Mula sa pahayagang Aksyon
Chizbiz
Ni Erlinda Rapadas
HINDI
pa
man nakakapili ang N.C.C.A. ng artist na pararangalan at hihiranging National
Artist (for Cinema) heto at nagkakagulo, nagde-debate at kanya-kanya ng apela
ang mga supporters ng Superstar na si Nora
Aunor at ng Star for All Seasons na si Vilma
Santos.
May
kanya-kanya silang basehan kung bakit kailangan na ng kanilang idolo ang maging
National Artist. Handa nilang ipaglaban
kahit saan para maibigay sa kanilang idolo ang titulo bilang National Artist.
Kung
naniniwala man ang isang Congressman from Bacolod na si Nora Aunor ang
deserving na tanghaling National Artist sa taong ito, ilang pulitiko rin ang
nagsasabing deserve ni Batangas Governor Vilma Santos ang nasabing parangal.
Hindi
rin papayag ang mga Vilmanians na mas maunang parangalan si La Aunor. Pero, mas marami naman ang nagsasabing
pinaka-deserving na tanghaling National Artist ang Comedy King na si Dolphy.
After
Dolphy, naririyan pa raw si Joseph
Estrada na tulad ni FPJ ay karapat-dapat din maging National Artist.
Suggestion
ng ilang showbiz observers dapat ay sabay na lang na ideklarang National Artist
sina Nora Aunor at Vilma Santos upang hindi maging isyu ang pilian!
* * *
SOBRANG obssessed ba sa
pagpapayaman si Willie Revillame
kaya wala nang pagkaawat ang kanyang pagpapalago ng kabuhayan?
Sobra-sobra
na nga ito para sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay. At kung tutuusin, hindi na niya kailangan pang
magpakaalipin pa sa trabaho at mag-suffer ang kanyang kalusugan.
Puwede
na siyang mag-slow down sa trabaho, mag-relax-relax, mag-golf na lang at
maglayag sa kanyang private yacht.
Pero,
hindi pa tapos ang misyon ni Willie Revillame sa mga taong napapasaya at
natutulungan niya thru his show “Wil Time, Big Time.”
At
nakapangako rin siya sa kanyang fans abroad na dadalhin niya ang “WTBT” abroad
sa U.S.A.,Canada, Australia, atbp.
Sa
Mayo 28 2012 nasa Shrine Auditorium, Los Angeles, California ang tropa ni
Willie R. with Mariel Rodriguez, Camille
Villar, Sugar Mercado at ASF Dancers.
Sa
June2 naman ay nasa Bill Graham Civic Auditorium sa San Fancisco ang “WTBT”
show ni Willie R. Kasabay na ng pag-iikot na ito ng “WTBT” ang promo sa Global
Network ng TV5.
* * *
HINDI
pinangarap
ni Ms Susan Roces ang maging bahagi
ng pulitika. May sarili siyang
pamamaraan upang makatulong sa mga taong nangangailangan.
Hindi
man siya natuloy na First Lady ng bansa (dahil sa pagyao ni FPJ) naging ambassadress naman siya ng
Rite Med (isang linya ng gamot na gawa ng UNILAB) kung saan ang layunin ay
makapagbigay sa publiko ng abot kayang gamot na mabisa sa ibat-ibang klase ng
sakit.
Malaki
ang concern ni Ms Susan Roces sa mga senior citizens na hindi na kumikita at
umaasa na lang sa tulong ng kanilang mga anak at apo. Kaya kung may linyang “Bawal
magkasakit” sagot ng Rite Med Ambassadress na si Mrs. Susan Roces Poe:
"Bawal ang Mahal na Gamot."
Kailangan
na pang-masa rin ang presyo! Kaya naman
nagpapasalamat ang movie queen kay Dr. Alfredo
Bengzon, ang tinaguriang "Ama ng Generic Medicine," kung saan
tinanggap at nakilala rin ang maraming generic na herbal medicines na mas mura
sa branded na gamot.
At
this point of her life, marami ang nagtitiwala kay Ms Susan Roces, kaya in
demand siyang product endorser!
* * *
NGAYON
pa lang, excited na raw ang mga tagahanga ni Megastar Sharon Cuneta sa Toronto, Canada dahil sa balitang magko-concert
ito doon sa darating na Hunyo 9, 2012.
Ito
ay bale bahagi ng pagpo-promote ng Kapatid Network dahil contract artist na
nila si Shawie. Ang TV5 raw ang
nag-ayos at nakipag-negotiate na gagawin ni Sharon Cuneta sa Toronto, Canada.
Malaking
presscon at pagsalubong ang gagawin ng Filipino community sa pagdating ni
Megastar doon ayon na rin sa kaibigang Nap
Alip na naka-base na ngayon sa Toronto, Canada at nagsusulat na rin sa
ilang tabloids doon.
Makakasama
raw ni Shawie sa Toronto ang hunk actor
na si Derek Ramsay na isa na ring
contract artist ng TV5.
Mauuna
naman mag-show sa Mayo sina Pops
Fernandez at Martin Nievera.
* * *
MAY
improvement
na ang acting na ipinakita ni Kylie
Padilla sa kanyang role sa “The Good Daugther.” Nabibigyan na niya ng
tamang emosyon ang mala-drama niyang eksena, kumpara sa akting niya noon sa “Blusang
Itim.”:
Ma-expose
lang siya nang husto at mabigyan ng challenging role sa teleserye ng GMA-7 ay mas
gagaling pa siyang aktres at puwede nang ipagmalaki ng kanyang Daddy Robin Padilla.
Medyo
nakaka-distract lang ang sobrang kaputian ni Kylie na mala-labanos at flawless
talaga! Mahirap magmukhang mahirap at api-apihan. Kailangan niyang magpa-tan
nang kaunti dahil hindi maka-relate ang viewers sa mga mestiza actress.
One
thing na namana ni Kylie kay Robin ay ang lakas ng loob, determinasyon at
dedikasyon sa trabaho. Ito ang mga
katangiang hindi taglay ni Queenie!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento