Mula sa pahayagang Aksyon
Right Timing
By Nora V. Calderon
NAINTRIGA kami sa tweet ni Angel
Locsin na: “happy 16th birthday to Chito Miranda Jr.,
binata ka na tsong!”
Kaninong anak ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar si Junior?
Matagal na pinag-usapan noon ang relasyon nina Chito at ng aktres na si Kaye
Abad bago naging friends sina Angel at Chito.
* * *
MAGAGANDA lahat ang mga bagong
drama series ng GMA-7 na nag-pilot last Monday, February 6.
Una ang “Broken Vow” nina Gabby Eigenmann, Luis Alandy at Bianca
King, na simula pa lamang ng eksena ay madula, mabilis ang pacing at
mahusay ang acting nina Bianca at Gabby na malayung-malayo ang character na Roberto sa Desmond ng “Munting Heredera.” Mukhang pahihirapan nang husto
sa story si Bianca.
Naaliw naman kami sa mga labanan ng powers nina Jean Garcia at Marita
Zobel bilang dalawang mangkukulam hanggang natalo ang powers ni Jean at
naging punungkahoy siya, ang gandang transformation, sa “Alice Bungisngis and
Her Wonder Walis.”
Bukas, mapapanood na si Bea Binene bilang si Alice Bungisngis.”
Simula pa lamang ng “Biritera,” very heartwarming na ito at ipinakita na agad
ni Dennis Trillo ang husay niya sa acting.
Nakita na rin agad ang batang biritera, ang bagong young singer/actress
na si Roseanne Magan. May special participation pala si Jillian
Ward bilang ang original na batang biritera, si Claudine Barretto,
ang nag-ampon kay Abigail na
makikilalang si Roseanne.
* * *
NAG-LAST taping day na kahapon
ang buong cast ng “Kokak” directed by Ricky Davao. Kinailangang
tapusin ang taping ng nangungunang afternoon prime after ng “Eat Bulaga” dahil
today, Feb. 9, paalis ang bidang si Sarah Labhati, kasama ang dalawang
nali-link sa kanyang sina Derrick Monasterio at Enzo Pineda at si
Direk Freddie Santos.
Bale homecoming ito for Sarah dahil mga Pinoy sa Geneva, Switzerland ang
nag-request sa kanila for a show.
Naghihintay kay Sarah ang parents niya roon lalo na ang daddy niya na
matagal na niyang hindi nakikita. Six
days sila roon na as of now ay -10 degrees ang lamig.
Ayaw isipin ni Sarah na dahil sa mahusay niyang pagganap as Kara sa “Kokak” ay prinsesa na raw siya
sa afternoon prime.
Pinagbubuti raw niya ang trabaho niya at ang nasa isip niya, ang sarili
niya ang kalaban niya. Naniniwala raw siya na hindi ang laki ng role ang
dapat niyang isipin kundi how she gives justice to the role na ibinigay sa
kanya.
Kaya thankful siya kina Direk Ricky, TJ Trinidad, Jessa Zaragoza, Gary
Estrada, JC Tiuseco, Vaness del Moral, Frencheska Farr at Caridad
Sanchez sa suportang ibinibigay nila sa kanya.
Sa pagbalik ni Sarah mula sa Switzerland, malalaman na niya kung kailan
siya magsisimulang mag-taping ng bagong soap niya sa GMA-7 na mapapanood na
siya sa primetime.
Hindi pa lamang siya allowed banggitin kung ano ang bago niyang project.
* * *
BUKAS na, February 10, ang
grand finals ng reality challenge na “Survivor Philippines: Celebrity Doubles
Showdown.”
Maraming nag-react na televiewers nang hindi makapasok sa Top 3 si KC
Montero, at ang bumuo sa kanila ay sina Mara Yokohama, Stef Prescott
at Albert “Betong” Sumaya.
May mga nagsabing may mga nandaya,
bakit daw napanood na nakikipag-usap ang members ng jury sa top 4.
Nakita rin na may kutsabahan na sina Stef at Mara na ilalaglag nila si KC
na para sa kanila ay big threat sa kanila para tanghaling grand champion na
mag-uuwi ng P 3million cash prize.
Pero iyon daw ang laro, kailangang ilaglag mo ang threat sa inyo.
Hindi raw kaya naman naisip nina Mara at Stef na big threat din sa kanila si
Betong na never nanalo sa anumang immunity challenge na ginawa nila pero
nakarating hanggang sa top 3 level?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento