NUMBER one Primetime Princess ng ABS-CBN kung tawagin ngayon si Kim Chiu ni Kaibigang Eric John Salut dahil sa patuloy na paghataw sa ratings game ng teleserye nitong “My Bindondo Girl.”
Nagpapatunay lamang ito na tanggap ng televiewers si Kim kahit hindi ang original ka-loveteam niyang si Gerald Anderson ang kapareha niya.
Of course, it also means click sa madlang pipol ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim.
Ang tanong ng mga bi-curious, este, ng mga curious kung kanino raw bang idea na pagtambalin sina Kim at Xian.
Ang sagot, nagsimula raw ito nang bigyan nila si Kim ng tatlong leading men: Jolo Revilla, Matteo Guidicelli and si Xian nga.
Habang umuusad daw ang teleserye (ayon sa isang taga-“My Binondo Girl”) ay marami raw silang natatanggap na feedback, as in positive feedback, sa team-up nina Kim at Xian kaya tinuluy-tuloy na nila.
Ako, sa umpisa pa lang talagang gusto ko nang sila ang magkatuluyan sa teleserye and even in real life, coz nakita kong bagay na bagay silang dalawa.
Iniisip ko pa lang na magsasama ang dalawa sa isang teleserye ay kinikilig na agad akey, lalo na ngayong open na si Xian na espesyal si Kim sa kanya.
Hindi pa naman inaamin ng bruho na nanliligaw siya sa bruha pero di ba may kasabihan tayong action speaks louder than words?
E, ano nga ba ang ibig sabihin ng pagreregalo niya kay Kim ng stuffed pillow, ang panghaharana niya with matching choir pa, at ang pag-aalay niya ng song na “Sa ‘Yo Lamang” ditey, na siya mismo ang nag-compose?
Hindi ba obvious na nililigawan na niya si Kim? So, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Pero sa totoo lang, pag tinatanong si Xian kung nanliligaw na ba siya kay Kim ay hindi ito makasagot nang diretso.
Ang sagot lang ng bruho ay, “Narito lang ako para kay Kim.”
Kung anuman daw ang ginagawa niya para sa dalaga ay gusto lang daw niyang ipadama ditey na he cares.
Although marami ang nakakapansin na kinikilig si Kim kay Xian, hindi naman niya itey ma-express in words. Prim and proper pa rin ang bruha. Shy pa rin kung shy.
E, si Xian sobrang shy din kaya siguro parang ang tagal ng development ng kanilang love story.
Pero sabi nga, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.
Sana nga. Dahil kung hindi sila ang magkakatuluyan sa totoong buhay ay maraming fans ang malulungkot – at isa na kami dun, choz!
* * *
ENIWEYS, nalalapit na ang pagtatapos ng top-rating Primetime Bida teleseryeng “My Binondo Girl” at sa huling linggo nitey, asahan ang ‘Dragon Finale’ na puno ng mga rebelasyon at mga nakakakilig na eksena, lalo na mula sa mga bida nitong sina Kim Chiu at Xian Lim.
Sa sunud-sunod na magagandang kaganapan sa buhay nina Jade (Kim) at Andy (Xian), at Zeny (Ai-Ai delas Alas) at Papa Chen (Richard Yap), may hahadlang pa kaya sa kani-kanilang mga relasyon?
Matuloy na nga kaya ang “Jandy” wedding o pipigilan ito ng isang trahedyang magpapaluha sa lahat?
Tutukan hanggang sa huli ang mga hindi malilimutang mga karakter nina Matteo Guidicelli, Cherry Pie Picache, Gina Pareno, Ricardo Cepeda, Lauren Uy, Marina Benepayo, Eda Nolan, David Chua, Gillet Sandico, at Simon Ibarra.
Ang “My Binondo Girl” ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Francis Xavier Pasion.
Huwag palampasin ang huling lingo ng “My Binondo Girl,” gabi-gabi mula Enero 16 hanggang 20, pagkatapos ng “Budoy” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa http://mybinondogirl.abs-cbn.com/, sundan @my_binondogirl sa Twitter at i-‘like’ ang www.facebook.com/abs.mybinondogirl
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento