Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo
NABULABOG sa kaingayan ng isang sing-along bar
host at comedian na nakilala sa YouTube ang Heng-Un Internet Café sa Morato.
Sa sobrang ingay ng
dalawa, nalaman na namin ang life story nila.
Si Boobita na
isang sing-along master sa Punchline. At
si Bekimon na isa palang consistent scholar nung nag-aaral siya.
Nakakairita lang kasi
‘yung volume ng pagsagot nila sa interview sa kanila online. Na ang feeling mo tuloy eh, talagang
ipinaririnig sa lahat ng nandun sa loob ng internet shop na may umi-interview
sa kanila.
Nasa ikatlong cubicle
na silang dalawa -- super lakas pa rin ng mga boses nila. Eh, ‘di nila alam na mga writers ang
nakukulili ang tenga sa kaingayan nila sa loob ng nasabing internet shop.
Nalaman na namin kahit
hindi nila aminin na the interview was for “The Amazing Race: Philippines.”
Kahit naman hindi nila aminin sa amin, alam naming ‘yun ang interview sa kanila
dahil buong buhay nila ang inaalam.
Highly confidential
dapat ang usapang ‘yun.
Dahil nagtaray na si Dinno
Erece sa kaingayan nila, nag-sorry naman ang dalawa after. Kaya lang, wala naman sila kasi sa sing-along
o sa harap ng camera para ang volume ng mga bibig nila eh, marinig sa apat na
sulok ng Heng-Un.
Ayan tuloy! May naging
item pa ako dahil sa kaingayan ng dalawang beki. Opo, bading si Bekimon pero si Bobita eh,
babaeng-babae.
Naku, ang dami kong
nalaman sa buhay niya tuloy at para lang akong nakikinig sa isang nagkukuwento
para sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya).
Next time, kung ang
mga bagay na ganito should be done in secrecy, huwag magpaka-excited na
ipinatawag kayo for the interview for “The Amazing Race: Philippines”.
Interbyu pa lang, mga
‘teh!
Humiwalay nga kayo ng
cubicle eh, umaabot naman sa amin ang kaingayan niyo!
* * *
NAGBIGAY ng Thanksgiving Party niya for the
press ang PAO (Public Attorney’s Office) Chief na si Atty. Persida Rueda
Acosta sa roof deck ng PAO office.
Isinabay na rin dito
ang paglagda ng MOA (Memorandum of Agreement) with the PMPC (Phillippine Movie
Press Club) para sa legal assistance sa entertainment writers ng naturang
tanggapan.
Sa susunod na buwan
naman eh, ang ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. ang lalagda sa
nasabing MOA.
Sa nasabing okasyon,
ipinakita na rin sa members ng press ni Atty. Persida ang bagong forensic
laboratory sa kanyang tanggapan.
* * *
CONSISTENT ang Queen of All Media na si Kris
Aquino na sa trabaho lang at mga anak talaga mag-focus.
Panay na nga ang pagharap
nito sa karakter na ginagampanan niya sa proyekto nila nina Anne Curtis
at Robin Padilla sa “Kailangan Ko’y Ikaw”.
Pagdating naman kasi
sa time management, mukhang na-master na ito ni Kris. Kaya nga every now and
then, she gets to spend time with her two boys maski pa sa abroad.
Nang mag-birthday nga
ang kanyang ‘little man’ na si Bimby,
masayang-masaya si Kris sa party na inihandog niya kay bagets na dinaluhan
naman ng Daddy James nito.
Kung libre na mula sa
pagba-back-pack niya for her “KristTV” sa iba’t ibang lalawigan si Kris, taping
naman siya for “KKI” and every now and then, segue sa ilang Asian countries
kung saan naman kinukunan ang kanyang mga TVCs.
It may really take a
while bago tayo may mabalitaang usapang puso with her.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento