Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE
POINT?
Ni Pilar
Mateo
THE American
heritage Dictionary defines ‘delusion’ as (n.) 1.a.The act or process of
deluding; b. The state of being deluded; 2. A false belief or opinion:
labored under the delusion that success was at hand; and 3. Pshyciatry. A false
belief strongly held in spite of invalidating evidence, especially as a symptom
of mental illness: delusions of persecution.
‘Yan ang ating word for the day. Base na rin sa reaksyong ibinigay ng fomer
Miss Universe na isa ng mahusay na aktres ngayon na si Ms. Gloria Diaz sa
press conference sa pelikulang pinagsasamahan nila ngayon ni Ruffa Gutierrez
-- sa pagkakasangkot at dawit ng kanyang pangalan sa awayang Anabelle
Rama at Amalia Fuentes.
“It’s a delusion!” say ng beauteous actress. At handa naman daw siyang mamagitan sa
nagkakaalitang mga kaibigan niya.
She was also quoted as saying na, “If you’re so
busy, you won’t be bothered by low-class intrigues.”
So, take it from there!
Kaya, marami ang umiidolo sa former Miss Universe na
ito, eh, hindi lang talaga beauty, brainy pa. A class all by herself. In short, true grit!
Isang linya lang, and you read between the lines.
* * *
DALAWANG beses nga
raw naiyak si Ruffa (Gutierrez) sa pagsagot niya sa mga tanong na inihain sa
kanya sa nasabing press conference.
Syempre, nasaktan naman daw siya sa mga pasaring na
inabot niya, lalo pa at nadawit ang kanyang dalawang anak na sina Lorin
at Venice.
Much as she wanted to understand the situation,
pilit pa rin daw niyang inintindi na lang ang mga nangyari.
At sa pakikipag-usap nga nilang buong pamilya sa
kanilang ina, ang wish nila, sana eh, maging lesson learned na lang sa kanilang
matriarka ang mga nagdaraang ito sa buhay nila.
Isa pang hindi kinaya ng dibdib ni Ruffa eh, ang may
kinalaman sa kanyang amang si Eddie Gutierrez. At dito raw sakit na sakit ang loob niya sa
mga inabot din nitong mga pasaring at paninira.
Sa labang ang nakataya eh, ang pamilya nila, handa
raw si Ruffa na ipagtanggol ang kanyang ama sa lahat ng panahon.
I-spare raw ito. Ang mommy niya raw ang talagang fighter. Pero ang daddy niya, hindi na dapat pang
kaladkarin sa mga usaping hindi naman ito dapat na makasama.
* * *
NASILIP ko na ang
trailer in the works ng pinakabagong proyekto ng Xiti Productions na idinirihe
ni Joel Lamangan at kinunan sa Israel, ang “Migrante (A Filipino
Diaspora)” na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Allen Dizon, Rich Asuncion,
Jim Pebanco, Bangs Garcia at Raquel Villavicencio na malapit nang
ipalabas.
Another word for the day: diaspora: mula uli sa
American Heritage Dictionary:
1. The dispersion of Jews outside of
Israel from the sixth century B.C., when they were exiled to Babylonia, until
the present time.
2. Often ‘diaspora’ The body of Jews
or Jewish communities outside Palestine or modern Israel
3. Diaspora: a dispersion of people
from their original homeland.
4. The community formed by such
people: “the glutinous dish known throughout the (West African) diaspora
as…fufu” (Jonell Nash)
5. Diaspora: A dispersion of an
originally homogenous entity, such as language or culture: “the diaspora of
English into several mutually incomprehensible languages” (Randolph Quirk).
At sa bagong obra ni Direk Joel, may kinalaman ito
sa flight ng mga migrant workers natin sa ibang bansa.
Sa trailer pa lang, ang naging dating na nito sa
akin, sa bansang sinilangan ng Panginoon kung saan kinunan ang karamihan sa mga
eksena, makikita na ang personal meaning nito sa nais na ipamahagi’g mensahe ng
“Migrante”.
Nasilip ko sa trailer ang Garden of Gethsemane, at
ang itsura ng bangkang sinakyan ng Panginoon nang lumakad ito sa tubig. At pati ang bird sanctuary. At marami pang lugar na nilakaran ng Panginoon
sa panahon Niya sa mundo.
Ramdam mo na sa trailer pa lang ang hilahil ng isang
ina, para sa kanyang pamilya.
Ang Israel na simbolo ng passion of the Lord, na
siya ring magiging simbolo ng buhay ng ating mga kababayang ipinadpad ng
kapalaran sa bagong kaanyuan nito.
Interesting!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento