Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE
POINT?
Pilar
Mateo
SA NALALAPIT na
pagtatapos ng “Budoy” na pinagbibidahan ni Gerald Anderson, marami
syempre sa mga naging suki nito simula nang umere ito noong Oktubre ng nagdaang
taon ang malulungkot.
Kasi nga, na-endear na sa nakasanayan na nilang
pagsubaybay sa buhay ni Budoy ang
buong household.
Marami nga ang pumuri kay Gerald sa akting niya sa
nasabing soap. At ngayon naman, ibang
hamon na naman ang inihahanda sa kanya ng ABS-CBN para sa susunod niyang
proyekto.
Pagdating naman kasi sa mga mada-dramang mga palabas
, lalo na’t maraming aral na mapupulot sa istoryang inihahayag, hindi
nagmi-mintis ang ABS-CBN sa kanilang mga ginagawang panoorin.
Nasabi nga ni Gerald na kasama naman sa karakter
niya ang ginawa niyang pagpapa-skinhead recently.
Biniro nga ito ng mga kaharap na press na baka naman
daw pa-pogi points niya lang ito kay Sarah Geronimo, na nagsabi namang
nagustuhan niya ang bagong look ng sinasabing masugid na manliligaw niya sa
panahong ito kahit pareho nilang hindi inaamin.
* * *
PAGDATING nga sa
mga palabas na mga bata ang bida, tried and tested na ang Kapamilya sa
paghahatid nila ng mga istoryang sasalangan ng mga ito na siguradong kukurot sa
puso ng mga manonood.
Nakita na natin ito kay Zaijan Jaranilla nang
gampanan niya ang katauhan ni Santino.
At ngayong hinahanap na itong muli ng kanyang mga
taga-subaybay, hindi naman nakakalimutan ng ABS-CBN at ng Star Magic na hanapan
pa ng susunod na gagawin ang bagets.
Sunud-sunod nga ang ginagawa nito sa Kapamilya kaya
ang tawag na nga sa kanya eh, ang batang hindi nakakakilala sa salitang
pahinga.
Natapos na nito ang “Ikaw ang Pag-Ibig” at sa
paglisan ni Budoy sa Marso, ang
sinimulan na niyang gawin na bagong seryeng “Lorenzo’s Time.”
Ibang klase naman ng karakter ang gagampanan ni
Zaijan dito bilang si Lorenzo o Enzo.
Pamilyar na siguro ang marami sa atin sa
‘cryonization’. Na minsang natalakay sa
pelikulang “Vanilla Sky” noong 2001.
Wikipedia’s definition of ‘Cryonics’ (from the Greek
word kryos-meaning icy cold) is the low-temperature preservation of humans and
animals who can no longer be sustained by contemporary medicine, with the hope
of that healing and resuscitation may be possible in the future.
Dagdag pa rito, ang ‘cryopreservation’ of people of
large animals is not reversible with current technology. The stated rationale
fro cryonics is that people who are considered dead by current legal or medical
definitions may not necessarily be dead according to the more stringent information
-- theoretic definiton of death.
It is
proposed that cryopreserved people might someday be recovered by using highly
advanced future technology.
Ang bigat, ha? At ‘yan daw ang magiging tema ng bagong soap
ni Zaijan. Kung saan siya ang batang may
sakit na ipinasailalim ng kanyang mga magulang sa nasabing proseso.
Mayaman naman ang papel na gagampanan ni Zaijan sa
istorya.
“Sa mga dati ko pong role kasi, mahirap ako. At first time ko pong magiging mayaman sa role
ko.”
Sa tunay na buhay ba, mayaman na siya?
“Hindi pa po! Gusto ko pong yumaman. Wala pa po akong ganoong karaming pera.”
Eh, naiintindihan ba niya ang papel na gagawin niya?
Kung sakaling mangyari ito, gugustuhin
ba niyang ma-freeze siya sa yelo?
“Ayoko pong magkaroon ng ganoong sakit!”
May leading lady siya sa serye. At mas matanda ito sa kanya -- to be portrayed
by Carmina Villarroel.
Ang latest sa kuwento ni bagets, hindi na raw niya
crush si Cristine Reyes. At
nagpaliwanag pa na nag-iiba-iba naman daw talaga ang mga crush niya.
Ibang tema. Ibang atake na naman na gagawin ng isang
mahusay at masasabing pinaka-sikat na bata ngayon sa kanyang mga kaliga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento