Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Mayo 3, 2012

Grace hiniwalayan ni PNoy dahil may sex video raw


My E-net
By Gas Gayondato





MAY kumakalat sa text na kaya raw nag-break sina PNoy at Grace Lee ay dahil may sex video
raw na lumabas ang huli sa isang website na di ko na babanggitin coz di ko pa naman din
napupuntahan para i-check kung true nga ang tsism.
            Pero knowing this particular internet site na naglalabas ng mga ganyang mga sex videos,
malamang sa hindi ay kamukha lang ni Grace Lee ang babae since it’s an Asian site.
            Kung mahilig kayong manood ng mga Korean at Taiwanese dramas, mapapansin ninyo
na ang daming Korean at Chinese actresses na may mga ka-look-alike na Pinay stars.
            Maraming kamukha si Kris Aquino, si Kim Chiu at marami pang iba.  Kaya hindi na
ako magtataka na yung sinasabing si Grace Lee raw sa sex video ay kamukha lang pala ng bruha.
            Pero teka muna, sabi sa balita break na raw sina PNoy at Grace.
            Ang tanong, nagging sila ba talaga?  Well…

* * *


 Miriam ang dapat sa iyo ay ibitin nang patiwarik at ipako sa krus







DAPAT lang kastiguhin ng LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) Community si
Miriam Quiambao sa tweet niyang “Homosexualtiy is not a sin but it is a lie from the devil.  Do
not be deceived.  God loves gays and wants them to know the truth.”
            Naturingan pa namang beauty queen, e, hindi naghihinay-hinay sa kanyang mga sinasabi.   
Unang-una, hindi talaga kasalanan ang pagiging miyembro ng third sex.  Pangalawa, hindi
kasinungalingan mula sa diyablo o demonyo ang pagiging bakla o tomboy.
            Ewan ko ba naman kay Miriam kung saan niya pinagpupulot ang mga ganitong walang
kakuwenta-kuwentang ewan, tapos ang lakas pa ng loob na i-tweet sa buong mundo.
            O loko, di nakatikim ang bruha ng panlalait sa LGBT.
            Ano ba ang truth na pinagsasabi ni Miriam, e, yun na nga ang katotohanan – na ang mga
bakla at tomboy ay tulad din ng mga straight o heterosexuals na anak din ng Diyos.
            So, what is she trying to prove?  Na ang mga miyembro ng LGTB ay hindi totoong nag-
e-exist dahil isa lang silang kasinungalingan mula sa diyablo?
            Uber ka ha, Miriam!
            Ang dapat sa iyo ay ibitin nang patiwarik at ipako sa krus, hmp!

* * *

TULAD ng naunang “PBB” na si Slater Young ang tinanghal na big winner, ay naadik na
naman ako sa panonood ng “PBB Teen Edition.”
            Kung sa naunang “PBB” ay si Papa Slater ang bet ko, this time ay feel na feel ko ang
masunuring son ng Tarlac na si Yves Flores.
            Korek!  Feel ko ang kasimplehan at kaguwapuhan ni Yves.   Hindi ko masyadong type
si Keith Thompson, although let’s face it malakas talaga ang arrive ng bruho kahit na sobrang
kulit at playful lalo na sa mga girls.
            Kilig na kilig ako nung magtapat si Yves ng nararamdaman niya para kay Myrtle
Sarrosa pero di pa man ay binasted na siya nito.
            Pero consistent pa rin si Yves sa pagpapa-cute kay Myrtle.  Pero consistent din ang bruha
sa pagsasabing ayaw niya munang magka-boyfriend sa loob ng bahay ni Kuya.      
            Ang totoo ay si Ryan Boyce ang crush ni Myrtle, kaso mas napapalapit siya kay Kit.
            Ewan kung sinasadya ni Kit na maging close kay Myrtle para pagselosin si Karen Reyes
na sa umpisa pa lang ay pinormahan na niya.
            Excited ako kung ano ang magiging ending ng mga housemates sa bahay ni Kuya. 
Magtagumpay kaya si Yves sa panunuyo niya kay Myrtle? 
            Sina Kit at Karen kaya ang magkatuluyan in the end?
            Let’s wait and see na lang.  Basta ako, Yves forever kahit sino pa ang magustuhan niya sa
loob ng bahay ni Kuya, whew!

           
           
           


Ryan ayaw papigil sa ‘panggigigil’ kay Juday


Right Timing
By: nora v. calderon





NAGKAROON ng press presentation ang “Talentadong Pinoy” ng walong napiling best talent ng reality show para tanghaling third Talentadong Pinoy Ultimate Talentado sa dalawang gabing battle of the champions sa May 5 and 6. 
Ang mga Hall of Famers ay sina Ayegee, Melbelline, Dancing Is Fun, Craig and Samantha, Astroboy, Sustantivo, Monica and Rhyzza
Among the eight contenders, gusto naming manalo ang 15-year-old na si Melbelline dahil naiiba ang contest piece niya, ang pag-awit niya ng mga kundiman. 
Napansin namin na buung-buo ang boses ni Melbelline kahit medyo itinataas niya ang tune.  At para sa amin, siya ang tamang-tamang isali sa WCOPA (World Championship of Performing Arts) na ayon sa host na si Ryan Agoncillo, ay isa na sa mga tatanggaping premyo ng mananalo, kasama ang P 1million at isang brand new car.
            Ang Battle of the Champions ng “Talentadong Pinoy” ay live na mapapanood sa Sabado, May 5, at ang announcement ng winners ay sa Linggo, May 6, mula sa Quezon Memorial Circle. 
Ang reality show ay nasa ikaapat na taon na at dinidirek ni Rich Ilustre.  Ilan sa ini-expect na judges ay ang wife niyang si Judy Ann Santos at si Nora Aunor
Wala raw lamang siyang alam pa kung sinu-sino talaga ang magiging judges ni

  * * *

 MUKHANG hindi napalambot ni Ryan Agoncillo ang puso ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo dahil sandali pa lamang silang nag-uusap na nagso-sorry si Ryan kay Alfie, umalis na ang huli sa presscon. 
Nagtampo si Alfie na sa iba pa niya nalamang nag-honeymoon ang mag-asawa sa Maldives noong third wedding anniversary nila dahil hindi sila nagpaalam sa kanya. 
Hindi raw naman alam ni Ryan na hindi nagpaalam ang asawa sa manager nito.  Umalis sila noong April 23 at bumalik dito noong actual wedding anniversary nila, April 28. 
Ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho ay iniwan nila sa pag-aalaga ng dalawa nilang mommy. 
Sa tanong kung totoong hindi na si Alfie ang manager ni Juday at pumirma na ito ng contract sa ABS-CBN, wala raw siyang alam na pumirma ang asawa, at sa palagay niya never maghihiwalay sina Alfie at Juday
Since nasa TV5 siya, hindi kaya lumipat na rin si Juday doon para magkasama na sila?  Kung lilipat ang asawa, hindi raw siya makikialam. 
Hindi raw naman humihingi ng advice si Juday, nagtatanong lamang ito kaya biro ni Ryan, okey lamang kung lilipat si Juday basta hindi raw lamang ito lilipat ng bahay, iyong aalis sa bahay nila. Kung saan daw masaya si Juday, doon siya.
Wala pa bang kasunod si Lucho who is now one and a half years old na?  Hindi raw naman nila pinipigilan, kung meron, salamat, kung wala pa, naniniwala raw sila ni Juday na dapat masundan si Lucho kapag two and a half years old na ang anak. 
Kaya sa ngayon daw, ayaw nilang i-miss ni Juday ang mga bagong development na nakikita nila kay Lucho
At siya naman, ini-enjoy niya ang kaseksihan ni Juday.  Kahit daw marami siyang nakikitang sexy girls, iba pa rin ang kaseksihan ng asawa niya.

                                                            * * *

 SA “MY Beloved” mamayang gabi, patuloy ang pagtitiis ni Sharina (Marian Rivera) sa mga pahirap ng Tiya Elsa (Chanda Romero) at Ginella (Saab Magalona) at para kumita, mapipilitan siyang pumasok sa isang spa, hindi niya alam, pag-aari din pala iyon ni Emmie (Katrina Halili) at sa unang araw ng trabaho, hindi siya pinasahod ng amo niya, panggigipit pa rin ni Emmie
Taxi driver na si Benjie (Dingdong Dantes) at minsan, nakita niya si Sharina na akala niya ay namamalikmata lamang siya, hindi niya alam buhay talaga si Sharina
Pinagseselosan pa rin ni Emmie si Sharina nang mabanggit ito ng asawa na akala niya ay si Sharina ang nakita niya kaya nag-away sila. 
Nag-away din sina Sharina at Nelson (Mikael Daez) nang malaman niyang sinisiraan siya ng asawa sa anak niya, pero hindi lumaban si Sharina, tiniis lamang niyang lahat iyon. 
  Muling nagkaharap sina Sharina at Emmie nang nagtangkang mangutang si Sharina sa amo niya, at si Emmie ang nakaharap niya.

Nora: National Artist award ibigay muna sa mas deserving


WHAT’S THE POINT?”
Ni Pilar Mateo  

GOOD vibes!
Natapos as scheduled ang unang full-length movie ng Superstar na si Nora Aunor under Director Brillante Mendoza sa Tawi-Tawi at isang araw in Cebu, ang “Thy Womb.”
Ang next na paghahandaan naman daw ng Superstar sa pagpasok ng buwan ng Mayo eh, ang Mother’s Day at syempre, ang kanyang 58th birthday.
Una nang inilahad ni Aunor sa get-together ng kanyang NOW (Noranians Worldwide) ang parang plataporma niya sa muli niyang pagiging abala in the industry.  And so far, nasusunod ang mga pinaplano niya.
Natutuwa siya sa pag-consider sa kanya para maging National Artist.  Pero, kung mas may deserving pa raw eh, mas mabuting doon na muna ito ipagkaloob.  
Ang sa kanya, ang maipagpatuloy na gampanan ang mga bagong pangakong kanyang binitawan sa pakikipag-usap niya sa kanyang mga tagahanga at miyembro ng entertainment media.

* * *

GOOD luck!
How is Sam Milby’s life in the city that never sleeps, sa New York, USA?  Sabi ng malalapit sa aktor, nakatakda naman itong umuwing muli sa bansa.
In fact, tuluy-tuloy pa rin ang endorsements niya rito at hindi naman ito naaapektuhan. Napag-usapan naman noon na kapag kinailangan din naman niyang bumalik at wala pa naman siyang pinagkakaabalahan sa bayan ni Uncle Sam at may proyektong nakahanda para sa kanya rito gaya ng teleserye eh, uuwi pa rin daw ito.
Kung kukumustahin ang buhay ngayon doon ni Sam, masaya naman daw although syempre, mas marami siyang nami-miss dito sa ‘Pinas.
He’s been spending a lot of time with his mom and dad.  Panay lang daw siya networking.  And going to auditions.  At kapag may mga shows doon ang mga kapatid niya sa Star Magic eh, kasama pa rin siya.  At join din siya sa tour ng mga ito.
Natagpuan na nga rin ba ni Sam doon ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya?
Sabi sa balita, nae-enjoy naman niya ang everyday routine ng buhay niya doon.  Single pa rin daw ito.
Pero oo, may na-meet na siyang nakilalang isang modelo roon na one-quarter Pinay, German, Dutch, and Irish.  Pero, friends pa lang daw sila nito at madalas lang na mag-chat sa Twitter at text.
Isama kaya ito ni Sam pag-uwi niya soon?

* * *

 GOOD natured!
Ibinalita nga sa akin ni Aiko (Melendez) na sa muli niyang pagsalang sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya) na sa Sabado na matutunghayan, ni-request niyang ang ex-husband niyang si Jomari Yllana ang kanyang makasama.

Mukhang madugo ang nasabing taping dahil tatlong araw silang kinunan ni Direk Don Cuaresma -- sa San Jose del Monte, Bulacan, sa Novaliches at balik sa Bulacan in Norzagaray.
According to Jom, istorya ng true love ang matutunghayan natin sa Sabado.
“Magdyowa pero, hindi nagkatuluyan.  Nag-asawa ako ng iba pero true love namin ang isa’t isa.  Namatay ‘yung asawa ko.  Hinanap ko siya and nalaman ko na ‘di siya nag-asawa after so many years.
“Nagpakasal kami na late 40s na ang edad namin.  Simple lang pero nakakaantig ng puso ang mga eksena…”
Joining the cast are Bernadette Allyson, Debraliz and Ms. Daria Ramirez.
Tinatawanan lang ako ni Jom kapag tinutukso ko sila sa isa’t isa uli ni Aiko.  Eh, para namang istorya rin sila ng “MMK.”  In the end, who knows, baka sila pa rin pagdating ng panahon!

Martes, Mayo 1, 2012

Miriam tinira ng mga bakla


Merese
Ni        DINNO ERECE        

TWITTER QUOTE – Tinira ng mga bakla si Miriam Quiambao, Miss Universe First Runner-Up of 1999 dahil sa impamoso niyang tweet about transgender joining Miss Universe, “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil.
“Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth.’
***
KALOKOHAN daw ang balitang pagbubuntis ni Marian Rivera.
Nasa Malaysia pa si Dingdong Dantes ng in-interview ng “Showbiz Central” today.
Dingdong is there to promote “Endless Love” na hit na hit sa Malaysia with Bahasa subtitle.
Dito na rin tinanong si Dingdong sa buntis issue dahil narinigan daw siyang na-congratulate ng isang kaibigan sa gym at tinanong na kung ilang buwan na. Someone wrote na baka si Marian daw ang sinasabing buntis.
Una raw, wala naman daw natatandaan si Dingdong na may nakipag-usap sa kanya sa gym, friend or otherwise.
In the first place, kung friend niya raw ito, hindi ito magsasalita ng ganoon in a very public place.
Isa pa, kung maku-congratulate si Dingdong, it would be about his sister na buntis ngayon for her second baby.
Still, hindi pa rin siya ang iku-congratulate kungdi ang asawa nito hindi ba?

***

AFFECTED pa rin si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica?
Sunud-sunod ang emo tweet ni Kylie noong weekend. Some are sad and some are kilig.
Some are quotes from other persons but ang common line ng tweets, about meeting someone. Then, nalaman na lang namin na noong weekend din, naiyak daw si Kylie while rehearsing for “Party Pilipinas.”
Last Sunday na lang namin naintindihan ang lahat, magkasama pala sila ni Aljur sa isang production number.
It seems affected pa rin yata si Kylie sa split up nila ni Aljur for the girl to do and tweet this so it seems.
At least in between her emo tweets, nakakapag-promote pa siya ng kanyang “The Good Daughter” sa Afternoon Prime after “Hiram Na Puso” with Rocco Nacino, Maxx Collins, LJ Reyes and Ervic Vijandre ha, he he he. Tulad nga namin.
***
HERE’S what to expect sa “Personalan” today.
Episode title is “Kuya-kuyahan.”
Walang makapigil kay Jenny, 33-taong gulang, nang ma-in love siya at nakipag-live-in  kay Norberto, 56 taong gulang. 
Naging kuya-kuyahan ni Jenny ang mapag-alagang tricycle driver kaya nahulog ang loob niya dito.
Masaya sila pero nasira ang lahat dahil itong si Jenny, huling-huli. Nakita mismo ni Norberto sa isang mall si Jenny na nakipag-date at may ka-holding hands na lalaki.
Ang lalaki ay si Christopher, 36 anyos, ang puppy love ni Jenny noong teen-ager pa siya. 
Ang tanong, kung hindi nahuli sina Jenny at Christopher, saan mauuwi ang kanilang 'date'?!
Tuluyan nga bang nasadlak sa kasalanan ang babaeng minahal at inalagaan ng kanyang kuya-kuyahan?
Jean Garcia is host for today with gabay sa buhay Sam Mendoza and celebrity uzi Papa Dan sa “Personalan” tonight at 7 pm sa GMA News TV.


Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.