SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR
PAALIS si Billy Crawford sa April 30 patungong France para buhayin ang kanyang naiwang career doon nang mag-decide siyang bumalik sa Pinas at mamalagi na rito.
Mga two or three months daw siyang mawawala at nagpaalam naman daw siya sa management ng “It’s Showtime.”
Dapat nga raw ay January pa siya umalis pero hindi siya pinayagan dahil that time ay magre-reformat ang show at isasalang sa noontime slot.
“So, nakiusap naman ako kay Tita Cory (Vidanes) na payagan ako at pumayag naman. Babalik din naman ako, eh. Parang si Karylle din na four or five months nawala,” say ni Billy nang makausap namin sa shooting ng “Moron 5 and the Crying Lady”.
Bukod sa “It’s Showtime” ay maiiwan ni Billy rito ang girlfriend na si Nikki Gil. Natanong nga kung break ba muna sila habang naroroon siya sa France at aniya ay hindi naman daw niya gagawin ‘yun.
“Ah, hindi. Bakit ko iiwanan ‘yun? Hinding-hindi ko maiiwanan ‘yun, magpo-four years na kami. Well, lahat naman ng relationship, sabihin mo nang hindi perpekto. Of course, may pinagdadaanan paminsan-minsan, misunderstanding.
“Pero if you want a relationship to work, you’re gonna make it work.”
Hindi rin niya masabi kung dadalawin siya niya Nikki sa France dahil busy rin daw ito sa “Mundo Man ay Magunaw” and for sure ay hindi naman daw ito papayagan ng parents na bisitahin siyang mag-isa lang.
Paano kung may magandang mangyari sa pagpunta niya sa France, ibig bang sabihin ay hindi na muna siya babalik?
“Sa tingin ko, gagawin ko pa ring home ang Pilipinas. Kumbaga dati na nasa France ako at tuluy-tuloy din naman ang blessings do’n, nakatira ako sa New York, so pabalik-balik ako do’n.
“This time around, eto na ‘yung gagawin kong base.”
Pero mas gusto ba niyang maging okay doon ang career niya?
“Sino ba naman ang hindi magkakagusto ng success outside of your hometown, di ba? So, if you’re given the chance again, God willing, pagtatrabuhan ko. I will work as much as I can to try to be successful.”
Wala pa bang wedding plans sila ni Nikki?
“No, that’s still far, especiall for Nikki. Ako, masasabi ko, I can, kaya ko mag-settle down. Kaya lang, kailangang ibigay ko rin naman kay Nikki ‘yung time. Twenty four pa lang siya, napakarami pa niyang pangarap na dapat abutin bago siya mag-settle down.
“Of course I couldn’t be happier (kung matutuloy sila sa kasaln). I’m waiting patiently, ‘yun lang.”
Pero ready na siya talaga?
“Oo naman. Who wouldn’t want Nikki to be his wife?”
Ipagdadasal na lang daw niya na in the future, when the right time comes, sila talaga ang magkatuluyan.
Samantala, good thing, bago umalis si Billy ay may maiiwan siyang movie dahil pagkatagal-tagal na panahong hindi siya nakikita sa big screen.
Huli pa niyang film ay “Eh Kasi Bata” nina Gretchen Barretto and Cesar Montano in 1991.
Kaya nga say namin sa kanya, mabuti at tinanggap niya ang pelikulang ito.
“Hindi naman sa ayaw kong gumawa ng pelikula. Kasi, natatakot ako, kasi nga, it’s been so long.
“Pero ‘yung opportunity na nandiyan, si Direk Wenn Deramas ang magdidirek, Viva Films pa ang magpo-produce. And kasama ko pa, isa sa pinaka-best friends ko sa industriya.”
Malaking factor daw talaga ang best friend na si Luis Manzano kung bakit niya tinanggap ang movie.
“Kung saan si Lulu boy (tawag niya kay Luis), nandu’n din ako,” pagbibiro niya.
Mga Kabuuang Pageview
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Disclaimer
Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento