BAGO
nagsimula ang induction ng mga bagong opisyales ng
PMPC ay sinamantala ng entertainment press na kapanayamin ang
Star For all
Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos-
Recto.
Isa mga tanong ay kung napag-usapan na ba nila ng binata
niyang si Luis Manzano if ever
mahilingan itong magsilbi (sa taong bayan).
Ani Gov. Vi, “Okay lang yun. Magfi-fifteen years na ako ngayon bilang
isang public servant. Malaking parte
nito kinalakihan na ni Lucky, so, kumbaga hindi na bago ito para sa kanya.
“Pero
kailangan handa siya bago pumasok, kasi ako mismo ang magsasabi sa kanya na ang
pagiging public servant hindi biro ito, sakripisyo ito talaga kapag gusto mong
magsilbi nang may senseridad.”
Tinanong
din si Gov. Vi tungkol kay Luis at sa girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.
Ang
sabi lang ni Gov, “Basta masaya sila wala akong karapatan para pigilin yun and
sa nakikita ko masaya naman silang dalawa, pabayaan na natin.”
Sa
mga nanghuhusga kay Jennylyn because of her past (isa na nga rito ay
pagkakaroon ng bruha ng anak sa pagkadalaga) ay nakiusap si Gov. Vi bigyan
natin ito ng chance.
Tulad
ni Jennylyn, hindi rin daw siya perpektong tao, na marami ring nagawang
pagkakamali in the past, kaya sino ba naman daw siya para husgahan ang kanyang
kapwa.
At
kung hindi daw dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng mga tao ay hindi niya
mararating kung anuman ang narating niya ngayon.
True
ka diyan, Gov. Vi.
* * *
Andi open na sa relasyon nila ni Jake
INAMIN
ni Andi Eigenmann sa “Kris TV” na
totoong hanggang ngayon ay nagdi-date pa rin sila ni Jake Ejercito, anak ni dating Pang. Joseph Estrada.
Hindi lang daw siya naging open noon tungkol sa relasyon
nila dahil ayaw raw niyang madamay sa isyu ang binata, pero ngayon ay wala na
siyang keber na malaman ng madlang pipol ang tungkol sa kanilang dalawa.
Ini-enjoy lang daw nila ang company ng isa’t isa sa
tuwing naririto sa bansa si Jake. Nag-aaral
kasi ang bruho sa ibang bansa.
"We're
just taking our time. We don't need to
rush anything. We're both young,"
say pa ni Andi.
Nagustuhan daw ni Andi si Jake dahil
hindi siya nito hinusgahan. Kahit nung buntis na siya kay Baby Ellie
(Gabrielle), ay nanatiling nasa tabi
niya ang binata.
"He
knows that I feel lucky to have him.”
“Sa parents
pa nga lang hindi na ganoon kadaling tanggapin, paano pa kaya in our age magkakagusto ka sa mayroon
nang baby?” sabi pa ni Andi.
Botong-boto
naman kay Jake ang butihing ina ni Andi na si Ms. Jaclyn Jose, na guest din sa “Kris TV.”
Kahit
nung dumating si Baby Elle ay nariyan pa rin daw si Jake para kay Andi.
Hiningan
ni Kris ng mensahe si Ms. Jacklyn para kina Ellie at Andi.
“Si Ellie is very pretty. Blessing siya, binigay siya ng God. Nasa stomach palang niAndi, alam ko, magiging part siya ng buhay
ko.
Wine-welcome ko siya nang grabe. Siya ang nag-extend ng
family namin para lumaki."
"For Andi, take care of yourself. By taking care of
yourself, you're taking care of Gabrielle (Ellie).
“Be strong and healthy. Be responsible to Ellie.
mo nang ibigay kay Ellie.
“Yung magaganda naman, like taking care of you hands-on
and loving you all the way ng unconditionally."
Narito naman ang mesahe ni Andi sa kanyang mommy:
"I
know very well kung alin sa ginawa ng mommy ko para sa
akin at nung pinapalaki
niya ako. Alam na alam ko na napakarami
doon makukuha ko sa kanya at pwede kong gayahin.
“Mapapalaki
ko rin si Ellie to be a good person and a
beautiful lady inside and out.
“Thank you for that. You made it a point to make me be sure that kahit anong mangyari, lagi ako may kakampi kasi di ka mawawala."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento