Mula sa Pahayagang Aksyon
Pinlakang Tabing
Ni Richard Pinlac
Pokwang: Minamalas sa Year of the Water Dragon |
SIGURO
naman ay tinanggap na ni Pokwang sa
puso niya na hindi pang-noontime show ang beauty niya, huh!
In
fairness, talented naman itong komedyana na na-discover sa Music Box, nga lang,
tila wala siyang suwerte na maging sahog sa bawat pangtanghaling programa na
sinalihan niya.
Mula sa "Wowowee", na
pinalitan ng "Pilipinas Win Na Win" hanggang sa natsugi na ring
"Happy, Yipee, Yehey!" ng Dos ay may iisang common factor ang tatlong
short-lived programs na nabanggit...si Pokwang!
Nataon lang ba o mistulang may sumpa sa
komedyana?
Siguro ay panahon na para
kay Pokwang na muling lingunin ang kanyang pinagmulan.
Its about time na suyuin na ni Pokwang
ang mga taong tinalikuran niya (sadya man o hindi) simula nang mabigyan siya ng
sunud-sunod na breaks ng ABS-CBN.
Kinakabahan na rin siguro ang Pokwang sa mga
panahong ito na tila hindi siya sinasang-ayunan ng Year of the Water Dragon.
Una na ang pagkaka-flop sa takilya ng kanyang
solo starrer. Ngayon naman ay ang
pagkakatsugi ng kanyang noontime show.
What's next?
* * *
Teri magbayad ka na raw ng utang mo
Hon. Teri isoli mo na lang ang mga items na kinuha mo, please! |
NATURINGANG nasa public service ang linya ng stand-up comedian na si Teri Onor, pero bakit puro tungkol sa
kamalasaduhan ng bokal ng Bataan ang nakakarating sa amin?
Kung
matatandaan, sometime last year ay may isang businessman (na nagngangalang Lito) ang naghahabol dito sa
impersonator ni Nora Aunor.
Diumano ay
may malaking pagkakautang itong si Teri sa negosyante na as of presstime ay hindi
pa rin naisi-settle ng baklita!
At nitong
huli lang ay may nakausap din kaming mag-asawang negosyante na pinaghahanap din
si Teri na may obligasyon din sa kanila.
Hindi
maliit na halaga ang pinag-uusapan dito, huh! May style raw kasi itong Teri na kukuhanin
muna ang loob ng bawat nakikilalang puwede nitong mautangan.
Sa
simula ay maayos daw na kausap ang komedyante, at dahil nga sa kilala siyang
personalidad kaya madali para sa mga kinaibigang negosyante ang pagkatiwalaan
siya.
Walang
chance para makuha namin ang side ni Teri sa usaping ito, kaya isang panawagan
na lang ang gustong ipaabot sa kanya (sa pamamagitan ng pahinang ito) ng mga
umano'y biktima ng kanyang panloloko.
Honorable Teri Onor, magbayad ka na raw
ng utang mo! Kung hindi ka raw
makabayad, pinakamagandang isoli mo na lang ang mga items na kinuha mo sa mga
ito!
Yun lang!
* * *
Sharon & Martin: 'Once in a Lifetime'
Sharon at Martin: Isang gabing 'di dapat palagpasin |
MALAPIT na malapit na ang “Once In A Lifetime” concert nina Sharon Cuneta at Martin Nievera sa Smart Araneta Coliseum!
Isang gabing hindi dapat palagpasin
(lalo na sa mga taong in love dyan!) ang February 11, na siguradong matatagalan
pa bago muling mapagsama sa isang concert ang Megastar at ang Concert King!
Kitakits!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento