Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Pebrero 24, 2012

Richard hindi pumapatol sa starlet na si Ynna



Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO


HABANG tumatagal lalong lumalala ang away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro. Padagdag nang padagdag ang kaso na isinasampa nila kaya magiging suki sila ng korte. Saan kaya  aabot ang sigalutang ito?
Ang  nakakaloka pati si Richard Gutierrez ay nadamay  na rin sa awayang ito at kinasuhan ni Nadia ng harassment and unjust vexation dahil diumano sa mga  di kagandahang text nito.
 “I can prove this with 100 other persons.  This is your cellphone line so huwag ka nang mag-deny,” sambit ni Nadia sa mga interb yu niya.
Inakusahan ni Nadia na unprofessional si Richard dahil sa pagbanggit sa pangalan ni Yna Asistio nang ipakilala ang mga kasama sa isang production number sa “Party Pilipinas.”
Wala namang reaksyon si Richard sa isyung ito.  Si Annabelle Rama  ang nagtatanggol sa anak.  Kesyo hindi pumapatol ang anak niya sa starlet na si Yna.
 “Hindi papatol ang anak ko sa walang name, laban ko ito... Wala naman sa idiot board ang pangalan niya,” sey pa ni Tita Annabelle sa  isang panayam.

* * *

SAYANG wala si Rhian Ramos sa presscon ng pelikulang “The Road” na kung saan ay magkakaroon na ito ng international release by a Hollywood-based distribution outfit.
Ang ganda kasing pag-usapan  na pang-international na ang huli niyang pelikula at may summer movie pa sila ni Aljur Abrenica na “My Kontrabida Girl.” Panahon na rin siguro para humarap si Rhian sa press at ibalik sa normal ang lahat.
Ang latest movie nila ni Aljur  ay malaking challenge para pabanguhin ulit ang pangalan ni Rhian.  Eto rin ang sasagot kung may project na aalagwa para sa kanya pagkatapos ng mga isyu na  pinagdaanan niya.
Mai-save kaya ni Aljur  ang career ni Rhian?  Sapat na ba ang kabanguhan ni Aljur para patayin ang negang image ni Rhian Ramos ngayon?
Anyway, balik  sa The Road , kasali ito sa official competition ng 30th Brussels International Fantastic Film Festival.  The Belgian festival will be from April 5-17, 2012.  BIFF is one of the biggest genre festivals in Europe. 
“The Road” is also in competition at the 8th Fantaspoa—International Fantastic Film Festival of Porto Alegre, Brazil.  The first fantastic festival from Brazil and recognized as the biggest genre festival in Latin America.  It receives around 700 submissions each year.
Sa May 9 ipalalabas sa U.S. at Canada ang “The Road” ng GMA Films.  Ang main premiere nila ay gaganapin sa LA Live kung saan ginagawa ang Grammy Awards at Emmy Awards.
Bongga!
* * *

SINABI ni Ervic Vijandre na magkaibigan pa rin sila ni Rich Asuncion na pinakahuling babaeng naugnay sa kanya.  Hindi umabot nang one month ang kanilang relasyon.
“E kasi nga po, nag-date kami for almost like four months, tapos eventually sabi namin, na i-try naming maging kami.  Tapos parang hindi, parang hindi, e.  Parang parehas naming na-realize na hindi kami ready, hindi kami ano, ganun.
“So, kesa magkaroon tayo ng masamang relasyon, let us stay as friends na lang, so iyon. Mas okay kami as friends kasi, e.”
Hindi ba mahirap maging magkaibigan ang dating magkarelasyon?
“Ah sa amin po kasi parang hindi kami naging mag-ex talaga, e.”
Nagkaroon lang sila ng mutual understanding?
“Oo parang ganun, parang ganun na nga.”
May balitang nanliligaw si Ervic kay Frencheska Farr na co-star ni Ervic sa “Kokak.”
“Hindi po, hindi po. Kumbaga sa set, tinutukso kami.  Kasi nag- umpisa yan noon sa ‘Captain Barbell’ pa.  Sa tent po kasi magkasama kami ni French, magkatabi kami, naglalaro kami ng Ipad tapos dumating si Paolo Paraiso, ‘Uy, ang sweet!’
“Yung ganun, tapos yun na, hanggang dito na (sa ‘Kokak’) nadala na yung inaasar kami, tinutukso kami.”
Ngayon ay medyo mas kumportable na si Ervic sa interview kapag ang dati niyang karelasyon na si Marian Rivera ang topic.
Minsan lang daw silang nagkita ni Marian after their relationship ended.
“Totoo po isang beses lang po mula nung naghiwalay kami, yung dati, yung sa lobby ng GMA.  Nagkasalubong lang kami.”
Sino ang unang bumati?
“Parehas lang po, parehas lang.”
Nagbeso ba sila?
“Wala, walang beso.  Sobrang awkward na moment yun.
“Ano lang, ‘Uy kumusta?’ ‘Okay ka?’, ganun lang po.
Sila ba ni Dingdong Dantes ay nagkaroon na ng chance na magkakilala?
“Kilala ko siya.  Lagi kong sinasabi na… baka maano na naman ako… na kilala ko siya pero hindi kami napakilala na personally, so hindi ko siya kilala, personally.
“Kilala ko siya as an artista, siyempre naman,” sinabi pa ni Ervic.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.