Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S
THE POINT?
Pilar
Mateo
GOD is good! All the time!
Sa kabila ng mga kontrobersyang ikinulapol sa
ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. sa pagdating ng “9th Golden
Screen Awards,” muli na namang naging matagumpay ang aming taunang pagbibigay
ng parangal sa mga alagad ng ating sining.
Ang anumang organisasyon eh, parang isang pamilya. Hindi naman lahat magkakasundo. Pero kapag may
ipinaglalaban, sama-sama sa hirap at ginhawa ang lahat, gaya sa pagkaaktaong
ito to stand by our decisions.
Kahit na katakut-takot na intriga pa ang iharang sa
aming daraanan, in the end, the truth will always prevail.
Personally, I love the rain. Kung sa iba, nagpapa-dampen ng spirit nila
‘yun, sa akin eh, hindi.
Noong Sabado pa lang ng hapon, umulan na. And I took
that as a blessings. I never curse the
rain -‘yung normal na pumapatak. Iba naman kasi ang bagyo ‘di ba?
Sa akin, it was an auspicious sign. Kahit negahin ng iba ‘yun, sa akin, hindi. Kahit isipin nilang ah, walang a-attend sa
awards nila kasi umuulan, magiging matrapik, tatamarin ang mga tao.
Pero, naging very successful ang aming “9th Golden
Screen Awards.” Dahil halos lahat ng mga nominado ay nagsidalo.
At sa kauna-unahang pagkakataon, iniharap kami ng
aming pangulong si Jun Nardo sa lahat ng mga alagad ng sining, fans and
guests na naroroon sa teatrino -- para muli, patunayang ang amin pa ring mga
kredibilidad ang nanaig sa mga mapipiling ‘the best’ sa gabi’ng ‘yon.
Proud na kami sa aming mga nominasyon, at lalo pa
kaming proud sa aming naging choices.
Gusto kong maiyak noong nasa entablado kami sa
maraming bagay. Una, ikinalat na ang hindi pagdalo ng Lino brocka Lifetime
Achievement Awardee na Superstar na si Nora Aunor. Pero naroroon ito. Kasama ang kanyang
Noranians.
Sumuporta rin ang mga tagahanga ng nanalong
Breakthrough Performance by an Actor na si Rocco Nacino, ang kanyang
Roccofellas.
Hindi makakalimutan ang gabing ‘yun dahil sa pagdalo
ng iniintrigang nominado sa Best Performance by an Actor in a Leading Role-Drama
na si Dingdong Dantes na naging presentor pa. Ang karangalan ay napunta
kay Aga Muhlach.
Ang daming magagandang pangyayari that night. Ang pagho-host ni John (Lapus) -- na
kahit nag-iisa eh, nadala ang kabuuan ng awards night sa kanyang angking
talinong ma-entertain din ang mga tao. Sa kanyang sari-saring gowns na ginawa
ni Bing Cristobal.
At ang pagsorpresa niya at pagpapatotoo sa sinabi niya
kay Aga na magba-bra at panty siya doon.
All done in good taste -- kaya nga tuwang-tuwa ang
mga nakasama namin nang gabing ‘yun sa aming awards night.
Hindi namin maiisa-isang ilahad ang mga salita ng
mga nagwagi ng gabing ‘yun. Ng pasasalamat. Ng pagpapatuloy sa pag-aangat sa industriyang
kinabibilangan naming lahat.
At hindi mawawaglit sa puso ang kasiyahan ng mga
itinanghal na ‘best’ ng gabing ‘yun sina Jean Garcia at Aga (drama); Eugene
Domingo at Edgar Allan Guzman at Martin Escudero (musical or
comedy); “Nino” (motion picture-drama); “Ang Babae sa Septic Tank” (motion
picture-musical or comedy); Marlon Rivera (director-“Ang Babae sa Septic
Tank”); Shamaine Centenera-Buencamino for “Nino” (supporting role); Art
Acuna for “Nino” (supporting role); Jerry Gracio (best adapted
screenplay mula sa nobela ni Eros Atalia-“Ligo Na U, Lapit na Me”); Chris
Martinez (best original screenplay-“Ang Babae sa Septic Tank”); Kristoffer
Brugada for “Patikul” (best story); Carlo Mendoza for “Manila
Kingpin: The Asiong Salonga Story” (best cinematography); Ike Veneracion
for “Ang Babae sa Septic Tank” (best editing); Fritz Silorio, Mona Soriano,
and Ronaldo Cadapan for “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” (best
production design); “Sa Muling Pagtatagpo” mula sa “Ligo na U, Lapit na Me”
(best original song); Vincent de Jesus for “Ang Babae sa Septic Tank”
(best musical score); Albert Michael Idioma for “the Road” (best sound);
Jerome Marco and Alexis Leobrera for “Pintakasi” (best visual
effects); Angeli Nicole Sanoy for “Patikul” (breakthrough performance by
an actress) and Rocco Nacino for “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”
(breakthrough performance by an actor).
Wala man kaming TV coverage, maayos at tuluy-tuloy
ang flow ng nasabing espesyal naming event -- kumpleto pa with a trophy girl in
the person of Ms. Lara Hirshenson, ang reigning Miss Philippines Fiesta
USA 2011.
Ang mga sinasaluduhan naming mga aktor na gaya nina Allan
Paule at Gabby Eigenmann ay nagpaunlak para maging presenters kasama
ang baguhan at nakikilala na rin sa kakayanan niya sa pagganap na si Arjo
Atayde ng “E-Boy.”
Wala mang producer, sa pamamagitan ng pagbibigay din
niya ng kanyang endless support sa ENPRESS at Golden Screen, naging class ang
gabi ng aming panrangal dahil sa pagsasaayos nito ni Noel Ferrer.
Ang mga nag-perform, gaya ng Down to Mars, si
Frencheska Farr, Bryan Termulo, Lovely Embuscado at Krizza Neri
ng “Protégé” ang lalong nagbigay-saya sa nasabing event. At sa isang special
number para haranahin ang Superstar ni Edgar Allan.
Maikli man ang kumot ng aming ‘pamilya’ sa puntong
ito, natutunan namin ang mamaluktot at ma-achieve pa rin na ipagpatuloy ang
sinimulan nang goal ng ENPRESS Golden Screen para na rin sa aming kasamang
nawala na, si Archie de Calma -- who was the one who held us all up
together to become the jurors that we are now, continuing to safeguard the
integrity of the Golden Screen Awards.
Isang pangako’ng aming patuloy na tinutupad -- alang-alang
sa aming kredibilidad.
At ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming mga
sponsors mula sa tanggapan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista,
Ineng’s Restaurant, RedJuice at PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) at
sa marami pa naming kapamilya, kapuso at kapatid sa industriya.
God bless us all!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento