Mula sa pahayagang Aksyon
Chizbiz
Ni Erlinda Rapadas
FLATTERED
si Xian Lim na nakahilera na rin
siya nina Sarah Geronimo, Gerad Anderson
at Vice Ganda bilang endorser ng
GLOBE.
Bale
pangwalong endorsement na ito ni Xian Lim at kahit sinasabi ng iba na
nakikisakay lang siya sa kasikatan ni Kim
Chiu ay never na na-offend ang palangiting aktor.
Enjoy
siyang katrabaho si Kim at gusto pa rin
ng fans ang kanilang loveteam on screen okey sa kanya.
Nagpapasalamat
din si Xian na hindi siya nakakaranas ng batikos sa mga bashers sa twitter.
Ang
pinupuna lang ng iba ay ang kanyang pag-arte. Dapat daw ay pagbutihin pa rin Xian ang
kanyang acting.
Sa
ngayon may 700 thousand followers sa twitter si Xian. At may mga posers rin daw siya na ginagamit
ang kanyang pangalan at sumasagot sa mga tweets ng fans.
Ang
ikinagugulat ni Xian, may mga babaeng lumalapit sa kanya, para lang ipaalam na
ipinangalan nila kay Xian ang kanilang anak! Kakalokah!
Well,
open naman si Xian na malaki ang naitulong sa kanya ng pagtatambal nila ni Kim
Chiu sa "My Binondo Girl." Biglang-bigla ay lumaki ang kanyang pangalan
at lumevel na sa pagiging top endorser.
Bale
ba ay siya ang sinasabing kapalit sa naiwang puwesto ni Sam Milby sa ABS-CBN.
Si Xian Lim ay celebrity endorser ng Globe Super Facebook (SFB-10) na ang come on
ay 10 pesos lang sa maghapon na paggamit ng Facebook.
Akmang-akma
ito kay Xian na aktibong-aktibo sa Facebook kahit super busy raw siya. Nagagawa
pa rin niya ang i-update ang kanyang FB account lalung-lalo na ngayon na
napaka-hectic ng kanyang schedule.
* * *
KAHIT madalang nang lumabas sa pelikula at telebisyon, malakas pa rin daw ang karisma sa tao ni Romnick Sarmenta. Mismong ang mga taga-District 2 ng Kyusi ang nagsasabi na kapag umiikot si Romnick sa distrito ay pinagkakaguluhan siya ng marami.
May mga political leaders na rin daw ang kumukumbinsi sa mister ni Harlene Bautista upang tumakbong konsehal sa second district. Dito rin nanalo si Alfred Vargas bilang konsehal.
Pero, hindi pa kasama sa agenda ni Romnick ang pagpalaot sa political arena. Ang kanyang negosyo na pagbebenta ng imported na bisekleta ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon.
And besides, ayaw niyang may masabi sa kanya ang partidos ni Harlene Bautista. Alam niyang may utos/pakiusap si Mayor Herbert Bautista na huwag munang papasok sa politika ang kanyag mga kapatid na sina Harlene at Hero habang nakapuwesto siyang mayor ng Kyusi.
At bale bahagi na rin siya ng Pamilyang Bautista dahil kay Harlene.
Kung mismong si Mayor Herbert Bautista ang magbibigay ng go signal at pahintulot, saka pa niya dedesisyunan kung kakandidato siya sa darating na eleksyon.
Si Hero Bautista noon pa ay todo iwas na sa pulitika. Si Harlene Bautista naman ang Alay Kay Inay Foundation ang pinagkakaabalahan.
Balitang gusto ring subukan ni Harlene Bautista ang pagpo-produce ng digtal at indie films lalo na't suportado siya ng mga kaibigan sa showbiz tulad nina Eugene Domingo, John Lapus at Direk Dante Garcia!
* * *
TWO
months extended ang teleseryeng “Legacy” dahil sa mataas na ratings at
magandang feedback ng viewers. Kaya
extended din ng dalawang buwan ang kontrata ni Geoff Eigenmann.
Inihahanda na ng kanyang manager na si Perry Lansigan ang muling pagpirma ni
Geoff sa Siyete at 100% na hindi siya
mag-o-ober da bakod sa ibang network at hindi niya iiwan ang GMA-7.
Ayon
na rin kay Geoff, masaya siya sa pag-aalaga sa kanya ng Kapuso network. Walang dahilan para isipin pa niya ang umalis
dito. Afterall, ayaw rin niyang
magkahiwalay sila ng kanyang lady love na si Carla Abellana na kapipirma lang din ng bagong contract sa GMA-7.
Bukod
kay Lovi Poe na love interest niya
sa “Legacy,” gusto ring makatrabaho ni Geoff sina Rhian Ramos at Jennylyn
Mercado.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento