Mula sa pahayagang aksyon
WHAT’S THEPOINT?
Pilar Mateo
KALULUTANG lang ng pangalang Aljarreau ‘Al’
Galang na iniugnay sa pangalan ni Dra. Vicki Belo, eto’t may
kumakalat naman na inili-link na naman siya sa isang mas bagets sa kanya. And this time, isa itong modelo at nag-e-endorso
rin ng Flawless.
Maski nga ako nagulat.
Kasi si Eduard Mendez eh,
pamangkin ko sa pinsang buo ko. Ang kanyang ama ay isang doktor na sa Amerika
nananahan. At kapatid naman ito ni Dr. Joel
Mendez.
Kay Neil de Guia
namin inilapit noon si Eduard dahil gusto nga nitong pasukin ang showbiz. At mas dumalas naman si Eduard sa pagrampa sa
mga fashion shows at naranasan din naman ang umarte sa harap ng camera sa ilang
programa sa telebisyon.
Pabalik-balik din ito
sa Amerika dahil mas gusto nga ng kanyang amang tapusin muna niya ang kanyang
pag-aaral sa Maryland.
Nang tanungin ko si
Neil about it, sinabi niyang hindi na pala siya ang manager ni Eduard at si Joji
Dingcong na.
Well, hahanapin ko muna
si Joji para usisain. Kung true ito o
baka naman sadya lang na close si Eduard kay Dra. Vicki bilang endorser ng
Flawless nila ni Ruby Coyuito.
* * *
KINUMUSTA ko naman si Joji alaga nitong si Derek
Ramsay sa press conference ng latest movie ni Derek with Erich Gonzales
na prinodyus ng Star Cinema with Reality Entertainment at Skylight Productions,
ang “Corazon: Ang Unang Aswang” na idinirihe ni Richard Somes.
“May bulutong!”
bulalas naman ni Derek sa dressing room ng ABS-CBN.
So, at saka na natin
kumustahin si Joji about my pamangkin. Ang tsikahan muna with Derek ang ating
pag-usapan.
That night na idinaos
ang nasabing press conference ang bale pagtatapos na rin pala ng kontrata ni
Derek with ABS-CBN.
And that afternoon,
natuwa naman siya na ipinatawag siya para sa meeting with the network’s big
bosses at na-flatter naman siya na pati ang kanyang ama eh, ipinasama sa
nasabing meeting.
Wala pa rin palang
katotohanan ang mga kumalat na balitang lilipat na si TV5 si Derek. Nagulat din
daw siya nang masulat na ang “Amazing Race” na ang magiging proyekto niya doon.
“Ang nasabi ko before,
gusto kong sumali sa “Amazing Race” to compete and not to host.”
Pinabulaanan din ni
Derek ang mga balitang pera ang dahilan ng plano sana niyang paglipat.
“Two years ago, I was
offered na something. Pero hindi ko na
sasabihin kung saan ‘yun. But I have been loyal to ABS-CBN. And with that loyalty, hindi naman ako
naghanap ng kapalit.
“There were disappointing
times, yes. Tumatanda na rin ako. Pero lahat naman ‘yun pinag-uusapan. We have always been open with that.
“Ngayon, I am looking
forward to some career changes and the meeting this afternoon was a good one.”
Wala rin daw
katotohanan na nagtungo siya sa HongKong to meet with a TV5 big boss.
“Ang Mom ko and si
Joji ang nasa Hong Kong. You may check
my passport. I was here. Sila naman were there to attend a convention. Kaya nagulat ako nung masulat na nagmi-meeting
na raw kami dun.”
Dito naman sa bago
niyang pelikula, naikumpara ni Derek ang mga love scenes niya sa “No Other
Woman” at sa love scenes nila ng characters nila ni Erich sa “Corazon.”
Mas passionate nga raw ang mga sinalangan nila
dito dahil mag-asawa ang papel nila. Kaya nga raw excited na siyang maipalabas
na ito sa March 14.
He has a project pa
with Direk Olive Lamasan kung saan sila naman ni Bea Alonzo ang
magkasama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento