Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Enero 18, 2012

Baby Nate nina Ogie at Regine sa Linggo na ang binyag








GOOD news to all the fans and supporters of Ogie Alcasid and Regine Velasquez, ayon sa PEP, sa Linggo, January 22, na ang binyag ng anak ng mag-asawa na si Baby Nate.
 In-announce nina Ogie at Regine ang binyag sa presscon ng kanilang concert na gaganapin next month.
Kabilang daw sa mga ninong at ninang sina Sen. Bong Revilla, Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at Dingdong Dantes.
Siyam na pares daw ang godparents ni Baby Nate.
Bonggacious!
* * *
Eugene nominated for Best Actress sa "6th Asian Awards"

ISA pang good news from PEP.  Nominated si Eugene Domingo as Best Actress sa “6th Asian Awards” para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank.”
Nominated din ang writer ng pelikula na si Chris Martinez sa kategoryang Best Screenplay.
Ia-announce ang winners sa March 19, 2012 sa Hong Kong Convention and Exhibition Center.
Isa sa presentors sa awards night si Uge (tawag kay Eugene).
* * *

NAPANOOD  ko na ang first few episodes ng “City Hunter” na pinagbibidahan ng Korean Superstar na si Lee Min Ho of the famous “Boys Over Flowers” and “Perfect Match” (aka as “Personal Taste” and “Personal Preference”).
            Maganda ang kuwento ng Korean drama na ito na ang original script ay base sa world-famous novel ni Tsukasa Hojo ng Japan.
Sa halip na ang setting ay Tokyo 1980, ginawa itong Seoul 2011.
Based on it’s backstory, mukhang maganda nga ang tatakbuhin ng kabuuan ng istorya ng nasabing Korean drama. 
            Kasama sa 21 members ng special force ang father ni Lee Min Ho (kapapanganak pa lang niya noon)  na ipinadala sa North Korea para patayin ang North Korean agents na nagsagawa ng pambobomba sa Myanmar nang bumisita dito ang presidente ng South Korea.
            Nakaligtas ang presidente pero nasawi ang ibang South Korean officials.
            Bilang ganti, limang high ranking South Korean officials ang nagplano ng isang covert operation -- ang magtungo sa North Korea para i-assassinate ang mga nabanggit na North Korean agents.
Ayon sa plano, ang nasabing special force ay ida-drop malapit sa North Korean coastline at pagkatapos ay papasok sila sa North Korea para isagawa ang assassination.
Ang pangako sa special force, pagkatapos ng kanilang mapanganib na misyon ay may submarine na maghahatid sa kanila pabalik ng South Korea.
Ang siste, habang isinasagawa nila ang naturang operasyon, nagbago ng isip ang limang high ranking South Korean public officers.
Nagdesisyon ang mga ito na i-give up ang 21 special force members, kapalit ng magiging negatibong epekto ng assasination, or something to that effect, sa kanila once na mabunyag na sila ang may pakana nito.
Nang matapos ng mga miyembro ng special force ang kanilang operasyon ay nagbalik na sila sa  karagatan para hanapin ang submarine na maghahatid sa kanila pabalik ng South Korea.
Pero nung pasakay na sila ng submarine ay isa-isa na silang pinagbabaril ng sniper.
Isa sa mga nasawi ay ang ama ni Lee Min Ho na si Park Moo-Yul at ang tanging nakaligtas ay ang kaibigan nitong si Lee Jin-Pyo.
Bilang pagtupad sa pangako sa kanyang matalik na kaibigan,  palihim na itinakas ni Lee Jin-Pyo ang baby (Lee Min Ho) ni Park Moo-Yul sa asawa nito at dinala sa kagubatan ng Thailand,  kung saan nagtayo siya ng sariling kampo.
Mula noon ay si Lee Jin-Pyo  na ang kinilalang ama ni Lee Min Ho.
Kung papano napunta sa Blue House si Lee Min Ho at kung papano niya isasagawa ang paghihiganti sa limang high ranking officials ng South Korea na naging sanhi ng pagkasawi ng kanyang tunay na ama ay yun ang magandang subaybayan sa “City Hunter,” whew!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.