Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Pebrero 13, 2012

Regine ayaw mag-showbiz habang tabatsoy pa


Mula sa pahayagang Aksyon

RIGHT TIMING

By: nora v. calderon




 LAST Sunday ay napanood na muli si Regine Velasquez-Alcasid sa “Party Pilipinas” dahil nag-promote sila ng husband na si Ogie Alcasid para sa Valentine concert nila tonight, ang “Mr. & Mrs. A” sa Smart Araneta Coliseum with special guests Dingdong Dantes, Erik Santos, Kyla, Angeline Quinto, Vice Ganda and some surprise guests. 
Tumuloy din sila sa “Showbiz Central” at sila ang sumailalim sa “Don’t Lie To Me” segment na si Jennylyn Mercado ang pansamantalang pumalit kay John Lapus na nasa Japan, kasama ng best friend na si Kris Aquino.
            Natanong ni Jen si Regine kung tuluyan na siyang babalik sa “Party P” na tamang-tamang nagbigay sila ng tribute sa yumaong Pop Singer na si Whitney Houston at swak na swak kay Regine na maraming Whitney Houston songs ang kinakanta nito. 
Ang sagot ni Regine, kahit daw gusto na rin niyang bumalik sa show dahil na-miss niya ang pagkanta sa more than one year na pagbubuntis, ang pagsisilang niya sa anak nilang si Baby Nathaniel James or Nate, priority pa rin niya ang pag-aalaga sa kanilang anak. 
Kailangan din daw niyang magbawas muna ng timbang na hindi niya magawa dahil nagbi-breast feed pa siya kay Nate. 
Ayaw din niyang bumalik na hindi pa siya in shape at makaranas lamang ng panlalait ng mga tao.  Tanggap daw naman niyang kalakaran iyon sa showbiz, kaya mas mabuting unahin na muna niya ang pag-aalaga sa kanilang three-month-old baby.

                                                            * * *
       



NANG una naming mapanood na nagpi-perform sa “Party Pilipinas”ang sing-and-dance group na Down To Mars, akala namin ay mga Korean singers sila.  Pero hindi pala, mga Pinoy sila na may foreign blood at matatas magsalita ng Tagalog. 
Si Daisuke ay Filipino-Japanese, sina Kenji, Yheen, Jang at Sky ay Filipino-Chinese at sina Kiro at Jeongwon (na siya lamang ipinanganak sa Korea pero dito lumaki) ay parehong Filipino-Korean. 
Mga common friends nila ang naging dahilan kaya nabuo ang grupo na tinawag na Down to Mars (The Elite Power of Seven). 
Last February 10, one year na sila sa showbiz at contract star na ng GMA Artist Center. 
            Ang maganda sa grupo, sama-sama sila sa isang condo unit provided ng parents ni Kenji, libre ang pagtira nila roon at nagkakaroon sila ng time na ihanda ang kanilang mga kailangan bago sila mag-show, tulad ng mga kakantahin nila at wardrobe na isusuot.
Free day nila ang Monday na umuuwi sila sa kani-kanilang family.  In fairness, isa ang grupo nila na tinitilian sa “Party Pilipinas.”
Bukod sa “Party Pilipinas,” group into three sila araw-araw napapanood sa “Kusina Master” ni Chef Boy Logro sa GMA-7 bilang mga “Kusina Warriors” na tagatikim ng nilutong pagkain ni Chef Boy. 
Nagkaroon na rin sila ng major concert sa Butuan City na hindi nila akalain na napakarami na nilang fans doon.
            Bukas, may post-Valentine concert ang La Diva na si Jonalyn Viray sa Metro Bar in Quezon City.  Ang Down To Mars ang ka-back-to-back ni Jonalyn sa concert titled “One Love.” 
            They are looking forward sa pagpunta nila sa Seoul, Korea sa April 2 para sa kanilang MTV shoot doon na siyempre ay masaya sina Jeongwon at Kiro na makababalik sila doon. 
            Sinamantala nilang Holy Week at wala silang work kaya one week raw sila doon.  Tamang-tama na pagbalik nila aasikasuhin nila ang anniversary concert nila sa Music Museum sa May.

                                                            * * *
 LAST Friday, nag-appear na si Bea Binene bilang ang teenager nang si Alice sa “Alice Bungisngis and Her Magic Walis.” 
At 16, lalabas na ang special power ni Alice at sa kabila ng kanyang kabutihan ay lagi naman siyang inaapi ng mga kasama niya sa ampunan. 
Nagugulat siya na kapag may inisip at sinabi siya, nagkakatotoo.  At lahat naman ng nangyayari, sa kanya ibinibintang at natatakot siyang paniwalaan ang ibinibintang sa kanya. 
Noon naman nararamdaman ng manggagaway na si Esmeralda (Jean Garcia) na lumalakas na siya. 
Paano kung malaman niya na ang pamangking si Alice ang dahilan kaya bumabalik ang lakas niya? 
Abangan ang pagkikita ni Alice at ng supladong mayamang tagapagmana na si Ace (Jake Vargas) sa isang nakatatawang sitwasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.