Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO
Pakawalan mo na kami! |
SA PRESSCON ng “My
Beloved” ng GMA 7, na magsisimula sa February 13, ay naroon si Ynna Asistio.
At dahil sa napakakontro- bersiyal ngayon ng awayan nina
Nadia Montenegro at Annabelle Rama, nilinaw kay Ynna ang
mga bagay-bagay na may kinalaman sa gulo sa pagitan ng ina niya at ng kanyang
talent manager.
Una ay ang tungkol sa balitang lumipat na si Ynna sa
Icon Management.
“Iyon nga po, gusto ko pong sabihin sa lahat na hindi
po totoong pumirma ako sa ICON, hindi po totoo yung sinasabi ni Tita Annabelle
na pumirma na po ako sa ibang agency.
“Ang koneksyon ko lang po sa ICON ay pinsan ko po yung
head na si Bebong Muñoz, he’s my
first cousin po sa Asistio side, iyon lang. First cousin ko po siya, iyon lang.
“Iyon nga po yung problema namin kaya nagkakaroon ng
kaso dahil ayaw nga po kaming pakawalan ni Tita Annabelle.
Ano ang suporta niya sa kanyang ina…
“Ang hirap nga po kasi never po akong nakasama sa
hearing, hindi po ako nakakasama sa hearing lalo na pag nagwawala si tita.”
Sinasadya ba niyang huwag sumama?
“Hindi po sadya, lagi lang po akong may trabaho kapag
ano… yung unang pagwawala niya, nagte-taping ako ng “Maynila,” yung pangalawa
po, hindi ko lang po sure kung nasaan ako nun pero may trabaho din po ako so,
hindi talaga ako nakasama, parang nalaman ko na lang na iyon nga, nagwawala na
naman po.
“Ang weird, ang weird, nawi-weird-uhan na rin po ako.
Iniyakan ni Ynna ang mga nangyayari.
“Yes! Totoo po, ang hirap na lagi kong nakikita si
mommy, umiiyak. Kahit kahapon, kahit
kanina, alam mo yun?
“Hindi po biro itong issue na pinagdadaanan ni mommy
and mabigat po talaga sa family, sa amin and naaawa na talaga ako kay mommy.
“Everytime nakikita ko siya alam ko ang bigat-bigat ng
dinadala niya, pero ginagawa niya yun para sa amin.”
Sa palagay ba ni Ynna ay wala nang chance na
magkasundo pa ulit sila nina Tita Annabelle?
Ayaw ko, Day! |
“Ganun na kalaki yung damage na ginawa niya sa pamilya
namin, sa mga kapatid ko, sa nanay ko, para pa maayos.
“Kung maayos man siguro civil pero hindi kami titigil,
hindi namin ititigil hangga’t mawala
kami sa kanya and hangga’t mailabas yung totoo, kung ano po yung totoo.”
“Sa totoo lang hindi na rin namin kailangan ang
suporta ng iba, kaming pamilya, kumbaga desidido kami na tapusin ito, e. Kumbaga hindi rin po kami humihingi ng tulong
sa kahit kanino.”
Given a chance na makausap nang personal si Tita
Annabelle Rama, ano ang sasabihin ni Ynna Asistio?
“Feeling ko po, hindi ko kaya, e. I mean hindi naman, kumbaga hindi naman ako
bastos na tao kumbaga respeto na din, na kung makita ko siya hindi na
para batiin at ipakita ko sa buong mundo na binabati ko siya.
“Kasi ang pangit din naman kung batiin ko po siya, e,”
sagot ni Ynna.
Hindi bati kundi tsansa na makipag-usap nang
masinsinan kay Tita Annabelle.
“Iyon po ay kung makakapagsalita po ako,” natatawang
sinabi ni Ynna.
Hindi niya kaya?
“Hindi po, baka po mauna siya, baka hindi pa ako
lumalapit…”
May magaganda namang nagawa sa kanila si Tita
Annabelle lalo na sa career ni Ynna?
“Sinasabi ko nga na nagte-thank you din naman talaga
ako pero yung sinasabi po niya na pinulot niya lang kaming magkakapatid sa
lupa, paano naman pong nangyari iyon?
“Dalawang taon pa lang po akong nasa kanya, magsi-six
years na po ako sa showbiz, nauna po ako kay Tito Dougs.”
Ang yumaong talent manager na si Douglas Quijano raw ang unang manager ni Ynna…
“Kay Tito Dougs po talaga ako, nag-start po ako, 12-13
(years old), mga ganun, nag-QTV ako tapos talagang ano po, nung nawala lang si
Tito Dogs dun na ako naging full kay Tita Annabelle.
“Nagkita sila sa wake ni direk, ni Nanay Khryss Adallia, dun po ako nakita ni
Tita Annabelle, dun niya sinabi na kung may manager ba ako?
“Sinabi ko na kay Tito Dougs ako, that night po
kinontak niya si Tito Dougs at sinabi niya na ‘Co-manage tayo’.”
Pumayag daw si Tito Dougs.
“Si Tito Dougs madaling kausap, pumayag po siya, so
hindi po totoo na ipinilit ako ng mommy ko sa kanya, na ginawa ni mommy lahat
para mapunta kami sa kanya, hindi po totoo yun.
“And yung sa mga kapatid ko naman, tinanong niya po
ang mommy ko kung gustong mag-artista nung dalawa. Totoo naman na gusto nila pero sabi ni mommy
mag-school muna.
“Pero dahil mag-o-open ang TV5 nun, nagmamadali po si Tita
Annabelle, nagmamadali siya so pinapirma niya agad yung mga kapatid ko. Na may
agreement din na hindi maaapektuhan ang school.
“Pero iyon nga, at the end, ang nangyari, naapektuhan
nga yung school.
“Nanghingi ng advice si mommy na baka puwedeng mag-lie
low muna sa trabaho dahil naiiwanan na yung school.
“Tsaka bago naman po talaga dumating sa
demandahan tinray naming ayusin nang maayos talaga, hindi na talaga, hindi na
talaga maayos dahil ang dami na po talagang nangyari, na kumbaga sabi namin,
legal na lang.
“ Parang hindi na healthy yung nangyari. Na lagi silang nag-aaway ni mommy, kasi lagi
naming kailangang pumunta sa event na ganito, sa party ni ganito, ni ganyan, so
parang sabi ni mommy, na parang, ‘Masyado naman atang ano yung mga anak ko ditto.’
Kumusta sila nina Richard
at Raymond and the other Gutierrez
siblings?
Di tayo okay 'no! |
Si Mark Herras
naman na boyfriend ni Ynna, paano sumusuporta?
“Si Mark siyempre ayoko naman pong madamay dito si
Mark kasi problema ng pamilya ko ito. Pero
siyempre dahil nga konektado siya sa akin parang medyo nadamay siya, noong una.
“Pero hindi na naman. So, ayun nakasuporta lang siya and kahit naman
hindi natin tanungin talaga namang nasa side namin siya, di ba?
“Pero as much as possible ayoko na rin po siyang
madamay kasi wala naman siyang kinalaman sa gulo namin, e.”
Halimbawang nasa harap niya si Tita Annabelle at
mabibigyan si Ynna ng pagkakataon na sabihin ang mga gusto niyang sabihin, ang
sasabihin ni Ynna ay…
“Kung talagang ayaw mo sa aming magkakapatid, and
napilitan ka lang, e, di sana pakawalan mo kami.
“Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang
ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?
“Ipinagluto ka ng nanay ko, sabi mo nga, binigyan ka
ng kung anu-ano. Alam mo naman po yung totoo, alam mo na ikaw po yung nakiusap.
“Sana lang po lumabas na yung totoo dahil… sabi mo
nasira yung reputasyon mo. Paano pa yung
reputasyon ng pamilya ko, ng tatay ko, ng nanay ko at yung mga minor kong
kapatid?
“Iyon yung pinakamasakit, e, kasi may pamilya ka, may
anak ka, may mga apo kang babae. Sana po
isipin mo na ganun din po kami.
“Tumayo kang pangalawang nanay namin pero hindi namin
in-expect na ganito yung gagawin mo,” deklara ni Ynna.
Bukas ang panig ni Tita Annabelle dito.
Anyway, bida sa “My Beloved” sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama sina Paolo
Contis, Mikael Daez, Jennica Garcia , Carl Guevarra, Alden Richards, Louise
delos Reyes, Saab Magalona , Djanin Cruz, Marky Lopez , Andrea Torres
at sina Miss Chanda Romero at si
Miss Nova Villa, sa direkyon ni Dominic Zapata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento