Mula sa pahayagang Aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR
HINDI matapus-tapos ang tanong
kay Judy Ann Santos tungkol sa
kanyang sikreto sa pagpapayat. Parang papayat kasi siya nang papayat sa tuwing
may bago siyang presscon.
Tulad na lang nang makita siya ng entertainment press sa presscon ng bago
niyang endorsement na Eden Cheese kasama ang panganay na anak na si Yohan, parang mas lalo pa siyang
pumayat kaysa noong huli namin siyang makita last February sa presscon naman ng
“Pinoy Junior Masterchef.”
Natawa tuloy ang aktres nang bansagan siyang hot mama.
“Nakakatawa, nakaka-flatter. Kahit
kaylan naman, hindi ko naisip na darating ako sa puntong tatawagin akong hot
mama. Noon, ang tawag sa akin, hot siopao,”
say niyang natatawa.
Pero sa seryosong usapan, disiplina at commitment lang daw talaga ang kailangan
para pumayat ang isang tao.
“As long as nagagawa mo pa rin ang duties mo bilang nanay, kung nanay ka na,
nagagawa mo pa rin ang duties mo as a housewife and as a mom pero at the same
time, nagagawa mo pa rin ang duties mo para sa sarili mo kasi, paano mo
itatawid ang lahat ng responsilibities mo kung ikaw mismo sa sarili mo, hindi
ka confident na parang feeling mo, hindi ka healthy.
“It should always come from your heart, it should always come from yourself, di
ba?”
Ang diet program ni Juday, every
morning ay fresh juice and veggies ang kanyang iniinom at kinakain, and
then yogurt, cereals. Pero hindi naman
daw niya dine-deprive ang sarili niya sa pagkain ng gusto niya.
“Kinakain ko ang gusto kong kainin pero at the same time, may kapalit ‘yun na
exercise kinabukasan, like takbu-takbo or kakargahin ko si Lucho nang dalawang oras, akyat-panaog ako sa hagdan.
May mga
ways kung paano ka mag-exercise nang hindi ka gagastos. Sa internet lang ang
daming work-out videos na pwedeng i-download, libre pa.”
Samantala, natanong kung anu-ano ang mga movie projects niya sa ngayon at
aniya, tuluy-tuloy pa rin daw ang kanyang movie with Coco Martin pero nade-delay lang ang start ng shooting dahil busy
nga ang aktor at siya naman ay tinapos din muna ang “Pinoy Junior Master Chef.”
Hopefully,
bago mag-Pasukan sa June ay magawa na raw nila ito.
May ginagawa raw siyang movie ngayon for Cinemalaya na malapit na ring
matapos at may talks din daw of a possible movie with John Lloyd Cruz.
“Pero hindi ko alam kung mangyayari lahat ‘yan sa isang taon pero most
definitely “Master Chef” (her next show sa ABS-CBN) will push through.
“Kasi nga, hindi na pwede ‘yung kagaya noong dalaga ako na sa kalsada na ako
natutulog at sa set na ako naliligo, okay lang ‘yun. Ngayon kasi, ibang-ibang
chapter ito ng buhay ko, siyempre ite-take into consideration mo na rin ‘yung
pag wala ka sa bahay araw-araw, may mga bagay kang hindi makikita or
mababantayan sa mga bata. Hindi mo pwedeng ipa-rewind ‘yun sa mga kasama mo sa
bahay.”
At this point ay nilinaw ng press kay Juday
ang tungkol sa balitang tinanggihan niya ang offer ni Laguna Governor ER Ejercito para sa pelikulang “El
Presidente.”
Ang offer kay Juday ay siya ‘yung
first wife ni Emilio Aguinaldo
habang si Nora Aunor naman ang
second wife.
Natawa muna si Juday bago sumagot dahil baka ibang issue na naman daw ang
lumabas sa isasagot niya.
“Malaking pelikula ito, malaking proyekto. Sana hindi ito ma-take (ng mali) ng ibang tao
na tumanggi ako dahil ayoko, ayoko lang.
“Bilang
isang artista, naniniwala kasi ako na kung gaganap ako ng isang papel na may
pagbabasehan ng karakter, na hindi mo alam kung paano mo pagbabasehan kasi
hindi na naman siya buhay (the wife of Emilio Aguinaldo).
“Sino ‘yung mga taong pwede mong makausap para matanong kung ano ba ang ugali
niya? Kasi, bayani itong pinag-uusapan
natin, hindi ito kung sinu-sinong tao lang na gagampanan mo ang buhay at pwede
mong i-observe.
“Gusto ko kasi siyang pag-aralan, gusto ko siyang isapuso. Pero kung ako mismo,
sa ngayon, nararamdaman ko naman po kasi na hindi ko siya maitatawid, Hindi ako
makaka-relate kasi hindi ko siya personally kilala.
“Ayokong mapulaan ‘yung trabaho ko, ayokong mapulaan ‘yung craft ko kasi mahal
ko itong ginagawa ko. Pero it’s an honor na ikinosider nila ang services ko
para sa karakter, para sa role.
“Pero baka lang pwedeng mas may iba na pwedeng gumawa no’n na mas maitatawid
kaysa sa akin.”
So, sinasabi ba niyang hindi lang niya kayang gampanan kaya niya tinanggihan?
“Oo, hindi ko kayang gampanan and at the same time, hindi mo kasi siya
matatrabahong i-research, eh. Kahit saang anggulo mo tingnan, eh. One way or
another, itong pelikulang ito ay magiging parte ng maaaring thesis ng mga
eskwelahan at malaking bagay sana ‘yun na mapagkukwentuhan ka ng mga
estudyante.
“Pero kung ang tingin ng mga estudyante o ng mga tao sa ginawa mong karakter eh,
katawa-tawa, parang hindi ko naman kayang tanggapin ‘yun.”
She also made it clear na hindi dahil kay ER kaya niya tinanggihan ang movie.
“Not at all, hindi dahil kay ER o sa kung sinumang cast. Ako lang mismo bilang artista, natatakot ako
na baka hindi ko siya maitawid, hindi ko magampanan,” ulit ni Juday bilang patapos na paglilinaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento