Mula sa pahayagang Aksyon
CHIZBIZ
Ni ERLINDA RAPADAS
DAHIL
sa matitindi at mabibigat na pelikulang kanilang ginawa noong 2011 posibleng
sina Lovi Poe, Anne Curtis, Carla
Abellana at Angel Locsin daw ang
maglalaban-laban at magtutunggali sa Best Actress Award sa darating na awards
season sa movie industry.
Sina
Lovi at Carla nagmarka sa moviegoers ang kanilang role sa “My Neighbor's Wife.”
Iba rin ang akting na ipinamalas ni Lovi sa “Aswang,” “Temptation Island” at “Yesterday,
Today & Tomorrow.”
Ganoon rin naman si Carla na bukod sa “My Neighbor's
Wife” ay napansin rin sa “Asiong Salonga” movie at sa “Yesterday, Today &
Tomorrow.”
Samantala
marami ang bumilib kay Anne sa kanyang
markadong role sa “No Other Woman.” Si Angel nagpaka-daring rin sa
pelikulang “In The Name Of Love” katambal si Aga Muhlach with Jake Cuenca.
Sa
hanay ngayon ng mga young actress, sina Lovi, Carla, Anne at Angel ang
kinakitaan ng husay sa pag-arte at magtatagal sa showbiz, lalo na't bukod sa
pelikula ay may mga TV shows rin sila.
Tulad
ni Lovi na major cast at bida sa “Legacy” at nagmarka ang kanyang pagganap
bilang si Natasha Alcantara!
* * *
BIKTIMA
si Rhian Ramos ng maling pag-ibig sa
isang lalaking nagwasak ng kanyang reputasyon at walang respeto sa babae.
Napakabigat
ng dapat na pagbayaran ni Rhian para lamang matutunan ang isang makabuluhang
leksyon sa buhay. At taas noo niyang
hinarap ang masasakit na akusasyon sa kanya ng lahat.
Pikit-mata
niyang tinanggap ang mga panlalait at paninira sa kanyang pagkatao. Hindi siya nagpatalo sa pagsubok ng buhay
dahil na rin sa pagmamahal at moral support ng kanyang pamilya, mga kaibigan at
Kapuso Stars.
Muli,
nakikita namin ang maaliwalas na aura sa mukha ni Rhian. Natapos na niya ang pelikulang “My Kontrabida Girl”
with Aljur Abrenica.
Comedy
ang movie at hindi kontrabida ang role dito ni Rhian. Kaya naman pakiusap ng mga tagahanga ni Rhian
Ramos sa mga haters/detractors ng tisay na Kapuso Star (na leadstar sa
pelikulang “My Kontrbida Girl” at kasama rin sa “The Road”) na tigilan na ang
paninira sa young actress.
Gusto
ring umapela at makiusap ng mga supporters ni Rhian sa entertainment writers
upang tuluyan na raw maka-move on at makapagsimulang muli sa kanyang career ang
kanilang hinahangaang Kapuso Star.
Kung
may nagawa mang kasalanan at pagkakamali si Rhian dahil sa sobra niyang
pagmamahal at tiwala sa isang lalaking nagsamantala sa kanyang kainosentehan,
sana raw ay mabigyan ng chance si Rhian na maituwid ang kanyang mga
pagkakamali.
Ituring
man siya ng marami na isang Magdalena, ang babaeng makasalanan na dapat libakin
at parusahan, deserve pa rin naman ni Rhian Ramos na mabigyan ng panibagong
pagkakataon uang maka-move on pagkatapos ng kontrobersya at iskandalo sa
kanyang buhay!
* * *
WALANG
nasasayang na oras kay Marvin Agustin kaya successful siya
ngayon. Kahit anong oras niya gustuhing
mag-retire sa pag-aartista ay financially stable na siya.
He’s
a silent millionaire kaya hindi na dapat pagtakhan kung can afford rin siyang
mag-produce ng TV show sa TV5, ang “Kanta Pilipinas” na in full swing na ang
pag-a-audition nationwide.
Si
Marvin Agustin ang tumatayong producer ng show kaya nabalita rin na pipirma
siya ng kontrata sa Kapatid network.
At
kahit abala si Marvin A sa maraming bagay, paglalaanan raw niya ng oras at
panahon ang pagpo-promote ng pelikulang “The Road” na ipalalabas sa U.S.A. sa
Mayo.
Mismong
si Direk Yam Laranas na nagsabing
kasama sina Marvin, Alden Richards
at Rhian Ramos sa US trip para sa “The Road.”
Halos dalawang dekada na sa showbiz at
nakapagpundar na rin ng mga negosyo si Marvin. Successful din ang kanyang pagpo-produce ng
concert ng mga foreign artists na kinukuha niya para mag-concert sa malalaking
venue tulad ng Smart Araneta Coliseum.
May
mga kasosyo si Marvin Agustin sa bawa't negosyong kanyang pinapasok. Siya lang madalas ang naka-front sa meetings
at negosasyon. Kaya ang alam ng lahat ay major partner at owner siya ng
negosyong kanyang binubuksan.
Masinop
sa pera at sobrang sipag ni Marvin Agustin sa pag-aasikaso ng kanyang mga
negosyong karamihan ay resto at food business.
Kahit
nasa teyping or shooting siya naisisingit pa niya ang pagsu-supervise sa mga
ito.
BIG
break kay Alden Richards ang pagkakapansin sa kanya sa pelikulang “The Road” ng
GMA Films. Nagbunga rin ang kanyang
tiyaga at pagsisikap upang magig ganap na aktor.
Kinakitaan
ng masidhing determinasyon si Alden kahit noong nagsisimula pa lang siyang gumawa
ng pangalan sa showbiz.
Nagsimula
siya sa pagsali-sali noon sa pageants at contests sa Sta Rosa, Laguna. Taong 2009 nang pinalad si Alden Richards na
manalo at tanghaling Ginoong Sta Rosa.
Dito
rin niya na-meet at nakilala ang ilang showbiz celebrities na tumulong sa kanya
bago siy napadpad sa Kapuso netork.
Ngayon
ay makinang na ang bituin ni Alden. Pero,
pressure kay Alden kapag sinasabi ng ilang entertainment writers na siya ang John Lloyd Cruz ng GMA-7. Hindi lang kasi "good looks" ni JLC
ang dapat na pantayan ni Alden pati ang galing umarte at pagiging box-office
king ng aktor ay makuha ni Alden.
Nakakakaba
ang ganito kataas na expectation sa kanya lalo na ngayong napansin ang kanyang
pagganap sa "The Road" ng GMA Films.
Ang
pelikulang ito na dinerek ni Yam Laranas ay nakatakdang ipalabas sa 50 (fifty)
commercial theaters sa U.S.A. at Canada.
Ang
FREESTYLE Releasing Entertainment ang mamamahala sa pagre-release ng "The
Road" abroad.
May
gagawing red carpet premiere ng “The Road” sa May 9 sa Mann Chinese Theater at
dadaluhan ng mga artistang kasama ditto tulad nina Rhian Ramos, Marvin at
Alden.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento