Mga Kabuuang Pageview

Martes, Marso 20, 2012

Aiza at gf na si Chen naghiwalay dahil kay Cathy Go?


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?”
Ni Pilar Mateo  

WHERE is CATHY GO-ing?
Sa album launch niya sa Chic-Boy (Timog) noong Lunes ng gabi, nagulat kami sa siksikan at punumpunong venue ng mga supporters ng bagong singer ng imina-manage ngayon ng dating girlfriend at manager ni Aiza Seguerra na si Chen Sarte - ang nineteen year old na si Cathy Go.
According to Chen, two and a half  years ago pa nila nakita at narinig ni Aiza si Cathy. Dahil nag-front act ito sa isang concert nila sa Metro Bar.  At noon pa naman eh, humanga na sila sa kalidad ng boses nito.
Ayon naman kay Cathy, nagsimula na siyang kumanta-kanta sa banda noong trese anyos pa lang siya at sige na rin siya ng kakasali sa mga amateur singing contests.  And sa kamuraan ng kanyang isip, ang mga gaya na nina Lolita Carbon ng Asin at Sampaguita ang mga hinahangaan niya.
At sa foreign artists naman eh, ang Beatles, Guns N’ Roses at sa kasalukuyan eh, sina Pink at Adele to name some.
Ang laki-laki ng pasasalamat ni Cathy.  Dahil matagal na nga siyang nagbabanda kasama ang 104 band niya at dati naman eh, ang Sophie’s.  Pero nang magkakilala sila ng better-half ni Bayang Barrios na si Mike Villegas -- na lagi namang kasama ni Aiza noon sa mga gigs nila ni Chen eh, nakakita naman si Mike ng ‘boses’ na babagayan ng mga awitin niyang matagal nang nakaimbak sa kanyang baul.
Sa kanyang “Find My Way to You” album, humatak na agad ng mga tagahanga ang kanyang carrier single na “Ayaw Na Kung Ayaw.”  
Ang lakas kasi ng recall nito.  At nag-collaborate nga sila ni Mike sa lyrics and melodies ng iba pang mga orig na kantang kasama sa nasabing album na ang Mayumi Records naman na itinatag ni Bayang ang siyang magdi-distribute.
Kabilang sa nasabing album ang mga kantang “Ngayong Gabi,” “Hanggang Ngayon,” “This Circle,” “Cupid,” “Atin Lang Ito,” “Start Kissing,” ‘Let Me Put My Arms Around You,” “Alon,” “Sana Bumalik,” “Bangungot” at “Find My Way to You.”
Naging very bold and blatant na kami sa pagtatanong kay Chen kung si Cathy ba ang dahilan ng naging paghihiwalay nila ni Aiza noong Oktubre?
Sabad agad ang Cathy na kelan lang siya nakipag-break sa kanyang boyfriend. 
At parang magkapatid ang pagtitinginan nila ni Chen.  At isang pamilya.
Si Chen naman, hindi pa maibulalas ang mga kadahilanan sa naging mutual decision naman daw nila ni Aizang paghihiwalay.
Sabi ko, akala ko kasi, ‘yung “Ayaw Na Kung Ayaw” eh, kanta niya para kay Aiza. 
Hindi raw.
In fairness-nag-stay ang press para pakinggan si Cathy sa kanyang album launch. Makapal nga ang boses nito.  At ikinukumpara kay Yeng Constantino.  Pero malayo.
       Monday and Saturday may gig sa Chic-Boy si Cathy.  Kaya, kung gusto niyong makakuha ng magandang puwesto para siya mapakinggan eh, agahan niyo na ang punta at nagulat kami talaga dahil sobrang full-pack ng nasabing venue!
Isang hirit pa kay Chen, kung hindi si Cathy, hindi raw ba naman ‘yung ‘protégé’ ni Aiza ang dahilan ng paghihiwalay nila?
Hindi raw.  Dahil that time, siya pa nga ang pumili sa nasabing protégé para alagaan ni Aiza sa nasabing Kapuso program.
Basta sina Chen at Cathy, go na go sa paniniwalang mas maganda na muna ang wala munang lovelife habang pinagbubuhusan nila ng panahon ang pag-alagwa ni Cathy ngayon sa mundo ng musika!
* * *
SIGURADONG kukurutin ang puso ng mga manonood ng “MMK” (Maalaala Mo Kaya) sa episode na ipalalabas sa Sabado, March 24 sa ABS-CBN.
Ang sinaliksik na istorya ni Akeem Jordan del Rosario eh, tungkol sa buhay ng Chavez Sisters.  Na gagampanan nina Kim Chiu, Miles Ocampo at Anya Aguilar.
Mula sa iskrip ni Benson Logronio at direksyon ni Nuel Naval na susuportahan nina Ana Capri, John Arcilla, Lui Manansala, Duday at Jaycee Parker, ibabahagi sa manonood ang kapalaran ng tatlong magkakapatid na nang mamatay ang ina, inabandona ng kanilang ama at sumama sa ibang babae.
Ang hamon ng buhay ay nang ma-diagnose with brain tumor ang isa at ang isa naman ay na-diagnose ng idiopathic thrombocytopenic purpura -- isang kundisyon na may low platelet count ang may katawan.
Ang tibay ng pagsasamahan ng tatlong magkakapatid, kung saan ang isa pang siyang nag-aalaga sa kanila eh, tinamaan din ng brain tumor ang istoryang mahirap paniwalaan na tumama sa tatlong magkakapatid pero hinarap nila nang buong tapang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.