Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 23, 2012

Anne walang dahilan para mag-ober da bakod sa TV5


Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO

PINABULAANAN  ni Anne  Curtis  na may misunderstanding din sila  ng kasamahan niya sa ‘Showtime’ na si Vice Ganda.
 “No, wala naman. I mean, mayroon din kaming issues ni Vice, pero hindi seryoso. Alam mo ‘yung nag-aasaran pero wala pa ‘yung tulad ng sinasabi nila na pikunan na serious na it falls to a big fight and commotion, wala,” sey niya sa isang  panayam.
Anyway, pinaninindigan ni Anne na wala siyang balak na mag-ober da bakod sa TV5 at sundan ang kanyang leading man na si Derek Ramsay.
“No, wala.  Right now, I think it’s safe to say that as long as I’m happy with what ABS-CBN is giving me, I have no reason to leave.”
May dalawang taon pa siyang kontrata sa Kapamilya network at nakatakdang mapanood sa seryeng “Kailangan Ko’y Ikaw” with Robin Padilla and Kris Aquino.

* * *

MULI na namang humataw ang ABS-CBN sa New York Festivals (NYF) International TV and Film Awards 2012 matapos parangalan ang mga programa nito mula sa News at Current Affairs.
Nakuha ng “Krusada” ang Bronze World Medal sa Social Issues/Current Events category para sa ulat at kampanya nitong palayain ang tatlong masakiting lolang matagal nang nakakulong.
Nagsilbing anchor ang batikang mamamahayag na si Abner Mercado para sa dokumentaryong pinamagatang “Laya” na inere noong Hunyo ng nakaraang taon.
Ayon pa sa kanya, isang malaking papuri raw para sa isang mamamahayag at dokumentarista ang parangal.  Ngunit higit pa rito, sana raw ay pagbigyan ng pamahalaan ang kahilingan ng mga preso.
“Ang parangal na ito'y dahil sa pagpupunyagi ng buong team ng “Krusada.”  Ito’y makapagbibigay ng inspirasyon para higit naming pagbutihin ang bawat kuwento na aming inihahatid,” aniya.
Ilang taon na ring sinusubaybayan ni Abner ang kuwento ng mga presong bukod sa matatanda na, may mga taning din ang buhay.  Kaya ang tangi nilang hiling ay mabigyan klemensya ng Pangulo para matikman ang kalayaan at makapiling ang kanilang pamilya sa mga huling sandali.
Sa “Krusada” mapapanood ang mga special reports ng mga nangunguna at beteranong news anchors at journalist ng ABS-CBN News and Current Affairs.  Tinatalakay nila ang maiinit na isyu na humahati at umaantig sa konsensya ng lipunan.
Ipinahayag naman ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs Division, na kinakatawan ng nanalong dokumentaryo ni Abner ang tunay na pinaninindigan at tungkulin ng “Krusada” para sa mga Pilipino. 
 “Ang ‘Krusada’ ay ‘di lamang nagsasabi ng istorya o kwento ng buhay. Naninindigan din ang ‘Krusada,’ ang mga mamamahayag na gumagawa nito para sa mga walang boses, para sa mga nagdurusa at para rin magising ang mga nasa poder – hindi man gobyerno, lahat ng nasa kapangyarihan – na sila ay gumalaw tungo sa ikabubuti ng mas marami,” ani ni Ging sa abs-cbnNEWS.com.
Ginawaran naman ng NYF ang nangungunang newscast s abansa na “TV Patrol” ng ikalawang finalist certificate nito para sa coverage ng Typhoon Juaning sa Best Newscast category.
Una nang naging finalist noong nakaraang taon ang “TV Patrol” para sa pag-uulat nito sa Manila bus siege na pinamagatang “Bloodbath in Manila.”
Pinangalanan ding finalist ang magazine program ni Korina Sanchez na “Rated K” para sa Magazine Format category at ang “EDSA 25: Sulyap sa Kasaysayan,” ang espesyal na dokumentaryong Kapamilya network para sa ika-25 anibersaryong 1986 People Power Revolution parasa History and Society category.
Kinilala rin bilang finalist ang dokumentaryong “Storyline” para sa Biography/Profiles category matapos itong magtamo ng tatlong parangal mula sa NYF noong nakaraang taon, kabilang na ang Silver World Medal sa Biography/Profiles category, Bronze World Medal sa Community Portraits category, at finalist certificate sa Social Issues/Current Events category.
Namayagpag din ngayong taon ang ABS-CBN sa iba pang kumpetisyon gaya ng Gandingan Awards, USTv Students’ Choice Awards, Anvil Awards, at Gawad Tanglaw kung saan ito ang nakakuha ng pinakamaraming parangal.
Ang New York FestivalsRegistered trademark symbol World's Best Television & FilmsTrademark symbol ay kumikilala sa mga pinakamahusay sa buong mundo sa news, sports, documentary, information at entertainment programs pati na rin sa music videos, infomercials, promotion spots, openings at ID's.
Kasalukuyang nasa ika-54 taon, patuloy na dumadami ang lumalahok sa NYF na ngayo’y kumakatawan sa 35 iba’t ibang bansa kaya naman ito na ang maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na TV at film competition sa buong mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.