Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Marso 3, 2012

Dingdong nininerbiyos kina Aga at Echo


Mula sa pahayagang Aksyon
CHIZBIZ
Ni ERLINDA RAPADAS


 AT LAST! Nagbunga ang pagri-risk ni Dingdomg Dantes na tumanggap ng kakaibang karakter na hindi tulad ng mga nauna niyang ginampanan sa pelikula.
Sa “Segunda Mano” movie ay isang psycho killer ang kanyang role, kaya napansin ng mga kritiko at tinanghal siyang Best Actor sa MMFF 2011 Award.  At ngayon, nominado rin siyang Best Actor sa PMPC Star Award for Movies.
Sobrang nerbyos at napi-pressure si Dingdong dahil sa laki ng expectation sa kanya.  Bale ba'y magagaling din ang kanyang mga katungali sa Best Actor category tulad nina Aga Muhlach, Jeorge Ejercito, Derek Ramsay, Jericho Rosales atbp.
Pero, nagsisilbi naman itong inspirasyon sa aktor at magiging malaking hamon nga ito upang higit niyang pag-ibayuhin at seryusohin ang bawa't role na ibigay sa kanya.
Looking forward si Dingdong na muling makagawa ng kakaibang klase ng pelikula na susubok sa kanyang kakayahan bilang isang artista.
Nalamapasan na niya ang stage na pang-matinee idol lang ang tingin sa kanya ng lahat. Ang kanyang Best Actor Award ay pruweba ng kanyang pagiging ganap na aktor!

* * *

 PUMASA kaya ang pagiging kontrabida ni Rhian Ramos sa mga "orig" na palaban, astig, at may matataray image sa showbiz tulad nina Manay Bella Flores, Cherie Gil, Gladys Reyes, Odette Khan, Maritoni Fernandez at ang Harbat Queen na si Lolit Solis?
Sila ang guests ni Rhian sa pelikulang "My Kontrabida Girl" na pawang malalakas ang personalidad at hindi basta umaatras sa anumang klase ng laban.
Si Cherie Gil may pagka-sosyal ang style ng kanyang pagiging kontrabida sa pelikula o sa telebisyon.  Hindi siya pumayag na i-take for granted o dedmahin ng mga young superstars ngayon.
Katwiran ni Cherie deserve niyang mabigyan ng respeto at importansya.  Si Gladys Reyes natatakang young kontrabida during “Mara Clara” days nila ni Judy Ann Santos.
Siya rin ang tipo ng artista na hindi pumapayag aapi-apihin ng sinuman.  Pagtataasan niya ng kilay ang mga artistang feeling sikat at may attitude problem.
Si Mana Loit Solis gerera lalo na kapag mga talents niya ang sinisiraan.  Maingay man siya at matapang as a person, off cam may pusong mamon at nagtatangol sa mga naaapi.
 Well, saan kaya lulugar ang pagkakontrabida girl ni Rhian kapag napagitna kina Cherie, Bella, Gladys at Manay Lolit?

* * *

BENTAHE kay Kris Bernal na hindi siya nakatali sa isang leading man lamang.  Kahit maraming fans ang nagsasabing sila ni Aljur Abrenica ang bagay na loveteam, hindi doon sumentro ang kanyang career.
Iba't-ibang aktor ang ibinibigay sa kanya upang makapareha.  Tulad nina Mark Herras, Rocco Nacino atbp.
Ito rin ang gusto ni Kris na mangyari kay Aljur Abrenica, ang tanggapin ng publiko kahit sino pa ang maging leading lady nito.
Sa “My Kontrabida Girl” ay si Rhian Ramos ang kapareha ni Aljur.  At sa tanong namin kay Kris kung sino sa palagay niya ang swak na young actress para kay Aljur, na tulad ng impact nila noon as loveteam, si Carla Abellana ang personal choice ni Kris.
Naniniwala siyang madadala ni Carla si Aljur upang maging aktor!  
Sobrang thankful si Kris na binigyan siyang muli ng bagong teleserye ng Kapuso network pagkatapos ng “Time Of My Life.”
 Ilang buwan rin siyang nakapagpahinga upang paghandaan ang afternoon soap niya with Mark Herras and Polo Ravales, ang “Hiram Na Puso” mula sa direksyon ni Andoy Ranay.
Magagaling na artista rin ang kasama niya rito tulad nina Gina Alajar, Gardo Verzosa, Candy Pangilinan, Aye Laurel, Ana Marin atbp.
Kung nagmarka si Kris Bernal sa “Koreana” at “Time Of My Life,” tiyak muling mapapansin ang kanyang acting sa “Hiram Na Puso!”
* * *

NASAKSIHAN ang nagaganap na mediation sa mga dumudulog at humihingi ng legal assistance/advise sa programang “Public Atorni: Asunto O Areglo?” ni Atty. Percida Acosta na araw-araw napapapnood sa TV5 bago mag-“T3.”
Dito ay pinaghaharap ang nagrereklamo at ang inirereklamo upang maglabas  ng kani-kanilang side o argumento sa kanilang idinudulog na problema.
Pakikinggan ni Atty. Percida Acosta ang dalawang panig at bibigyan niya ng parehas na pagtrato.  Ipaliliwanag rin ni Atty. Acosta ang mga batas na sasakop sa mga reklamong idudulog sa kanya sa show.
Pero, bago matapos ang paghaharap, tatanungin niya ang both parties kung ano ang gusto nilang mangyari ang “Asunto o Areglo?”
Karamihan naman ay nauuwi sa areglo ang lahat, kaya hindi nauuwi sa demandahan ang mga reklamo na idinadaan sa “Public Atorni! Asunto O Areglo.”
 Iyun nga lang, may mga pagkakataon na mismong si Atty. Percida Acosta ay nasa-shocked sa mga real life stories na inilalahad ng mga nagrereklamo.
Katulad sa sitwasyon ng isang lalaking menor de edad na noong edad tatlong taon pa lamang ay iniwan at ipinaampon sa kaibigang beki.
Ang nagpalaki at tumayong magulang sa inabandonang bata.  Pero, noong edad disisais na ito ay nagpakita ng ibang motibo ang beki na itinuring niyang ina/ama at tinawag niyang Mama Nora.
Naglayas ang binatilyo at gusto nang kumawala sa poder ng beki na itinuring siyang boy toy at pag-aari habambuhay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.