Mula sa pahayagang Aksyon
Whats The Point?
Ni Pilar Mateo
Ni Pilar Mateo
Nominado kasi si Dingdong para sa Best Performance
in a Leading Role for Drama at katunggali niya ang kapwa rin niya mahuhusay na
sina Aga Muhlach, John Wayne Sace, Martin delos Santos, Paulo Avelino at
Sid Lucero.
Si Aga ang nagwagi. At being the gentleman that he is at may
breeding at pinag-aralan namang tao, dumalo sa gabi ng parangal si Dingdong
kahit pa panay ang mga batikos sa kanya ng mga pilit talagang hinaharang ang
nominasyon niya bilang isang mahusay na aktor.
Nagprisinta pa ng award si Dingdong. At noon pa naman, sinasabi na nito na manalo
man o matalo siya eh, dadalo siya sa aming awards night.
Ngayon, gusto namang palabasin ng mga galit kay
Dingdong at pati ang publicist nito na si Rose Gaccia eh, idinadamay pa
at pinepersonal na kaya raw dumalo si Dingdong eh, umaasa na siya ang mananalo.
Lahat ng nominado eh, inaasahang dumalo sa isang
awards night. Kaya, tama ang paningin ng
mga nalalagay sa ganoong sitwasyon na manalo man o matalo sila eh, dadalo pa
rin sila.
Sa Golden Screen Awards, madalas mangyari 'yan. Dati
pa nga, meron na kaming ginagawang Nominees' Night. At kahit wala kaming producer, naidaraos namin
ito para doon ibigay ang certificates ng mga nominees na dumadalo pa rin
hanggang sa mismong gabi na ng awards night.
'Yun naman ang tama. Hindi 'yung dadalo lang sa awards kung
sigurado ng siya na ang mananalo ang isang artista.
At lagi na, ganito ang ginagawa ng Golden Screen. Ilang pagkakataon nga na may winner na hindi
nakakadalo sa amin. Pero ang ibang nominado eh, nandoon.
Wala rin sa diksyunaryo ng Golden Screen na kung
hindi makakadalo ang mananalo eh, papalitan ang winner.
Nakakatawa nga ang kuwento ng ENPRESS member na si Ronnie
Carrasco. Actually, nagtaray na ito
sa kanyang column. Dahil sige raw ng
kakatawag at kaka-text sa kanya ang isang umaatake sa ENPRESS at Golden Screen
Awards.
Kasabi-sabi ba naman daw eh, hindi niya alam na
member pala ng ENPRESS si Ronnie. Basta, ibang klaseng buweltang pagtataray ang
ginawa ng aming kasama sa ENPRESS.
Pati naman ang nasa ibang samahan o organisasyon eh,
nakikisali pa sa gulong hindi na dapat nila sinasawsawan. Dahil nagbibigay din sila ng sarili nilang
awards kaya dapat na du'n na lang sila mag-focus.
Sabi nga ng katotong Dinno Erece, kitang-kita
naman ang pagsasabi niya ng opinyon niya tungkol pa rin sa nominasyon na siya
nga itong biased at alam mong may nag-utos o nagpa-sulat lang sa kanya nito.
Haharapin na lang daw ni Dinno ang nagsulat ng
nasabing isyu tungkol sa nominasyon. Sasabihan na lang daw niya ito na 'wag na
pakialaman ang ENPRESS o Golden Screen Awards dahil miyembro naman siya sa isa
pang award-giving body.
Hindi naman daw pinapakialaman ng ENPRESS ang
pagbabayad nito sa mga waiters sa mga presscons para lang may maipabalot siya o
maipauwing pagkain tuwi na lang a-attend siya ng presscon.
Ultimo mga props sa mga mesa ng dinadaluhang
presscon eh, tinatangay daw nito.
Ganito ba ang klase ng awayang gusto nating mamayani
sa paligid natin?
Sa anumang
gulo ng ibang organisasyon, hindi nakikialam ang ENPRESS o Golden Screen kaya
sana, ganito rin ang gawin ng iba.
Eh, kung ako naman ang magsasalita tungkol sa taong
ito na gusto pang makisawsaw sa pang-iintriga na sa ENPRESS, baka bumalik ang
mga kuwento nung maging treasurer ako sa nasabing samahan.
Kaya, bago nagsasalita-mag-isip-isip muna. At baka ang duming gustong ikulapol sa ENPRESS
o mga miyembro nito eh, bumuwelta sa kanya a thousand-fold.
Alalahanin, sa panahon ng kalamidad, walang
ipinagkait na tulong ang members ng ENPRESS sa sinapit niya. Hindi niya kinailangang manghingi. Ni hindi tiningnan kung saan siya kabilang.
Hindi kami ang tipong nanunumbat. Pero may mga pagkakataong para lang maipaalala
sa mga taong nakakalimot na nawawala siya sa lugar kung saan siya dapat na
tumayo o kumampi eh, masasabi ang mga naganap na at nagaganap pa.
Tapos na ang aming awards, pinili na ang mga nanalo.
Masaya ang lahat sa naging resulta.
Pa-move on na kami sa aming 10th year!
At gaya ng lagi naming sinasabi, we stand by our
choices. Wala ng pakialaman. Amin ito. Du'n kayo sa inyo. O gumawa kayo ng sa inyo!
* * *
NAKAUSAP namin sa presscon ng "Moron 5 and the Crying
Lady" ang nagtamo ng Best Perforamnce by an Actor in a Supporting
Role-musical or comedy (ka-tie si Edgar Allan Guzman) na si Martin
Escudero (for his role in "Zombadings: Patayin sa Syokot si
Remington").
Dahil isa siya sa limang bida na ang karakter eh,
bobo sa pelikula, sa kanya natoka ang pangalan ng matatalinong tao na sina Michaelangelo
(ang pamoso'ng pintor) na ang apelyido eh, Marcos.
"Kelan ko nga lang po nalaman. At natuwa naman ako na Marcos pala ang
apelyido ng karakter ko. Baka nga hindi
pa ako buhay nung time na namuno siya.
“Pero sa mga nabasa ko naman po at napag-aralan,
pati na rin sa sinabi sa akin ng family ko eh, may magaganda rin naman siyang
nagawa para sa ating bayan.
“Gusto ko siya dahil napakatalino niya. Gusto kong sundan ang tamang yapak niya. 'yung
mabuti at tuwid na daan."
Along the course of our interview, napag-alaman
naming nasa agenda pala ni Martin ang balang-araw eh, pagtakbo rin sa pulitika
gaya rin ng mga kamag-anakan niyang sumabak na dito.
"Nasa plano ko naman po. Matagal na 'yun pero ngayon pa lang,
sinisimulan ko na nang paunti-unti kahit nasa showbiz ako 'yung makatulong na
sa mga kababayan ko sa Cavite. Ang maglingkod sa kanila in my own way.
“Kaya, gusto ko rin po na kahit paunti-unti matapos
ko ang pag-aaral ko."
Tama 'yan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento