Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo
NANAHIMIK nga
ang aktres na si Ara Mina nang mahabang panahon hinggil sa matagal na
ring usap-usapan at pagtatanong sa paghihiwalay nila ng kanyang long-time
boyfriend na si Raymond Yap, isang successful businessman.
Kahit
na naipakilala na ni Ara sa pamilya niya si Raymond eh, nanatili pa rin itong
tahimik at hindi nagpapaka-showbiz nang maging sila na ng aktres.
Kaya
naman, lahat din ng mga lakad nila eh, nananatiling tago sa public eye.
Ngayon,
lumalabas na noon pa palang September last year nag-decide ang aktres to call
it quits!
Ayon
sa naging pahayag ni Ara, sa kanya nagmula ang desisyon na magkanya-kanya na
muna sila ng kanyang boyfriend, na inakala na rin ng maraming siya na ring
maghahatid sa kanya sa dambana.
Gusto
lang sabihin ni Ara na mas pinili niya ang manahimik dahil hindi nga naman
isang bagay na dapat na ipagmalaki pa ang pakikipag-split sa isang minamahal.
At
ngayon nga, papanatilihin pa ring lihim ng aktres ang tunay na dahilan ng
kanilang paghihiwalay. Nauna rito,
itinanggi na niyang may third party na siyang naging sanhi para kahit na
bumabalik daw dito ang kanyang boyfriend at nagtatangka pa ring mailagay sa
ayos ang lahat eh, talagang tumatanggi na siya.
Nagpapasalamat
na lang si Ara na habang maaga pa eh, natuklasan na nilang they were not meant
to be.
At
dahil dyan, siguradong mauudlot din kung sakaling magplano nang lumagay sa
tahimik ang unang napabalitang nag-split na sina Cristine Reyes at Rayver
Cruz.
Noon
pa kasi sinasabi ni Ara na bago mag-asawa si Cristine, kailangang mauna muna
siya at siya raw naman ang Ate.
Kaya,
matagal-tagal na hintayan ito. Na sa
isang banda eh, makabubuti rin naman kay Cristine.
Kaya
nga naamin na rin ni Ara na when it comes to love, mas matapang sa kanya ang
nakababatang kapatid. At mas wise nga raw ito pagdating sa mga usapin sa puso.
Eh,
paano raw kung maging matandang dalaga na lang si Ara?
Naku,
hindi papayag ang sexy actress, dahil siya nga itong nangangarap ng pag-walk
down the aisle at magkaroon ng maayos na pamilya in the future!
* * *
Liezl nagluluksa sa pagyao ng kanyang stepdad
MESSAGE sa Facebook account ni Liezl
Martinez noong Huwebes ng gabi:
“M heart is aching and broken...my stepdad for the past
42years, Joey Stevens, has passed away at 9:42 pm tonight.
“I am
glad I spent my birthday with him. He just waited for my girls and I to leave.
I love you so so much!
“Thank
you for loving me like your own and treating my kids like your grandkids. I will miss you terribly!”
Ang
amin pong taos-pusong pakikiramay.
Noong
2009 na-grant ang annullment ng yumao at ng dakilang ina ni Liezl na si Ms. Amalia
Fuentes, matapos silang maghiwalay noong 2007, matapos ang may 28 taong
pagsasama.
* * *
MAMAYANG gabi
sa “The Bottomline” ng award-winning host na si Boy Abunda, itatampok
ang kwento at saloobin ng lifestyle writer at HIV positive na si Wanggo
Gallaga.
Halos
300 kaso ng HIV (human immunodeficiency virus) at AIDS (acquired
immunodeficiency syndrome) na ang naitala ng Department of health para lang sa
buwan ng Pebrero sa taong kasalukuyan.
Isa
na namang eye-opener ang mabibigyan ng mga kasagutan sa magiging paglalahad ni
Wanggo ng kanyang istorya, tunay na saloobin at pananaw sa kanyang kalagayan.
Makialam
mamayang alas-onse y medya ng gabi at huwag palampasin ang isang usapang
apektado tayong lahat.
At
alamin ang mga kasagutan ni Wanggo sa mga katanungang ihahain sa kanya ni Kuya
Boy at ng kanyang bottomliners o panel.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento