Mula sa pahayagang Aksyon
Xkandalo
Ni ROLDAN CASTRO
Tinanong si Zoren kung
payag siya na mag-interbyu kay BB o kaya naman eh, mag-sit down dinner sila
with Carmina Villarroel.
Wala namang problema kay
Zoren. Pero tatanungin pa rin niya si Carmina kung papayag din ito.
Pero nang masabi
na malamang ay live sa Sabado si BB, buong ningning na sinabi ni Zoren na siya
ang natensyon at kinabahan sa naturang pagtatagpo.
Tiyak
na magiging masaya ang naturang segment sa “Paparazzi” sa Sabado.
* * *
Gwen dinenay na nagkarelasyon sila ni Boy2
PINABULAANAN ni
Gwen Zamora ang isyu na nagkaroon
sila ng relasyon ni Boy2 Quizon na
kasamahan niya sa gag show ng GMA na “Bubble Gang.” Magkaibigan lang raw talaga
sila.
“Kasi me and Dos (Boy2), we get along kasi we’re both
into music. Coz my dad’s a musician. Parang iyon yung bonding time namin.
“So whenever we have
time, pupunta kami sa mga underground music fest, mga ganun, but my dad is
always there.
“It was more of parang
kuya thing iyon, that’s how me and Dos
are. Parang kuya, I call him Kuya Dos pero napipikon siya,” kuwento niyang
makatsikahan namin siya sa presscon ng international movie niyang “The Witness”
na palabas sa March 21.
“Pero until now, Kuya
Dos pa rin.”
Sino ang crush niya sa
showbiz?
“Aljur, siyempre! It will never change, until now, I still tease
him, ‘Hi, Aljur!’ Pag nagge-guest siya sa “Bubble Gang,” palagi kong tinutukso,
‘Hi , Aljur! Can I sit next to you?’”
Ang reaksyon ni Aljur
pag tinutukso niya…
“Wala, siya yung parang
naiilang. Pero joke lang naman.”
Ang nagustuhan niya kay
Aljur…
“Kasi he’s fun to talk
to, kalog siya.”
Pero nilinaw ni Gwen na
crush lang niya si Aljur; may non-showbiz guy na dine-date exclusively si Gwen.
Crushes din ni Gwen sina
Zanjoe Marudo and male model Marvin Kieffer.
Talbog!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento