WHAT’S THE
POINT?
Ni Pilar Mateo
TUWANG-TUWA kami sa lupon ng mga tagahanga ng aktor na si Rocco Nacino nang
idaos ang aming “9th Golden Screen Awards” sa Teatrino.
Maaga pa lang kasi eh, dumating na ang
mga ito at nag-request naman talaga sila ng invitations para makapanood at
makitang muli ang kanilang idolo.
Behaved ang mga Roccofellas.
Kaya, tuwang-tuwa rin ang kanilang
idolong si Rocco nang ito ang tanghaling “Breakthrough Performance by an Actor”
(para sa papel niya sa “Sayaw ng
Dalawang Kaliwang Paa”) that night.
“Hindi ko po alam ang sasabihin ko. Speechless. Hindi pa rin nagsi-sink in na ako na ‘yung
nanalo. I feel very blessed. I feel very humbled. Doble-dobleng saya po dahil pangalawa na ito.
“‘Yung una parang birthday gift sa
akin. Ito naman birthday gift din sa
brother ko. Ang buong pamilya ko
nandito. Pati ang mga tagahanga ko. Kaya, lalo lang po akong motivated ngayon na
lalo pang paghusayan ang mga susunod na assignments na ibibigay sa akin. Na lalo ko pang gagalingan.
“Nung tinawag ang pangalan ko, hindi
ko maintindihan ‘yung pakiramdam. Ang
tagal bago mag-sink in kaya ninerbiyos din ako sa speech ko. Na, hindi naman pala ako nananaginip. Totoo na
pala ito.
“Sa pagkakaroon ng ganitong
recognition, alam ko na mas may hamon para sa akin ang mga susunod kong
gagawin. Pero, hindi naman ibig sabihin
nu’n na porke nagawaran na ako ng mga pagkilala eh, magiging choosy naman akong
masyado sa mga susunod kong projects.
“Ang importante po, that I stay
grounded. At hindi ko ito ilagay sa ulo
ko. I just want to give back sa mga
taong nagbigay ng tiwala nila sa akin. Na
hindi sila mapahiya sa akin.”
Nakita namin kung bakit blessed si
Rocco sa buhay nito ngayon. Bukod sa
suporta ng isang solidong pamilya at mga kaibigan -- pursigido ang aktor na
maabot ang pangarap niya. At kung hindi
man siya ang itinanghal na winner noon sa sinalihan niyang reality search -‘di
ba, sabi nga, ibibigay sa ‘yo ni Lord ang biyayang para sa iyo talaga.
Congratulations again, at abangan na
natin ang naiiba na rin niyang magiging pagganap sa katauhan ng bida sa epic
poem ng Ilokanong si Pedro Bukaneg.
* * *
NABASA ko lang sa @itsmemarielt ang mga sumusunod na tweets ni Mariel (Rodriguez-Padilla) noong Lunes ng gabi.
“Kaloka! the babe called asking for help...there is this lady who claims to be his wife. she has pictures of their "wedding" and of their kids.
“Poor babe doesn't know what to do... He is a true gentleman so he doesn't know how to tell the lady "uhm..u are not my wife"
“Mariel to the rescue.”
Napagpaliwanagan naman kaya niyang mabuti ang nasabing babae sa pagdamay niya sa kanyang mister?
* * *
Mula sa sinaliksik na istorya ni Akeem
Jordan del Rosario at script ni Arah Jell Badayos, itatampok nito si
John Manalo kasama sina Francis Magundayao, Emilio Garcia, Daisy
Reyes, Nikka Valencia, Kyle Balili, Raye Baquirin, Hanna Flores, Jerome
Ventinilla at Alijah Magundayao tungkol sa istorya ng magkaibigang
ang tanging pangarap eh, ang maka-sakay sila ng barko at maglayag sa iba’t
ibang panig ng mundo.
Natupad na makasakay sila ng barko
pero ang mga hamong kinaharap nila roon ang sumubok sa katatagan nila sa buhay.
Itinapon sila sa dagat ng mga
kasamahan nila at kinailangan nilang harapin ang naka-ambang kamatayan sa mukha
nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento