Mula sa pahayagang Aksyon
Right Timing
By: nora
v. calderon
Pero nabigo ang mga nagtatanong sa
kanya dahil wala silang nakuhang negative or affirmative answer. Biro nga
niya sa amin, iisa raw ang tanong sa kanya ng mga press at wala raw naman
siyang pwedeng isagot.
Sa huli, ang isinagot na lamang
niya: “Kung ano man ang nangyayari sa amin ngayon ni Tita Ethel, sa amin na
lamang iyon dahil wala naman dapat pag-usapan. Kita ninyo na siya ang
kasama ko ngayon, with my wife Charlene.”
Kahit si Ethel, nang makausap namin noong launch ni Angel Locsin as the
endorser of Mosbeau for the second year, ayaw din niyang magsalita sa mga
entertainment press na gustong interbyuhin siya. Wala raw naman siyang
dapat sagutin.
Sa tanong kung totoong kakandidato siya sa Camarines Sur, natawa si Aga dahil
maaga pa raw naman para mag-isip noon.
Kahit ang wife niyang si Charlene
ay iyon din ang sagot sa amin nang biruin namin kung payag ba siyang manirahan
na sa CamSur kung sakaling matuloy kumandidato si Aga.
Wala pa raw sinasabi sa kanya si
Aga at maaga pa masyado para pag-isipan iyon. Sa ngayon, pareho pa silang
busy ni Aga sa kani-kanilang work, si Aga sa “Pinoy Explorer” sa TV5 at siya
isa sa mga hosts ng “The Buzz” sa ABS-CBN.
* * *
MUKHANG hindi
mabibigo si Direk Wenn Deramas na mapatawa ang mga manonood ng
pinakabago niyang dinirek na movie sa Viva Films, ang “Moron 5 and A Crying
Lady.”
Sa presscon cum launch ng movie na
ipinakita ang full trailer, ang pinakamahirap yatang patawanin na entertainment
press ay bumunghalit ng tawa sa mga eksenang ipinakikita ang mga kalokohan nina
Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, DJ Durano at Martin
Escudero sa movie.
Ayon kay Direk Wenn, experiment
lamang niya na gumawa ng series of gags na may story at thankful siya na
tinanggap ito ng Viva Films.
Mapapanood na ito simula sa April
7, a Black Saturday, na pwede na raw tumawa ang mga tao.
After ng ilang araw na lumabas ang balita na nag-back-out ang Star Cinema sa
pagsosyo sa “Moron 5 and A Crying Lady, minabuti ni Direk Wenn na mismong ang
Viva Films na ang sumagot sa issue.
Sa pamamagitan ni Vincent del
Rosario, anak ni Boss Vic del Rosario, inamin nitong tulad sa ibang
businesses, nagkaroon sila ng pag-uusap, ng evaluation tungkol sa project pero
hindi ito nagkaroon ng resolution, wala silang pinagkasunduan.
Pero no bad blood between Viva and
Star Cinema dahil nagsimula na ring mag-shooting sina Sarah Geronimo at John
Lloyd Cruz ng third movie nila na parehong co-production venture ng Viva at
Star Cinema.
Nangyari na rin daw ito sa
pinaka-highest-grossing movie for 2011, ang “Praybeyt Benjamin” na medyo
nagkaroon sila ng hindi pagkakasundo ng Star Cinema.
After nga raw nilang kumita sa
movie, napatunayan nilang kaya ng grupo ang ginagawa nila. Maganda ang
sinabi ni Vincent kay Direk Wenn: “Ang Viva kasi, nakataya kay Direk Wenn, kung
saan man niya kami dalhin, doon kami.”
Balitang si John Lapus na ang co-producer ng “Moron 5 and A Crying Lady”
na tuwang-tuwa na for the first time sa ilang projects na rin niyang nagawa,
first time niyang gaganap na hindi bading kundi isang tunay na babae.
Thankful din si Sweet sa
pagmamahal sa kanya ng Viva, na kahit sa kanila siya naka-contract, pinapayagan
pa rin siyang gumawa ng movie sa ibang production like sa Regal Films at sa GMA
Films.
* * *
NAGSIMULA na kagabi
ang new timeslots ng mga primetime shows ng GMA-7. Pagkatapos ng “24
Oras,” ang “Biritera” na susundan ng “Legacy,” then ang “My Beloved” at ang
sinusubaybayang Pinoy adaptation ng Koreanovelang “DongYi.”
Maraming nagtatanong kung bakit pa
raw binago ang timeslot ng “My Beloved.” Pero naniniwala kami na dahil sa
trailer ng intimate love scenes nina Benjie
(Dingdong Dantes) at Sharina (Marian
Rivera) sa “My Beloved,” kailangang sa medyo late timeslot na ito ilagay.
Masyadong mahigpit ngayon ang
MTRCB kaya kailangan nilang iakyat na sa mas mataas na oras ang “My
Beloved.”
Abangan na lamang natin kung what
day this week ipalalabas ang love scene/bed scene nina Benjie at Sharina na
kinunan ang kabuuan sa Ulian Beach Resort in San Antonio, Zambales last
Thursday and Friday.
Nag-reminisce nga sila sa same
location na ginamit nila five years ago sa first TV team-up nila, ang
“Marimar.”
Doon din sila unang nagkakilala at
nagkalapit ng loob dahil halos ang buong Pinoy remake ng “Marimar” ay doon
kinunan ang mga eksena.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento