Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO
HABANG
sinusulat namin ito ay nasa Hannah’s Beach Resort & Convention Center kami
sa Pagudpod, Ilocos Norte sa imbitasyon ng kaibigang Zonnie Espiritu na kung saan ay inauguration nito.
Ito ngayon ang pinakamalaki
at class na beach resort sa naturang lugar na kung saan ay nag-stay kami sa
kaitaasang bahagi ng resorts ( top of the mountain) at matatanaw ang China Sea.
Dito rin nag-stay ang
nag-iisang Superstar nu’ng magpunta siya last March 17.
Sinopresa niya si Mommy Josie, isang Noranian na ina ni Col. Ricardo L. Nolasco na owner ng resort.
Sey nga ni mommy, nu’ng
makita niya si Nora ay okey na, na mawala siya. Pinagbigyan ni Col. ang kahilingan ng
kanyang ina.
Eversince ay gusto niyang
makita si Nora at napagbigyan naman siya. Hitsurang ‘caregiver’ ang ginawa ng superstar.
Hindi niya iniwanan si Mommy Josie. Pag kumakain ay pinagsilbihan niya at hindi
niya iniwanan.
Sa inauguration ay dumating
ang Ms-Earth Philippines winners at partial candidates sa 2012. Nakatsikahan din namin si Ex-Governor Mark Lapid na ngayon ay General
Manager ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA).
Kinuha namin ang reaction
niya sa isyung siya ang ‘Sweety’ politician diumano ni Cristine Reyes na pinagseselosan ni Rayver Cruz.
“Hindi a,” madiing bungad ni
Gov. Mark.
“Malay ko diyan,no?” dagdag
pa niya.
“Patayin ako ng asawa ko. Ha!ha!ha!
Quite life,”tugon niya.
Bakit pinayagan niyang
bumalik sa showbiz ang misis niyang si Tanya
Garcia?
“Paminsan-minsan lang naman
para…galing din naman kami diyan,e!,” aniya pa.
Ibinalita rin ni Gov. na may plano na
i-remake ang seryeng pinagbidahan noon nina Tanya at Dindong Dantes.
Ano na kaya ang magiging role
ni Tanya?
Abangan!
* * *
TRENDING
sa
Twitter worldwide nu’ng Sunday nang madaling araw ang “PBB Big Night”
kasama ang big winner na si Slater Young
at ang second placer na si Pamu
Pamorada.
Si Slater ang kauna-unahang
lalaki na big winner sa regular edition ng “Pinoy Big Brorther.”
As of presstime,trending
nationwide ang ‘Riggel’ ni Iza
Calzado . May nag-tweet nga ng
“Double #dumb? @MissIzaCalzado mistakenly
mentioned "Luneta Grandstand" for Quirino Grandstand)
&"Riggel" 4 for Biggel. Awkward."
Agad din sumagot sa Twitter
si Iza: “I'm not offended by tweets because I really made a mistake! Kinabahan
ako sa Dami Ng Tao! Haha! Quirino not
Luneta, Biggel not Riggel: D,” sey niya.
Sa ganitong live, hindi naman
talaga maiwasan ang magkamali gaya ng nagawa ni Iza. At least, pinag-uusapan siya ngayon. Hahahaha.
May tweet din si Aldred Gatchalian na dating Kapamilya
at produkto ng “PBB Teens.” This is hard, but I think I have to tell everyone
that starting next week I will be part of GMA Artist Center and GMA Network. Thank
you ABS!”
Pero ang the height ay si Rhap Salazar na ewan kung seseryosohin
mo o hindi ang mga tweets. Kalorky. Una
ay nag-tweet siya ng “Goodbye Showbiz.”
Pangalawa, ”Finally had a
meeting with GMA Network… Contract-signing tomorrow.. Excited for new projects
with them! :')
‘Yun na!
* * *
MALAPIT nang magbukas ang
kwento ng pinakaaabangan at pinakamalaking Primetime teleserye ng ABS-CBN, ang
“The Princess and I” tampok ang ‘royal cast’ na pangungunahan ng tinitingala at
nirerespetong aktor at aktres na sina Albert
Martinez at Gretchen Barreto; ng
tatlong pinakabagong kakikiligang mga ‘Prinsipe ng Primetime’ na sina Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla;’ at ng pinakabagong
‘Prinsesa ng Primetime’ na si Kathryn
Bernardo.
Tunghayan sa
pinakabagong Filipino fairytale drama sa telebisyon ang kwento ng kaharian ng
Yangdon na pinaghaharian ni King Anand (Albert).
Subalit sa likod ng marangyang buhay,
mababalot ng kalungkutan ang kaharian nang mawala ang prinsesang si Mikay (Kathryn) na mamumulat sa buhay ng
kahirapan.
Sa mapangahas na
pagbabalilk ni Gretchen sa telebisyon pagkatapos ng kanyang di malilimutang
pagganap sa teleseryeng "Magkaribal," bibigyang buhay naman niya ang
karakter ni Ashi Behati, isang
Yangdon royalty na nagnanais agawin ang korona ng kaharian ng Yangdon.
Samantala, tiyak na
kagigiliwan, hindi lang ng mga kabataan kundi pati na rin ng buong pamilya, ang
pinakabagong obra na matutunghayan sa Primetime Bida dahil sa engrandeng
paghahanda ng teleserye mula sa mga bonggang costumes hanggang sa pagdayo ng
cast at crew sa Kingdom of Bhutan para kunan ang mga tagpo sa kaharian ng
Yangdon.
Kabilang sa ‘royal
cast’ ng teleserye ang ilan sa mga naglalakihang pangalan sa industriya na sina
Dominic Ochoa, Yayo Aguila, Precious
Lara Quigaman, Nina Dolino at Sharmaine
Suarez.
Ito ay sa ilalim ng
direksyon ni Dado Lumibao.
Huwag palampasin ang
pagbukas ng kwento ng pinakabagong Primetime royal teleserye ng ABS-CBN na “The
Princess and I” ngayong Abril 16 (Lunes) sa Primetime Bida. .”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento