SA
DAMI
ng entertainment press na interesadong malaman ang iba pang mga bagay-bagay
tungkol kay Richard Yap o mas kilala
bilang si Papa Chen sa teleseryeng
“My Binondo Girl” ay masasabi kong walang kaduda-dudang sikat na nga ang
44-year-old na baguhang aktor.
Wow! It’s
something atypical. Kung hindi ako
nagkakamali ngayon lang nagkaroon ng ganitong kaso na ang isang baguhang aktor
na lagpas na sa kalendaryo ang edad ay nakuha pang sumikat.
Si Papa Chen lang ang nakagawa nitey.
Kahit ako aminado akong like kong pinapanood ang bruho sa
“My Binondo Girl.” I don’t know, ha,
pero talagang malakas ang sex appeal ni Papa Chen kaya ultimo ang co-star
niyang si Cherry Pie Picache ay
kinikilig sa kanya.
Unfortunately, happily married na si Papa Chen for 18
years and havey na siya ng two kids. He
graduated daw from De Lasalle University.
Sa mga hindi pa nakakaalam, siya yung guwapong chef sa
isang TV commercial ng Chowking noon.
Dahil sa taglay na kakisigan at kaguwapuhan, hindi tuloy
nakaligtas si Papa Chen sa tanong kung nakatanggap ba siya ng indecent proposal
sa isang beki o bading.
Tumataginting na ‘YES’ ang sagot ng bruho kaya lalong
kinilig ang aking mga colleague. Sa
Twitter daw siya nakatanggap ng indecent proposal.
Sayang, hindi na na-elaborate ang tungkol sa indecent
proposal dahil biglang nagkaroon ng interruption.
Eniweys, panay naman ang pasalamat ni Papa Chen sa
entertainment press sa magagandang nasusulat about him at sa televiewers na
patuloy na tumatangkilik sa “My Binondo Girl.”
He was really thankful na sa edad niya raw na itey ay
tinanggap siya ng madlang pipol, whew!
* * *
LAST January 13
ay ginanap ang election para sa mga bagong set of officers ng Philippine Movie
Press Club (PMPC).
Nangyari ang botohan sa mismong PMPC office, Room 202
DETA Bldg., 76 Roces Ave., Quezon City.
Ang bumubuo ng bagong opisyales ay ang mga sumusunod: President: Roldan
Castro; Vice President: Romel Galapon, Secretary: Jimi Escala, Asst. Secretary: Ador Saluta,
Treasurer: Boy Romero; Asst. Treasurer: Blessie
Cirera; Auditor: Joe Cezar; P.R.O.:
Beth Gelena; Board of Directors: Julie
Bonifacio, Veronica Samio, Letty Celi, Ernie Pecho, Gerry Ocampo, Timmy Basil,
Benny Andaya.
Buong-pusong nagpapasalamat ang mga bagong nahalal na
opisyales sa lahat ng miyembro ng PMPC lalung-lalo na si Pang. Roldan kung saan una na siyang naging Pangulo
nu'ng 2009 na nagkataong Silver Anniversary ng “Star Awards For Movies” at
ngayon naman ay Silver Anniversary niya bilang showbiz writer.
Siya rin ang ama ng “Star Awards for Music” na nasa
ikaapat na taon ngayong 2012.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento