Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Marso 28, 2012

Katrina kahit nabuntis hindi pakakasalan ni Kris


Mula sa pahayagang Aksyon
RIGHT TIMING
By: nora v. calderon

TULOY pa rin si Katrina Halili sa pagganap niya bilang si Emmie sa drama series nila nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “My Beloved.”
Nagpaalam pala siya na aalis na siya sa soap matapos niyang ma-confirm na nasa 14 weeks na siya ng kanyang pregnancy.  Alam daw niya na hindi na niya mapapangatawanan na magpa-sexy sa kanyang role at lalaki na rin ang kanyang katawan. 
Pero hindi siya pinayagan ni Direk Dominic Zapata at ng production dahil kailangan pa siya sa story, na ang role niya, preggy rin siya at ang itinuturong ama, si Benjie (Dingdong).  
Although kaya pa naman niyang magtrabaho, gusto naman niyang maalagaan ang sarili para sa kanyang magiging baby.  At least daw, aalagaan din siya ng production sa mga eksena niya ngayong alam na nila ang kanyang pregnancy.  
Dito sa Manila siya manganganak pero kapag natapos na niya ang “My Beloved,” magbabakasyon siya sa kanila sa El Nido, Palawan.
            Nagbigay ng message si Katrina sa kanyang baby: “Blessing ka sa akin, mamahalin kita at ihahanda ko ang future mo,”  at kay Kris Lawrence, ang ama ng magiging baby niya: “Thank you for being there with me.”  
Wala pa sa plano nilang magpakasal, hindi raw dahil may nangyari na sa kanila ni Kris, ipi-pressure niya ito.  Pareho daw silang hindi ready ni Kris na magpakasal.  
Dasal lamang ng mga friends ni Katrina, sana ay totoo ang sinasabi ni Kris na happy siya sa magiging baby nila ni Katrina.  Lagi raw kasing umiiwas si Kris na pag-usapan ang tungkol doon at ayaw nitong magpa-interview sa press.  
Ginawa niyang spokesperson ang best friend na si JayR na siyang nagpainterbyu  tungkol sa issue.

                                                            * * *

 VERY credible winner daw si Jean Garcia sa katatapos na “9th Golden Screen Awards” ng Enpress sa Best Performance of an Actress in Drama, sa role niya bilang isang ballet dancer and instructor sa “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa,” with Rocco Nacino at Paulo Avelino.  
Totoo naman na kahit anong role na gampanan ni Jean, naibibigay niya ang buong husay niya sa pagganap.  
Biro nga kay Jean, kahit daw gumanap na isang tuod si Jean napapaarte pa rin niya ang puno, tulad ng role niya bilang ang mangkukulam na si Esmeralda sa “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis,” na matapos isumpa ng kanyang ina ay nanatiling isang puno at tanging ang pamangking si Alice (Bea Binene) ang makapagpapakawala sa kanya sa loob ng puno.
            Inamin ni Jean na wala siyang role na tinatanggihan kahit pa mahirap ito dahil doon daw siya lalong natsa-challenge.  
Hirap din siya sa costume bilang isang puno dahil matigas ang ilang ginamit dito.  Pero ang katwiran niya, tinanggap niya ang role, kailangang panindigan niya ito.  Kaya naman ang aktres, hindi nawawalan ng mga projects sa GMA-7. 
            Sa “Alice Bungisngis” mamaya, bago ang “24 Oras,”  tinanggap na ni Alice na ang tunay niyang ina ay si Esmeralda. Nagpipilit itong maging mabait kay Alice at nang minsang nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Alice at Spade (Derrick Monasterio) na ipinagtanggol si Alice ni Ace (Jake Vargas), ginamitan na niya ng mahika ang ina ni Spade na si Maggie (Irma Adlawan) at Queenie (Lexi Fernandez) nang makialam ang mga ito sa away.  
Magtagumpay na kaya si Esmeralda na hindi magkita at magkakilala sina Alice at ang tunay na ama nito, si Hilario (Janno Gibbs)?
                                                            * * *

PINABULAANAN ni Mother Lily Monteverde na for the Metro Manila Film Festival sa December ang movie na first team-up nina Marian Rivera at Coco Martin sa Regal Entertainment.  
Ginagawa na raw ang script ng yet untitled movie ng dalawa pero once na maayos na ito, magsisimula nang mag-shooting si Direk Maryo J. delos Reyes.
            Kaya naman habang hindi pa nagsisimulang mag-shooting ng movie si Marian, magkakaroon na ng story conference this week ang sitcom na muling ididirek ni Uro dela Cruz.  
Malamang kasabay na magti-taping ang sitcom at ang “My Beloved” sa GMA-7.  May target date na sila ng pilot nito sa May.  Malalaman na rin kung totoong kasama sa cast si “Kusina Master” na si Chef Boy Logro dahil ang concept nito ay tungkol sa pagluluto,  kaya sa isang restaurant or bake shop ang set nila.
Meanwhile, excited na ang mga Dingdong-Marian fans na mapanood ang intimate love scene ng dalawa sa “My Beloved.” 
Bukas, mapapanood na ang two-day taping na ginawa nila sa Ulian Beach Resort sa San Antonio, Zambales, the same location na ginamit nila sa first drama series at first time na nagkasama sila, ang Pinoy adaptation ng Mexican telenovela na “Marimar.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.