Mula sa pahayagang PSSST!
OMG
Gas Gayondato
HINDI pa sure
kung a-attend si “Miss World Philippines 2011” and “Miss world First Princess
2011 na si
Gwendolyn Ruais sa coronation night ng “Ms
World Philippines 2012” na gaganapin sa Manila Hotel sa
Sunday, June 24.
Binastos
kasi si Gwen ng dalawang staff ng TV5 na nagngangalang Sheena Flores at Marie
Something sa
pre-pageant gala ng Miss World Philippines 2012 na ginanap sa Dusit Hotel sa
Makati last
June 19.
Ayon sa
chika ng ilang entertainment press na dumalo sa naturang pre-pageant ay
sinigawan
daw si Gwen ng “You’re late” nung nagngangalang Sheena at
pagkatapos ay tinalaktalakan pa na para
bang one of the candidates lang.
Yung
Marie something naman daw ay the nerve na sinabihan si Gwen ng something like,
“You
have no seat. You’re
not in included as one of the judges.”
Dahil
daw sa ginawa ng dalawang staff ng TV5 ay napaiyak na lang ang beauty queen.
Kung
tutuusin, hindi naman daw talaga late si Gwen.
Maaga naman daw itong dumating sa
Dusit Hotel at hinihintay na lang ang abiso ng staff
ng TV5 or whatever kung kailangan na itong pumasok sa
pagdarausan ng pre-pageant , ayon pa diumano
sa butihing ina ng beauty queen na nagpa-interview sa ilang
natirang entertainment press.
Ang
siste, wala naman daw ni isa sa staff ng TV5 o ni Ms. Cory Quirino (exclusive licensee and
national director of “Miss Worls Philippines”) ang
nag-inform kay Gwen na kailangan na siya sa venue
kaya ang nangyari ay super wait pa rin ang beauty niya only
to be told na she’s late, oh my gosh!
* * *
ANG sa akin
naman, sige ipagpalagay na nating na-late nga si Gwen sa nasabing event, wala
pa ring
karapatan ang Sheen Flores na yun at Marie Something na
bastusin at talaktalakn si Gwen.
Baka
nakakalimutan ng dalawang ito na ang binastos nila ay ang reigning “Miss World
Philippines” at “Miss World First Princess,” at hindi kung
sino lang.
At
kahit naman siguro sabihin nating Gwen is just one of the candidates o isa lang
janitress o
waitress, hindi pa rin tama na bastusin natin ang ating
kapwa.
Even if
our peers commit mistakes, we must always treat them with respect dahil tayo
naman ay
mga tao at hindi mga hayop.
Ooops
wait, kahit pala mga hayop ay kailangan din nating irespeto, tao pa kaya?
Sa
pagkakaalam ko ay sinikap naman ni Ms. Cory Quirino na plantsahain ang gusot sa
naturang
insidente pero mukhang masamang-masama pa rin ang loob ni
Gwen sa nangyari kaya nasabi na lang
niyang hindi siya sigurado kung a-attend pa siya ng
coronation night o hindi na.
Kung
sakaling hindi dumalo si Gwen sa gaganaping coronation night on Sunday, June 24
ay sino
na ang magpuputong ng korona sa tatanghaling “Miss World
Philippines 2012 – si Sheena Flores kaya o
si Marie Something?
Wow, that’s really something, oh my
gosh!
* *
*
MARAMI sa mg
nakapanood ng “Gandang Gabi Vice” last Sunday na hindi raw masyadong hinarot ni
Vice Ganda ang super crush niyang si Neil Etheridge ng Azkalas dahil nandoon daw kasi ang girlfriend
nito.
Hindi
raw ini-expect ni Vice Ganda na isasama ni Neil ang kanyang girlfriend sa guesting
niya sa
“Gandang Gabi Vice” kaya ganun na lang daw ang pagkadismaya
ng komedyana (whew, komedyana
talaga!).
Dahil
diyan, ang mas nilandi pa raw ni Vice ay ang kapwa-Azkals nito na si Misagh Bahadoran
coz wala nga naman itong kasamang girlfriend.
Pero I
don’t think so na naapektuhan si Vice sa presence ng girlfriend ni Papa Neil. Paki naman
ni Vice kung nandiyan ang gf ni Neil kung talagang gusto
niya itong landiin, di ba, e, magkaiba naman sila
– tunay na girl naman yun samantalang siya, e, pa-girl.
Mas
naniniwala pa ako na dahil sa sobrang crush ni Vice si Neil ay nahiya siyang
landiin ito.
Hindi
ba ganun naman ang mga girls at pa-girl kapag nakaharap na nila ang crush nila
ay saka
naman umiiral ang pagiging shy kuno.
Aminin
niyo mga baklush and even mga girlash, di ba kapag kaharap niyo na ang super
crush
niyo ay saka naman nawawala ang pagka-flirt niyo at pilit
kayong nagpapaka-demure.
I’m
sure ganun ang nangyari kay Vice, dahil sa sobrang pagka-crush niya kay Neil ay
medyo
binawasan niya ang pagkamaharot niya pero deep inside ay
siguradong nagwa-water-water na ang
bakla, ha-ha-ha!
E, sino
ba naman ang hindi magwa-water-water kay Papa Neil, e, ang laki-laki na, ang
gwapu-
gwapo pa, oh my gosh!
* *
*
PABORITO kong
panoorin ang “Pinoy Big
Brother Teen Edition 4” dahil kay Yves Flores at
hindi dahil sa
nagagandahan ako sa
show.
Bukod
kasi sa parang scripted ang lahat
ng nagaganap sa loob ng bahay ay parang over
na
sa kaartehan ang mga teen housemates.
Pero
ang da hayt ng pagiging OA ng ilang housemates ay nang malaman nilang binuwag
na ni
Kuya ang 2-in-1 housemates -- ang kambal na sina Joj at Jai.
Ibig
sabihin, isa sa kambal ang aalis na sa bahay ni Kuya.
Sa true
lang, puwedeng maging Best Actress in an OA performance si Karen Reyes sa kanyang
super-duper makabagbag-damdaming eksenang, “Akala ko isa
lang! Akala ko isa lang!” ang aalis sa
bahay ni Kuya.
Puwede namang tanghaling Worst Actor in a Single Performance si Ryan Boyce dahil sa kanyang
Makagusot-mukhang pag-iyak with nary a trace of a single
tear falling from his eyes, oh my gosh!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento