Mula sa pahayagang Aksyon
My E-net
By Gas Gayondato
BACK
to each others arms na ba ngayon ang drama nina Katrina Halili at Kris
Lawrence o matagal na silang nagkabalikan pero inililihim lang
nila sa publiko?
A
few days ago kasi ay namataan ko ang dalawa sa isang tindahan ng mga
accessories sa Shoppesville
sa Greenhills.
Una kong nakita si
Katrina na naka-black wearing shades pero hindi ko pinansin kasi feeling ko kamukha lang ng bruha.
Sumunod
na nakita ko ay si Kris pero hindi ko rin masyadong pinansin kasi akala ko kahawig lang.
Pero
nung nakita kong pinagtitinginan sila ng madlang pipol ay saka ko lang
na-realize na sina Katrina at Kris nga ang dalawang yun.
So,
inikutan ko ulit ang mga itey.
Ay, totoo nga mga bru,
sina Katrina at Kris nga ang nakita ko.
Hindi ako nagkakamali.
May-I-akyat na lang ako
sa second floor ng nasabing mall para mapagmasdan ko nang mabuti ang dalawa nang hindi nila napapansin para
hindi naman sila ma-Charo Santos Conscious sa akin.
At
first ay magkahiwalay lang silang namimili ng ewan kung anu-anong accessories
yun,
then later on ay lumapit na si Katrina kay Kris at
panay na ang hold nitey sa braso ng magaling
na singer.
Pagkatapos
nun ay magka-holding hands at sweet na sweet na umalis ang dalawa
papalabas ng mall.
With
that ay masasabi kong hindi lang basta magkaibigan ulit ang dalawa.
I’m sure nagkabalikan
na sila.
Well, that’s good and
sana maging masaya rin tayo para sa kanila.
At least, napatunayan
ni Katrina na labs talaga siya ni Kris sa kabila ng sex video scandal
na kinasangkutan nitey with Hayden Kho.
Of
course, dapat din nating hangaan ang isang katulad ni Kris na hindi hinusgahan
si
Katrina sa madilim na nakaraan nitey, whew!
*
* *
FEBRUARY
14 is a very special day, hindi lamang dahil it’s Valentine’s Day, but because
it’s
yours truly’s birthday.
Naging
very special day yun kahit wala naman akong balak mag-celebrate dahil sa isang
tunay na kaibigang nagbigay ng b-day treat kasama
ang ilan pang kaibigan.
Ang
tinutukoy ko ay walang iba kundi si Engr. Maranan,
na hindi ako iniwan, lalung-
lalo na sa mga panahong I was down and out.
Maraming
salamat bru. Maraming salamat talaga sa
lahat ng tulong, sa lahat ng mga
payo na nakapagpapagaan ng dibdib sa tuwing feeling
ko ay pinagbagsakan na ako ng langit at
lupa.
Maraming
salamat din kina Ms. F (aka Fernan de
Guzman), Tita Roel Villacorta,
Ate
Jonas
Vertudazo at Lola Chicha -- sila ang mga kaibigang nakasama
ko sa isang simpleng salu-
salo para sa pagdiriwang ng di ko malilimutang kaarawan.
Maraming-maraming
salamat din sa mga hindi nakalimot bumati thru text.
Higit
sa lahat, thank you Lord na laging sumasaklolo sa mga oras na feeling ko ay
wala
na ‘kong way out.
That’s
all, thank you! Bow, choz!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento