Mula sa pahayagang Aksyon
RIGHT TIMING
By: nora v. calderon
NAIMBITA kami ng Noranians Worldwide, through Albert
Sunga, sa isang get-together party na ngayon lamang natuloy since dumating
sa bansa ang Superstar, Nora Aunor.
Nagkaroon muna ng
isang Holy Mass ang showbiz priest na si Fr. Joey na maraming ibinigay
na Nora trivia during the Homily.
Pero nakaka-touch ang
mga Noranians na talagang hindi iniwanan ang kanilang idolo, anumang bagyo ang
pinagdaanan nito. Ang mahalaga sa kanila, muli nilang nakapiling ang
Superstar.
Naroon si Lola Ester,
102 years old na, malakas at nakapaglalakad pa na agad sinalubong ni Guy at pinaupo na sa tabi
niya.
Si Nanay Carmen,
62, nakatira na sa Home for The Aged at naihingi nila ng permit na makalabas
kahit hanggang 6pm lamang.
Bawat fan club ay
nagkaroon ng presentation na siyempre pa, sa tune ng mga songs ng Superstar.
Through
Noel Ferrer na siyang inatasan ng TV5 (ang management agency ni Nora)
para i-annouce ang mga projects na gagawin nila to celebrate her 45 years in
showbiz at sa pagsi-celebrate ng 30 years ng kinilalang pelikula ni Nora
worldwide, ang “Himala,” in cooperation with Cinema One at ni Governor Imee
Marcos sa Paoay, Ilocos Sur. May
inihahanda rin silang events para sa birthday ni Nora sa May 21.
Tuloy
na tuloy na rin ang pagsu-shooting ni Nora ng indie film na “The
Womb” na produced and will be directed by Brillante Mendoza
at ayaw mang aminin ni Perci Intalan, head of Entertainment ng TV5,
tiyak na co-producer ang kanilang Studio 5.
Sa Sabado, April 14,
ang alis ng grupo papuntang Tawi-Tawi in Mindanao at makakasama ni Nora sina Lovi
Poe, Mercedes Cabral at Bembol Roco. Tatagal ng 15 days
ang shooting nila roon at April 30 na ang balik nila ng Manila.
Tungkol
naman sa kalagayan ng boses ni Nora, ayon kay Perci, na-check na raw ang throat
ni Guy sa isang hospital in Boston at hindi na siya kailangang operahan, pero
kailangan daw nitong magpabalik-balik doon for a series of treatment.
Kaya ang mga offers
daw na tinatanggap ni Nora ngayon ay iniipon nito para sa kanyang throat
treatment.
Isusunod ni Nora ay
isang movie project to be produced by Regal Films at Studio 5. Later
part of 2012 na raw gagawa muli ng isang dramaserye si Nora sa TV5.
* * *
ILANG buwan ding napahinga si Jennica
Garcia sa paggawa ng mga drama series, pero bawing-bawi raw naman ngayong
kasama siya sa cast ng “My Beloved” bilang si Monica, kapatid ni Sharina (Marian Rivera).
Biro kay Jennica,
hindi raw ba niya nadadala sa bahay iyong lagi siya nagagalit, tinatalakan si Sharina to the point na nasampal pa niya
ito?
Hindi raw naman pero nahihirapan siya kapag
umaarte na siya dahil hindi naman siya ganoon magalit at lalong ang hirap daw
na saktan niya si Marian na ateng-ate nila talaga sa set nina Andrea Torres,
Djanin Cruz at Janine Gutierrez na bagong pasok as guest sa
soap.
Happy
si Jennica sa boyfriend na si Alwyn Uytingco pero wala pa raw sa isip
nila ang kasal. Marami pa raw siyang gustong matupad, like gusto
niyang makapagpatayo ng sariling bahay.
Mayroon daw siyang
condo unit na matatapos na niyang hulugan kaya gusto niyang mag-ipon naman para
sa sariling bahay.
This summer, given the
chance gusto rin niyang magpunta ng Hong Kong na kasama lamang ay ang best
friend niya.
Sana raw ay matuloy
sila pero hanggang third week pa ng May ang taping nila ng soap.
* * *
KILIG ang mga sumusubaybay sa love story nina
Remy (Angelika dela Cruz) at Eric (Neil Ryan Sese) sa
“Biritera” na natatawa nga si Angelika na kung kailan daw hindi na sila bata ni
Neal saka naman sila nabigyan ng ganoong role, na may kissing scene pa sila.
Nagulat din sila nang
may maglagay daw ng facebook account na Remic
(Remy at Eric) at may mga pictures nila posted doon.
Ayon kay Angelika,
maganda raw katrabaho si Neal na first time lamang nilang nagkasama sa
soap. Kahit ang bidang si Roseanne Magan ay nanay at tatay
ang tawag sa kanila at close na close sa kanila ang bata.
Hangang-hanga
naman sila kay Roseanne dahil parang matagal na itong artista at mahusay
gumanap. Nakakagulat daw kapag umarte na ito sa mga dramatic scenes,
at feel na feel ng bata ang mga eksena.
Sa “Biritera” ngayong
gabi, paano tatanggapin ni Roseanne na magpapakasal na ang kanyang itinuturing
na nanay at tatay?
Ang feeling niya, ayaw
na sa kanya ng mga ito tulad sa paglason sa isip niya ng kanyang Tita Jo (Rich Asuncion) na kinalimutan
na siya nina Remy at Eric.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento