Mula sa pahayagang PSST!
OMG!
By Gas Gayondato
SINCE this is my very first day ever sa pahayagang
ito ay dapat
lang sigurong magbigay pugay muna ako sa
lahat ng avid readers ng
Pssst.
I
will not make my makabagbag-damdaming intro long para
makapagtsikahan pa tayo
to the max.
I’d
like to take this opportunity para pasalamatan ang ating
patnugot, and also our
long-time friend, Mr. Fernan de Guzman, for
giving us the
chance na maging bahagi ng inyong
paboritong babasahin.
Maraming-maraming
salamat talaga, bru!
At
sa inyo pong lahat ipagpatuloy niyo lang ang pagbabasa ng Pssst and always
remember this saying kuno – “Chika is my business,
tsismis is your happiness, choz!
*
* *
KA-LEVEL na ni Eugene
Domingo si Piolo Pascual. Pareho kasing naka-10 million peso-
pesoses ang mga pelikula nilang “Kimmy Dora And The
Temple Of Kiyeme” at “Every Breath
You Take” respectively sa opening day, ayon na rin
sa report na ipinalabas ng Star Cinema.
Good
for Eugene kasi hindi pa naman siya kasing laking artista ni Piolo. Bad
for Piolo dahil siya pa naman ang itinuturing na pinaka-bankable leading man ng
Star Cinema at ABS-CBN pero ngayon ay mukhang marami na ang nakaungos sa kanya.
Miya-milya
na ang layo sa kanya ni John Lloyd Cruz
na pawang blockbusters ang mga pelikulang ginawa with Sarah Geronimo, Bea Alonzo and
Angel Locsin.
Ang
“Unofficially Yours” nila ni Angel na ipinalabas early this year ay naka-18.5
million peso-pesoses on its first day of showing.
Oh
my gosh, ang layo sa 10 million first day gross ng “Every Breath You Take’ ni
Piolo, ha!
As
of May 27, 2012 ay ang “Unofficially Yours” pa rin nina JLC at Angel ang
highest grossing Pinoy film for this year.
Ang
“Moron 5 and the Crying Lady” pa nga nina Luis
Manzano at Billy Crawford ang
nag-number 2 na nakaka-64.6 million na samantalang ang “Every Breath” nina
Piolo at Angelica Panganiban ay nakaka-48.2
pa lang.
Kahit
ang “Born To Love You” nina Coco Martin
at Angeline Quinto ay mas panalo rin
sa box-office over “Every Breath.”
Ayon
sa isang report na lumabas na galing pa rin sa Star Cinema, ang “Born To Love
You” raw ay naka-29.7 M in 5 days while ang “Every Breath” ay naka-50.2 M in
three weeks.
Sa
unang tingin parang ang laki-laki ng lamang ng box-office gross ng movie nina
Piolo at Angelica kaysa sa pelikula nina Coco at Angeline pero kung tutuusin
walang benesa ang movie nina Piolo at Angelica sa movie nina Coco at Angeline.
Ang
“Born To Love You” naka-29.7M sa loob lamang ng limang araw samantalang ang
“Every Breath” ay naka-50.2M lang sa loob ng tatlong linggo.
Korek,
tatlong linggo as in three weeks which is equivalent to 21 days.
So,
kung kukuwentahin mo ang average ng bawat pelikula, lumalabas na ang “Born to
Love You” ay humahakot ng 5.8M sa isang araw while ang “Every Breath” ay
nakaka-2.38M lang per day.
Gets
niyo, oh my gosh!
* * *
I’M sure ikinaloka ng kampo ng mag-asawang
Raymart Santiago at Claudine Barretto ang
bagong twist sa kontrobersyal na bugbugan sa
airport
na kinasangkutan nila with columnist
Ramon
Tulfo sa Ninoy Aquino International
Airport (NAIA) last
May 6.
In-upgrade
kasi ng mga abugado ng nabanggit na
kolumnista ang physical injury charges kay Raymart to frustrated murder.
Tinangka
raw patayin ng grupo ni Raymart si Mr. Tulfo.
Isa
raw sa mga kasamahan ng mag-asawa (Raymart and Claudine) ay sinubukang agawin
ang baril ng isang airport policeman.
Should
the airport policeman testify na totoo nga ang tsikang ito ay siguradong
madidiin
si Raymart at ang kanyang grupo sa kasong kinakaharap.
Pero
even without that gun-grabbing kuno incident, just watching the video kung saan
ay
pinagtulung-tulungan ng kampo ni Raymart ang
kawawang si Tulfo, parang gusto na talaga
nila itong patayin, oh my gosh!
*
* *
SINAGOT
agad ni Bianca Gonzales sa showbiz
segment
ng “TV Patrol” na “Star Patrol”
ang libel case na isinampa laban sa kanya, along
with
Annabelle Rama, ng beteranang
aktres na si Amalia
Fuentes.
Sabi
ni Bianca, wala raw siyang intensyong siraan si Amalia
sa artikulong isinulat
niya tungkol kina Annabelle at Eddie
Gutierrez.
Ito yung “Love,
Laughter & Intrigues with Eddie &
Annabelle,” na lumabas sa kanyang
column na 10 Things You Should Know About sa The
Philippine Star last February 12 ng taong
kasalukyan.
Nabanggit
kasi ni Annabelle ang pangalan ni Amalia sa kanyang kuwento.
Ang
giit ng beteranang aktres hindi raw siya kinunan ng panig ni Bianca.
Nagpakumbaba
naman si Bianca at inaming baguhan pa siya sa pagsusulat at humingi ng
paumanhin kay Amalia.
“I
have no bad intention nung sinulat ko yun or when I mentioned her name for that
matter.
“And
a… yun if she got hurt or if any of the people around her got hurt siyempre I’d
like
to apologize,” say pa ng magandang TV host.
So,
alam niyo na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento