Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Marso 24, 2012

Edu ‘nakuryente’


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo   

PATOL is the name of the game these days!  This was shared sa akin on Facebook.
A few days ago, naglabasan ang conflicting Tweets ng Presidential Spokesperson na si Edwin Lacierda at Edu Manzano sa nasabing micro-blogging site.
Ang nai-post na Tweet ng past 2 p.m. ng Huwebes ay “Pnoy and Grace Lee spotted at Promenade Greenhills today.  In the middle of the day.  To be fair it is a nice day for a leisurely stroll.”
Pero agad ngang nasagot ang nasabing tweet ng nasabing spokesperson by saying na @RealEduManzano Us tweet is tsismis.  The President is presiding over a NEDA Board meeting. It started at 10. The meeting is still ongoing.”
Kaya, agad na humingi ng paumanhin ang aktor sa kanya ring Twitter at isinaad doon na may nakapagsabi lang sa kanya na nakita nga ang ating Pangulo at si Grace sa nasabing lugar.
At ang paglilinaw ng aktor eh, nagsaad ng, "Pnoy was NOT in Promenade with Grace Lee today. It was unconfirmed gossip, and I was overeager.  I deserve all the backlash.  Lesson learned.
 "Sorry for the confusion, everyone.  In local parlance, 'nakuryente' ako, and I was foolish to tweet unconfirmed chismis."
Dagdag pa nito sa mga bumuwelta sa kanya ng unsavory remarks,
 "And to those who have posted personal attacks against me, I sincerely understand.
“Lord knows I've given you a lot of material to work with."
Nagtamo na nga ng atensyon ang nasabing pangyayari at base naman sa Twitter post ng ABS-CBN reporter na si Willard Cheng, nagpasaring si PNoy tungkol sa maling Twitter post tungkol sa kanya.
Ayon sa Tweet nito @willardcheng: PNOY on tweet: Meron talagang walang magawa. Yun ‘yung kailangan nating ihanap ng trabaho. Dahil nag-iimbento ng kwento."
* * *

NAGIGING trending na nga ngayon ang mga usap-usapan sa Twitter lalo na ng mga celebirites at public figures.  Sa pamamagitan nga ng nasabing micro-blogging site, ‘nakakahalubilo’ na nila ang lahat ng taong gustong magbigay ng opinyon sa anumang gusto nilang i-post sa nasabing site.
Kaya, ito rin ang katanungang inihahain ngayon sa halos lahat ng artista.  Kung nasa Twitter ba sila at kung paano nilang iniiwasan ang kanilang mga bashers.  Gaya na nga ng wala ng patumanggang ‘pag-bangga’ ng bashers niya sa Megastar na si Sharon Cuneta.
This was asked kay Billy Crawford sa press conference ng bago niyang pelikula under Viva Films (with Marvin Agustin, DJ Durano, Martin Escudero, Luis Manzano and John Lapus) na “Moron 5 and the Crying Lady”.
Ayon kay Billy, wala siyang Twitter account.  Kaya kung meron daw na nababasa roon na nagpapakilalang siya, “Poser ko ‘yun.
“Para sa akin kasi, hindi maiiwasan na kapag may nag-bash sa ‘yo eh patulan mo.  For a while si Nikki (Gil) inalis niya ang account niya sa Twitter. Kelan lang uli siya bumalik.
“Ang point ko naman is kung hindi mo kaya i-handle ang judgement ng ibang tao sa ‘yo, don’t join na lang.  If you cannot accept ‘yung mga masasabi nila, which definitely will be really harsh, wala ka ring magagawa.
“After a while mapipikon ka rin. Kaya, I’d rather keep my distance and preserve pa rin my privacy.
“Ayoko rin kasi ‘yung lahat ng ginagawa ko, ibubulgar ko ba sa lahat ng tao?  Kung saan ako pupunta, ano ba ang kinakain ko, kumain ako, sino kasama ko. I don’t need that. Happy ako as is!”
Dito na rin nabuksan ang isyu tungkol sa kumalat na balitang nag-break na sila ni Nikki.
“Not true at all.  Magse-celebrate na kami ng four years namin in August.”
Nabalita na rin kasi na to promote his new album in foreign shores, tutungo siya ng Paris at medyo matatagalan ang pagbabalik niya sa bansa.
        “No connection at all. As it is, Nikki and I are doing great. Sa relasyon namin.  Siguro, dahil tahimik lang kami na couple kaya naiintriga ang iba.”
“But will there be a chance na mabisita siya ni Nikki and Paris, France para makapag-spend sila ng time together doon?
“Her load is filled with mga activities na. May taping siya for “Mundo Man ay Magunaw”. ‘Pag may mga ganyan, she just can’t leave.  
“Kaya, sa mga nagwo-worry na wala na kami, hindi po ‘yun totoo. Nikki’s a very nice and well-mannered girl.
“And kahit naman may time siya to visit me, hindi naman ‘yun pupunta sa akin na siya lang. Kasama pa rin niya ang parents niya. O, may kasama siya.  She was raised well.”
        Kung may nag-isip na break na sila na hindi naman pala true, ang kasunod eh, kung live-in ba sila o nagpakasal na.
“Hindi rin kami live-in.  Lalong hindi kami kasal.  Do you see a ring on my finger?  And am sure may mga kasunod pang tanong ‘yan.
“I’ll say it again, we are happy as it is. And yes, she’s the girl that I want to see myself married to!”








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.