Mula sa pahayagang Aksyon
RIGHT TIMING
By: nora v. calderon
SA
LAUNCH ni Gerald Anderson as the new endorser ng Mint clothing, na
nagsi-celebrate na ngayon ng 10th year in the business, hindi
naiwasang itanong kay Gerald kung bakit niya iniwan ang Bench na endorser siya
nito nang ilang taon na.
Nang matapos na nga raw ang
contract niya roon, nakipag-usap na sila sa Mint dahil matagal na siyang
hinihintay nito.
Nagpasalamat siya sa Bench na
naging part siya ng family nito pero inisip daw niyang part na ng kanyang
growth ang pag-transfer niya sa Mint.
Nilinaw din ng may-ari ng Mint,
sina Jopet at Stella Sy na hindi pinalitan ni Gerald at isa pa
nilang endorser na si Xian Lim.
Nagkabiruan pa kung sinadya raw
nilang gawing endorser ang former boyfriend (Gerald) at present boyfriend
(Xian) ni Kim Chiu.
Kahit daw may balak silang kumuha
ng female endorser, hindi pa rin daw iyon si Kim dahil may ini-endorse itong
isa ring clothing line.
Hindi rin naman pwede si Sarah na
siyang nali-link ngayon kay Gerald dahil mayroon din itong ini-endorse na ibang
clothing line.
Speaking of Sarah, inamin ni
Gerald na lumabas sila ni Sarah, isang group date after nanood ng “Mr. &
Mrs. A” concert nina Ogie at Regine Alcasid.
Kasama nila ang family ni Sarah at
nag-enjoy sila sa isang KTV.
Pero wala nang nakuha pa kay
Gerald dahil hindi na raw dapat pag-usapan iyon. Mas focus daw siya sa
nalalapit na pagtatapos ng teleserye nilang “Budoy” na nasa last three weeks na
sila at matatapos na sa first week of March.
TWELVE new shows
ng TV5 for the first quarter ang sabay-sabay na ini-launch sa NBC The Tent sa
The Fort last Wednesday afternoon. Nagsimula nang mapanood ang “Good
Morning Club” nina Paolo Bediones, Cheryl Cosim, Martin Andanar, Amy Perez,
Chiqui Roa-Puno, Tintin Bersola-Babao, Lucky Mercado at iba pa.
Napapanood na rin ang “Valiente”
nina JC de Vera, Oyo Sotto, Nadine Samonte, Nina Jose, Michael de Mesa,
sa direksyon ni Joel Lamangan.
Sa Lunes, Feb. 20 na ang pilot
telecast ng mini-serye ng singing sensation na si David Archuleta with Jasmine
Curtis Smith, Eula Caballero at first TV directorial job ni Mac
Alejandre sa TV 5.
Ilo-launch na rin ang back-to-back
dramaserye nila, ang “Felina, Ang Babaing Pusa” ni Arci Munoz at ang
“Isang Dakot na Luha” sa Feb. 27, 3 to 4 pm.
Nariyan din ang game shows na
“Toink! Sino Ang Tama,” “The Biggest Game Show in the World Asia,” ang “Game ‘N
Go” nina Edu Manzano at Shalani Soledad-Romulo.
Muling ibabalik sa March ang
“Extreme Makeover Home Edition Philippines” nina Paolo Bediones, Tessa
Prieto-Valdez.
Sa NEWS5, ang docu na “Insider,”
at ang bagong “Pilipinas News” simula sa Lunes, Peb. 20, nina Paolo
Bediones, Cherie Mercado at Jove Francisco, 11pm.
Kapansin-pansin na si Paolo
Bediones ang may pinakamaraming shows, ayon kay Mr. Bobby Barreiro,
Executive Vice President and Chief Operating Officer of TV5, mahal daw nila at
iniingatan si Paolo dahil ito ang kauna-unahang nagtiwala sa kanila nang
lumipat ito sa TV5.
* * *
HINDI
nakikipag-compete ang mga tween stars at ang kanilang youth-oriented show every
Sunday, ang “Reel Love Presents Tween Hearts,” pero happy sila na patuloy
silang tinatangkilik ng mga viewers after ng “Party Pilipinas.”
Napatunayan nilang love sila ng
mga manonood dahil sa more than one year na nila sa ere (muling na-extend ito
until April, 2012), laging nauungusan nila sa rating ang kanilang mga
nakakatapat.
Limang shows na rin ang tumapat sa kanila,
pero hindi pa sila natatalo ng mga ito. Biro nga ni Direk Gina Alajar
nang dalawin namin last Thursday ang taping nila, bakit daw paborito silang
tapatan ng ibang teleserye.
Patuloy lamang naman ang story ng
mga tweens na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binena, Jake Vargas,
Joyce Ching, Kristoffer Martin, Kylie Padilla, Derrick Monasterio, Kiko
Estrada, Kim Komatsu, Tee Jay Marquez, Hiro Magalona, Ken Chan at Rhen
Escano.
Special ang prom night bukas,
dahil may special participation si Steven Silva as the commercial model
na si Leo Navarro as the date of Kylie.
At magandang balita sa lahat ng
mga fans ni Julie Ann San Jose, dahil bukas ay papasok na rin siya sa
“Tween Hearts” na makakatambal siya ni Jake at malamang maging love triangle
sila ni Bea.
* * *
NGAYONG gabi,
mapapanood ang “Valiente” marathon sa TV5, mula 9:30 – 11pm. Tampok ang
isang linggong episodes simula noong Lunes hanggang Biyernes.
* * *
BUKAS, at
10:30am, bago ang “Party Pilipinas” sa GMA-7 mapapanood naman ang pilot week ng
nangungunang primetime drama series na “My Beloved” nina Dingdong Dantes
at Marian Rivera.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento