Mula sa pahayagang aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR
LUMABAS
na ang nominasyon para sa “28th PMPC (Philippine Movie Press
Club) Star Awards for Movies” matapos ang mabusising pagre-review ng mga
screeners nitong mga nakaraang buwan.
Twenty
eight awards ang ipamamahagi ng PMPC para sa iba't ibang kategorya.
Ang mga nominado para sa mga major categories ay ang mga sumusunod:
For Movie of the year, nominees ang “Ang Panday 2” (Imus Productions, Inc. /GMA Films), “Aswang” ( Regal Entertainment,Inc.), “In The
Name Of Love” ( Star Cinema
ABS-CBN Film Productions, Inc.), “Manila Kingpin: The Asiong
Salonga Story” (Viva Communication
Inc./ Scenema Concept
Int’l. ), “No Other Woman” (Viva Films / Star Cinema ABS-CBN Film Productions), “The Road” (GMA Films) at “My Neighbor’s Wife” (Regal Entertainment,Inc.).
Sa Digital Movie of the Year, pasok ang mga pelikulang “Ang Babae Sa
Septic Tank” ( Cinemalaya Foundation
/Martinez- Rivera Films / Quantum
Films Production ), “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” (
Cinemalaya Foundation / Vim Yapan / Alex Chua Productions / Bigtime Media Productions / SQ
Films Laboratories, Inc. / Optima Digital ), “Ikaw Ang Pag-ibig” ( Star Cinema/ Archdiocese of Caceres/ Marilou Diaz-Abaya Film
Institute and Arts Center),
“Patikul” (Cinemalaya
Foundation/ Xiti Productions / Sine Totoo Production), “Sa Ilalim Ng Tulay” ( Cinema One Originals ), “Niño” (Cinemalaya Foundation /Handurawan Fims), at “Thelma”
( Time Horizon Pictures/ Abracadabra
Productions / Underground Logic).
Sa Movie
Directors of the Year, nominess sina Tikoy Aguiluz (“Manila
Kingpin: The Asiong Salonga Story”), Mac Alejandre
(“Ang Panday 2”), Ruel
S. Bayani ( “No Other Woman “),
Olivia M. Lamasan (“In
The Name of Love”), Jun
Lana (“My Neighbor’s Wife”),
Yam Laranas (“The
Road” ) at Jerrold
Tarog (“Aswang”) .
Nominado
naman sa kategoryang Digital Movie of the Year sina Marilou Diaz –Abaya (“Ikaw Ang Pag-ibig”), Loy Arcenas (“Niño”), Earl Bontuyan (“Sa Ilalim Ng Tulay”), Joel Lamangan (“Patikul”), Marlon Rivera (“Ang Babae Sa Septic Tank”), Paul
Soriano (“Thelma” ),
at Alvin Yapan ( “Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa”)
Sa Best Actress category ay maglalaban-laban sina Ai Ai Delas
Alas (“Enteng Ng Ina Mo”), Anne
Curtis (“No Other Woman”),
Eugene Domingo (“Ang Babae Sa
Septic Tank”), Angel Locsin (“In The Name of Love”), Lovi Poe (“My Neighbor’s Wife”), Maja Salvador (“Thelma”) at Judy Ann Santos (“My Househusband”).
Ang mga nominees naman for Best Actor ay sina Ryan Agoncillo (“My Househusband”),
Dingdong Dantes (“Segunda Mano”), Jeorge Estregan (“Manila Kingpin: The Asiong
Salonga Story”), Martin Escudero (“Zombadings”), Aga Muhlach (“In The Name of Love”), Derek Ramsay (“No Other Woman “), Jericho
Rosales (“Yesterday, Today and
Tomorrow”).
Ipagkakaloob kay Eddie Gutierrez ang Ulirang
Artista Lifetime Achievement Award at si Direk Marilou Diaz-Abaya ang tatanggap
ng Ulirang Alagad sa Likod ng Kamera.
Ang Airtime Marketing, Inc., sa
pamumuno ni Ms. Tess Celestino, ang
producer ng “28th Star Awards For Movies” na gaganapin sa
Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City, sa March 14, Miyerkules.
Sa
kauna-unahang pagkakataon, mag-uumpisa ang naturang parangal ng eksaktong
alas-5 ng hapon.
Si
Direk Al Quinn ang magdidirehe ng
awards night na ang airing ay mapapanood sa ABS-CBN sa March 18, 10 p.m.
Ang
mga hosts ay sina Sarah Geronimo, KC
Concepcion at Derek Ramsay.
* * *
WALANG
masyadong nakahalata na nagkaroon ng wardrobe malfunction si Iza Calzado last Sunday sa kanyang
dance number sa “ASAP Rocks.” Napunit
ang kanyang leggings nang mag-split siya pero good thing, malayo ang shot kaya
hindi masyadong pansinin.
Si
Iza na mismo ang nag-tweet later that day ng nangyari.
“Omg!!!!!!!!
Major wardrobe malfunction! My leggings
ripped when I did my split! Buti na lang
no more lifts after :p Thankful for wide shots!” tweet ni Iza sa kanyang
Twitter account.
“Sabi nga sa akin Ng Tatay Ko.. "The show MUST go
on!!!" I'm really glad the shot was far. Thank you God and thank you Mr. M (Johnny
Manahan, director of the show),” sumunod na tweet niya.
Puring-puri
naman si Iza ng mga tao dahil sa kabila ng nangyari, tinapos niya ang dance
number na parang walang nangyari.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento