Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S
THE POINT?
Pilar
Mateo
APAT na bagets na lang ang natitirang
naglalaban-laban para tanghaling kauna-unahang “Junior Master Chef” sa Pinoy
Edition nito na inihahatid ng ABS-CBN at hinu-host ng hindi rin matatawaran ang
kahusayan sa pagluluto sa kusinang si Judy Ann Santos.
Kasama ang tatlong hurado na sian Chef Ferns,
Chef Lau at Chef Jayps, wala ngang itulak-kabigin si Juday kung sino sa apat, na masasabing
winners na ngayon pa lang, ang tatanghaling kampeon.
Kaya patuloy na panoorin ang pagbabakbakan nina Jobim,
Kyle, Mika at Philip sa mga darating pa nilang cooking challenges.
After na mapag-usapan na ang mga bagay tungkol sa
patapos ng paglalaban-laban sa kusina, hinarap na namin sa aming mga tanong si Juday.
I asked her kung sakaling may chance siya na
ipagluto ang ating Pangulo na si Pnoy eh, kung ano ba ang ibibigay niya dito.
According to Juday,
“Hamburger. Sandwich. Para madala niya agad-agad dahil lagi nga
siyang busy o on-the-go.”
May nagtanong din sa kanya kung halimbawang she will
be tendering a dinner eh, kung sinong mga malalaking tao ang makikita sa
kanyang dinner table.
“Imelda Marcos, Sharon Cuneta, Pnoy, Miriam
Defensor, Manny V. Pangilinan, Atty. Felipe Gozon, Sir Gabby
Lopez, Kris Aquino, Boy Abunda ang Mother Lily Monteverde!”
I also asked her kung ano ang iniregalo nila sa
isa’t isa ni Ryan (Agoncillo) noong Valentine’s Day.
Simpleng dinner lang daw ang kanyang inihanda para
sa kanyang mag-aama kasama si Mommy Carol. Si Ryan daw ang nagbigay ng roses sa kanya
pati sa kanilang anak na si Yohan.
“Nakakatuwa ang reaksyon ni bagets. Akala mo nakatanggap siya ng something na Justin
Bieber, kasi ‘yun ang binigay ko sa kanya nung Christmas -- doll na Bieber.
Kung makayakap sa tatay niya parang
tumanggap ng award! Kulang na lang
umiyak!”
Marami nga raw natututunan si Juday sa kanyang junior master chefs at siya rin niyang inihahanda
sa kanyang pamilya.
Mahilig daw sa noodles si Yohan at si Lucho
(who’s 15-months old na) eh, sa soup at lahat naman daw ng ihanda niya eh,
kinakain.
I also asked her about Ryan.
“Naku, ang dila naman ni Ryan parang pang-7 year
old!”
Ows? React ko
naman. Pati mga kasama ko na may
na-pick-up.
“Naku, iba na naman ‘yang iniisip niyo, ha! Ang ibig
kong sabihin, ‘yung panlasa niya! Kayo talaga!”
May humirit naman sa kanya kung masusundan na raw ba
si Lucho at kung nakikita na ba niyang tumutuwad ang bagets. May kasabihan kasi na kapag tuwad ito nang
tuwad eh, humihingi na ng kasunod.
“Hindi naman sa ayaw pa namin siyang sundan. Timing lang lahat ang katapat. Iba na rin kasi ang dynamics ‘pag tatlo na
sila. I could have wanted one more.”
Ting! Naglaro na naman ang isip ko. Eh, baka naman
hindi si Lucho ang tumutuwad?
Tawanan nang tawanan ang tsikahan with Juday. Buti na nga lang, nakaalis na ang apat na
junior master chefs!
* * *
UNDERGROUND boxer ang gagampanang karakter ni Coco
Martin sa matutunghayan mamayang gabi sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya), February
18, sa ABS-CBN.
Sa karakter niya bilang si Ramon, lalaki
siyang alaga ng pambubugbog ng kanyang magulang.
Kaya naman ang nakagisnan niyang mundo sa
pagbo-boxing eh, tatalikuran niya para siya mapilitang gumawa ng mga krimen.
Dahil na nga sa tindi ng kanyang kamao.
Makakasama ni Coco sa nasabing episode sina Jodi
Sta. Maria, Philip Nolasco, BJ Forbes, Celine Lim, Veyda Innoval, Michael Roy
Jornales, Carlos Morales, levi Ignacio, Andrei Garcia, Aleck Bovic at Mike
Lloren.
Ito ay mula sa pagsasaliksik ni Alex Martin,
script ni Benson Logronio at direksyon ni Dado Lumibao.
Ito ang kasunod na programa ng “Junior Master Chef
Pinoy Edition”.
Kakaibang
role na naman ang ihahatid ni Coco sa kanyang mga tagahanga.
Na nasubukan na sa kahusayan niya sa
drama, pati na sa comedy at ngayon naman, sasakyan ang isang katauhang malapit
sa puso ng balana -- ng isang boksingero.
And layers of the boxer’s persona will be revealed.
Sa tindi ng kanyang kamao, bakit mas ginugusto nito ang makasakit ng kapwa
niya.
May natutunan ba sa dulo ng kanyang pakikipaglaban
si Ramon?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento