Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO
SEKSI
na naman ang young Superstar na si Judy
Ann Santos na humarap sa presscon ng bagong ini-endorse nila ni Yohan na
Eden Cheese. Nasa ideal weight na siya na 113 lbs. at puwede
na ulit buntisin.
Okey
lang naman sa kanya kung mabuntis siya ulit dahil dream niya na magkaroon ng
tatlong anak.
Ano
ang sikreto niya sa kaseksihan niya ngayon?
“Happy
life,” tugon niya kasama roon ang disiplina sa sarili at commitment na
pumayat.
Sey
ni Juday, kumakain pa rin siya ng junk food o fast food kapag gusto niya, pero
may kapalit ‘yon na exercise.
“It should always come from your heart, it should always come
from yourself, ’di ba?”
Ang diet program ni Juday, every morning ay fresh juice and veggies ang kanyang iniinom at kinakain and then yogurt, cereals. Pero hindi naman daw niya dine-deprive ang sarili niya sa pagkain na gusto niya.
Ang diet program ni Juday, every morning ay fresh juice and veggies ang kanyang iniinom at kinakain and then yogurt, cereals. Pero hindi naman daw niya dine-deprive ang sarili niya sa pagkain na gusto niya.
“Kinakain ko ang gusto kong kainin pero at the same time, may
kapalit ’yun na exercise kinabukasan, like takbu-takbo or kakargahin ko si
Lucho nang dalawang oras, akyat-panaog ako sa hagdan.
“May ways kung paano ka mag-exercise nang hindi ka gagastos. Sa Internet lang ang daming workout videos na
puwedeng i-download, libre pa.”
May pagka-kontrabida si Judy Ann Santos sa
pelikulang “Mga Mumunting Lihim.” Kakaibang role ang mapapanood sa kanya dito.
Siya raw kasi ang magiging susi at
magbubunyag ng mga lihim ng tatlo niyang kaibigan sa palikula na ginampanan
naman nina Janice de Belen, Iza Calzado
at Agot Isidro.
Sey pa ni Juday, masaya siyang magkakaroon na siya ng kauna-unahang entry sa
Cinemalaya ngayong taon.
Talbog!
*
* *
SUNUD-SUNOD na awards ang hinakot kamakailan ng isa sa mga bida ng
"Walang Hanggan" na si Coco
Martin. Kinilala siya bilang
‘Natatanging Aktor ng Dekada’ ng Gawad Tanglaw Awards at 'Best Actor’ naman ng
KBP Golden Dove Awards, PMPC Star Awards for TV, USTV 2012 Awards, at Northwest
Samar State University Students' Choice Awards for Radio and Television para sa
kanyang mahusay na pagganap sa de-kalibreng teleseryeng “Minsan Lang Kita
Iibigin.”
Bukod
sa tagumpay ni Coco sa iba't ibang award-giving bodies, panalo rin ang patuloy
na pagrereyna sa nationwide TV ratings ng "Walang Hanggan."
Sa
pinakahuling datos ng Kantar Media, nananatili itong no. 1 sa listahan ng top
overall TV programs sa bansa, kung saan humataw ito sa 37.5% national TV
rating.
Samantala,
patuloy na umiinit ang mga tagpo sa kuwento ng “Walang Hanggan” matapos
dugtungan ni Daniel (Coco) ang buhay
ni Katerina (Julia Montes) dahil sa pagbibigay nito ng dugo sa dalaga.
Hudyat
na ba ito ng muli nilang pagbabalikan? Anong gagawin ni Nathan (Paulo Avelino)
sa sandaling malantad na si Daniel ang
blood donor ng kanyang asawa?
Huwag
palampasin ang mga rebelasyong gigimbal sa buhay ng mga karakter sa “Walang
Hanggan” gabi-gabi, pagkatapos ng “E-Boy” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento