XKANDALO|
ROLDAN CASTRO
IBABALIK ng Philippine Movie Press
Club ang tradisyon na ang Star Awards for Movies ang unang nagbibigay ng
parangal sa lahat ng award-giving bodies.
Sa Miyerkules, March 14 na ang “28th PMPC
Star Awards For Movies.” Ito ay
gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City ng eksaktong alas-5 ng
hapon.
"Mas maningning at masigla ang
gaganaping Star Awards for Movies. Mahigit
na isang daang pelikula ang ipinalabas last year ang dumaan sa screening bago
nagkaroon ng nominasyon.
“Pagpapatunay lamang na buhay ang industriya ng pelikulang
Pilipino ," deklara ng Pangulo ng PMPC na si Roldan Castro.
Ang mga host ng Star Awards ay ang
mahuhusay na aktor at aktres na sina Aga
Muhlach, Derek Ramsay, KC Concepcion at Anne Curtis.
Guest
performers sina Erik Santos, Angeline
Quinto, Jake Cuenca, Maja Salvador , Matteo Guidicelli, Pauleen Luna,
Ciara Sotto, Rodjun Cruz, Gab Valenciano, Robert Seña at Anja Aguilar.
Kakarerin
na talaga ni Anne Curtis ang pagiging singer dahil hahandugan niya ang
audience ng isang fabulous opening number with the Maneouvers.
Bibirit ng kanta at sasayaw ang Pinay-Australian
actress. Pero ‘wag mag-aalala ang mga
certified singer kay Anne dahil aminado ito na hindi siya singer kundi isang
performer.
Ang
Airtime Marketing, Inc., ang producer ng “28th Star Awards For
Movies” sa pamumuno ni Ms. Tess
Celestino at ididerehe ito ng Direk Al
Quinn.
Igagawad naman
ng PMPC kay Mr. Eddie Gutierrez
ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, na si Ruffa Gutierrez ang presenter; at si Direk Marilou Diaz-Abaya bilang Ulirang
Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera, na si Cesar Montano naman ang presenter.
Ang
awards night ay mapapanood sa ABS-CBN, Channel 2, sa March 18, Sunday, 10 p.m.
Ang
mga sponsors ng Star Awards for Movies ay EastWest Bank, UK Derma Pharma, Inc.,
Mc Donalds, Alaska Evaporada and Condesada, Laguna Lake Development Authority,
Novuhair, Cedrix Slimming and Wellness, Torque Mobile Phones,Michelis, Reyes
Haircutters, Queen Petals Flower Shop.
Searches Star of the Night by EastWest Bank, Mr . &
Ms. Great Shape Cedrix Wellness, Face of the Night UK Derm Pharma Inc,
Radiant Skin of The Night Jiao Ming Glutathione Soap.
*
* *
Bagong hitsura ni Charice ang lakas maka-Aiza
PINAG-UUSAPAN ang bagong
hitsura ni Charice Pempenco. Ang lakas daw maka-Aiza Seguerra dahil gupit lalaki at may tattoo rin sa braso.
May reaksyon kaming nabasa sa Facebook.”Kung sino man
ang nakabasa nito, this is a disaster. Fashion
police please... She’s a diva, not a rock star, and not also a lesbian.”
Pero mukhang komportable naman si Charice sa bago niyang
look!
Tsuk!
*
* *
SA “The Witness,” na isang international movie ay gumanap si Gwen Zamora bilang si Angel Fordeliza Isagani, a general
manager of a hotel who has transferred from Manila to a Jakarta hotel.
She is haunted by strange dreams about a young man
named Aris who attempted suicide by
firing his own gun into his mouth.
Saan nahirapan na mga eksena si Gwen sa pelikula?
“Yung mga stunts, ako mismo.
“Yung nahulog ako from the second floor to the
ground.”
May double naman daw siya…
“Kasi slow siya… may double yung mabilis (na eksena)
pero yung slow, ako. Pero parang hindi
daw ata ipapakita yun kasi nagka-problem sa editing.
“Pero baka, there might be parts yata na ipapalabas.”
Paano siya napapayag na siya mismo ang mahulog mula sa
second floor ng building?
“Kasi parang safe naman, e. Kasi from the second floor to the swimming
pool, hindi naman sa concrete ako babagsak. Sa swimming pool ako nahulog so parang
exciting, and I want to do that.”
Directed by Muhammad
Yusuf and produced by Skylar Pictures and released by GMA Films, ipapalabas
ang “The Witness” sa March 21 sa mga sinehan nationwide.
Hindi pa nagpo-pose for FHM magazine si Gwen.
“No, ayoko.”
Na-offer-an na raw siya.
“A lot of people asked, but no, ayoko. If I do
FHM, naka-tuxedo ako!
“Sexy naman yun e, yung naka-tuxedo.”
Wala raw nagbabawal sa kanya na magpaseksi for a
pictorial for the said men’s magazine. Kahit raw ang GMA ay hindi siya
pinagbabawalan.
“It’s more of a personal choice, kasi if I really
wanted to do it, I’m sure they would allow me. But I don’t really want to do it.
“There are still a lot of things that I want to
accomplish bago ako mag-FHM.”
But Gwen is not closing her doors…
“No naman. Maybe
in the next couple of years.”
Nakapagpa-pictorial na naman raw siya dati ng sexy,
wearing a two-pice swimsuit…
“Once. It was for Men’s Health (magazine), parang
summer special last year.”
So hindi naman pala siya totally umaayaw sa sexy
pictorials.
“Yeah, no naman! Pero the way it was done was very wholesome. Tapos hindi siya yung… parang mostly blurry
yung nakikita.”
Inamin ni Gwen na mayroon siyang dine-date exclusively
na isang non-showbiz guy.
Ayaw nang banggitin ni Gwen ang pangalan ng naturang
lalaki.
“He’s a very private person.”
Sa tanong kung boyfriend na niya ang lalaking iyon…
“I don’t know. It’s complicated! It’s complicated because of work… the point
that I am in life right now parang… he’s understanding naman, e.
“He’s very understanding, that’s one of the reasons
why I like him. And he saw me from
before showbiz to now so I have a lot of respect for him.”
Matagal na silang dating…
“Pero on and off.”
Ano ang nakakapigil para maging pormal na ang kanilang
relasyon?
“I have other things to think about and work on before
being in a relationship.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento