or to my beloved viewers.
“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames
others.
“I know God will provide work for me in other ways so I can take care of
my daughters.
“Lorin and Venice were watching ‘Paparazzi’ earlier cuz they were
excited to see my reaction on the handmade card/note they made for me,” aniya
pa.
* * *
I UNDERSTAND where Ruffa is coming from. Naiintindihan ko rin ang writers ng
“Paparazzi” coz the very concept of their segment “Bulong ng Palad” is may
pagka-naughty talaga – parang “Gandang Gabi Vice” sa Dos ni Vice Ganda na
punumpuno ng kapilyahan pero wala pa namang guests na napipikon.
Ruffa
maybe fully aware of the fact na may pagka-naughty ang segment nilang “Bulong
ng Palad” but I think hindi niya in-expect na sesentro ang mga nakakalokang mga
tanong tungkol sa mga lalaking na-link sa kanya in the past.
I guess
pagdating sa kanyang nakaraan, lalo na’t may kinalaman sa mga naging karelasyon
niya ay nagiging very sensitive si Ruffa kaya hindi niya kayang i-handle yun
kahit sabihin mo pang playtime lang o just for fun lang.
Doon dapat
naging careful ang writers na “Paparazzi.”
Kung isa
artistang babaeng bakla pa siguro ang isinalang nila sa ganung situwasyon tulad
halimbawa ni Ai Ai delas Alas o Rufa Mae Quinto ay baka sila pa ang
tumambling sa mga sagot nito at siguradong todo-todong fun ang mage-gets nila.
But for
someone tulad ni Ruffa na matagal ko nang kilala at paminsan-minsan ay nakakasama
ko dahil sa publicist nitong si Jun Lalin, alam ko talagang hindi nito carry
ang mga ganyang kabaklaang tanong.
Obviously,
the writers of “Paparazzi” did not do their homework well, oh my gosh!
* * *
PANALO ang pilot episode ng “X Factor” na ipinalabas last
Saturday, June 23, sa ABS-CBN.
Ang
gagaling ng contestants, pati mga judges, except for Charice Pempengco, na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Martin Nievera at Ms. Pilita Corrales ay kuwelang-kuwela.
Si Charice kasi nakakainis ang kaartehan --
feeling na feeling na, nagpapaka-Aiza pa. Naku, siguradong mabubuwisit na
naman niyan si Aiza. Ayaw na ayaw pa
naman ng bru
na ginagamit ang name niya when referring to Charice as
nagpapaka-Aiza).
Sa true
lang, imbiyernang-imbiyerna ako sa ka-OA-han ni Charice, maging si Kaibigang
TC.
Pero never
mind Charice, okey sa olrayt naman si
Tita Pilita – super kuwela.
Pinaka-like
ko among the contestants na pumasa sa audition ay ang 25-year old cutie na si Mark Mabasa.
Wow, ang
galing! Hanep sa boses at emote ang bru
with his very own rendition of “A Song for You” by Leon Russel/Michael Buble.
Isa pa sa
pinaka-like ko ay ang working student na si Jhelsea Maine Flores, 19, na
buong ningning na inawit ang “You Can Reach Me” ni Anita Baker.
Sa second
episode ng “X Factor” ay waging-wagi ang 24-year old lass from Bacolod na si Angelica Prado na inawit ang “The
Scientist” ng Cold Play at “One and
Only” ni Adele.
Gustung-gusto
ko rin ang tinaguriang new Tina Turner,
ang 50-year old mom from Cebu na si Eva
delos Santos na talaga namang hats off ang mga judges na sina Gary, Martin,
Pilita at ang uma-Aizang si Charice sa ipinamalas nitong talento sa pagkanta.
With all
these super amazing contestants of “X Factor Philippines,” I can’t wait for its
next episode, oh my gosh!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento