Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Abril 14, 2016

RAMPA: Mario Maurer












Mario Maurer for Penshoppe Summer 2016






Mario Maurer at Penshoppe Fashion Show








มาริโอ้ Mario Maurer ( Summer Fashion - Unpack : The Battle )




Miyerkules, Abril 13, 2016

Robin bugbog-sarado kay Willie!



Watching Machine

ni Gas Gayondato



Robin                     Willie

  Robin bugbog-sarado kay Willie!



MUKHANG  may panibagong salpukan sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso Networks sa daily morning slot.  Bali-balitang inihahanda na ng ABS-CBN ang pinakabago nilang talk show na papalit sa iniwang time time slot ng Kris TV ni Kris Aquino. Ang nasabing talk show ay tatampukan diumano nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros


Tila nag-e-eksperimento na naman ang Kapamilya network dahil bago ang kumbinasyong ito na ihahain nila sa mga manonood. Ahaaa… their trio sounds unfamiliar.


Wala namang masama kung mag-eksperimento man sila sa paghahain ng bagong putahe sa televiewers.  Anong malay natin baka nga naman magklik. 


Pero hindi naman daw pakakabog ang GMA-7 sa ABS-CBN. Kung may Jolina, Karla at Melai ang Kapamilya, ang Kapuso ay meron naman daw Marian Rivera. Korek ka diyan.  Handang-handa na raw si Marian para bumida sa kanyang ‘Yan ang Morning.”


Aba, sounds interesting. Talo laban sa isa, isa laban sa tatlo. Sino ngayon ang mananalo?  Abangan!


* * *


KUNG may maghe-hello, meron din naming maggu-goodbye.  Opo, it’s time to say goodbye sa “Game ng Bayan,” ang game show  ni Robin Padilla kasama sina Alex Gonzaga, Eric Nicolas at Negi.  Anyare?


Kung hindi ako nagkakamali ay ilang linggo lang ito umere kapalit ng game show ni Luis Manzano na “Deal or No Deal.”  Taliwas ito sa sinasabi ng ilan na naka-one season naman daw ang “Game ng Bayan” kaya okey lang na mamaalam na ito sa ere dahil pang-one season lang naman daw talaga ito.


Teka muna, ang “Wowowin” ni Willie Revillame ay na-umpisang umere sa Siyete nang daily nitong Pebrero lang.  Hindi lang ako sigurado sa eksaktong petsa ng nabanggit na buwan. Sabihin na lang nating sa unang araw ng Pebrero.  

So, mula Pebrero 1 hanggang Abril 15 ay nakaka-10 linggo pa lang ito.  Ibig sabihin ay hindi pa nakaka-one season ang “Wowowin” dahil sa mundo ng telebisyon ang one season ng isang programa ay katumbas ng 13 linggo.


So, bakit nasabi nilang naka-one season na ang game show ni Robin gayung naka-3 linggo pa yata ang game show ni Luis na katapat ang kay Willie bago pa ito ("Game ng Bayan") umere.  Nagpapatunay lamang ito na hindi kinaya ng powers ni Luis ang powers ni Willie kaya tuluyan na itong namaalam sa ere.


Ang nakakalungkot lang sa show ni Robin, kumbaga sa boxing, round 6 pa lang ay tila bugbog-sarado na ito sa show ni Willie kaya kailangan nang itigil ang laban. 

Pero in fairness kung aabot pa hanggang ikatlong linggo ng Mayo ang game show ni Robin, kahit paano ay naka-one season nga ito. So, tingnan natin.


Hindi maikakaila kung gaano kalakas si Wiilie sa masang manonood.  Kami mismo ng mga kapatid ko sa bahay ay “Wowowin’ ang paboritong panoorin sa tuwing sasapit ang alas singko ng hapon.  

Pero ako, ang inaabangan ko talaga ay ang “English-Filipino, Filipino-English” segment nito kasi nakikisagot din ako sa mga tanong.  Feeling ko contestant din ako.


Kapag nasa labas naman ako ng bahay at naglalakad, bawat madaanan kong may bukas na telebisyon ay nakikita kong show ni Willie ang pinapanood ng mga tao.  


Isa lang ang ibig sabihin nito, mahal talaga si Willie ng masang Pilipino.


Ang tanong na lang ngayon ay kung sino at anong game show o format ng show ang ipantatapat ng Dos sa show ni Willie sa Siyete? Abangan!







Lunes, Abril 11, 2016

'Hele' umani ng negatibong komento

Watching Machine
ni Gas Gayondato




UMANI ng mga negatibong komento ang obra ni Direk Lav Diaz na "Hele sa Hiwagang Hapis" na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Bagamat nagwagi ito ng Silver Bear Alfred Bauer Prize sa "66th Berlin International Film Festival" na ginanap sa Berlin, Germany noong nakaraang Pebrero 21, 2016,  hindi naman na-appreciate ng pangkaraniwang Pinoy moviegoers ang kabuuan nito na umabot nang walong oras.

Ang sabi ng ilang kritiko, hindi raw maiinip ang moviegoers sa panonood ng nasabing epiko kung handa kang tanggapin ang kakaibang karanasan sa panonood ng isang obra maestra. Kapag naumpisahan mo raw itong panoorin ay hindi mo na mamamalayan kung gaano na kahaba ang iyong pinapanood.

Kailanga daw nating ma-appreciate ang historical, philosophical at artistic significance ng "Hele" para raw mas maintindihan natin kung bakit hindi kailangang bawasan ang walong oras na haba ng pelikula.

Meron naman daw break para makapag-relax ang mga manonood sa kalagitnaan ng kanilang panonood.

Halos ganito rin ang sinasabi ng ilang nakapanood na ng "Hele sa Hiwagang Hapis." Pero hindi siguro mga ordinaryong manonood ang mga nagsasabi nito. Malamang ay artists o nagpapaka-artist lang ang mga ito.

Para sa mga karaniwang manonood ng pelikulang Pilipino ay hindi katanggap-tanggap ang manood ng isang pelikulang walong oras ang haba, lalung-lalo na sa panahon ngayon na fast-paced na ang galaw ng mga tao.

Sa totoo lang, marami ka nang magagawa sa loob nang walong oras. Sayang naman kung maisasakripisyo mo ang lahat ng yun dahil lamang sa panonood ng isang pelikula.

Yung iba siguro na gustong manood ay pinili na lang huwag manood dahil alam nilang hindi nila kayang tumagal nang walong oras sa loob ng sinehan sa ibat ibang kadahilanan. 

Meron nga ang sabi'y nainip daw sila sa haba ng pelikula. Meron naman daw nakatulugan na lang ang panonood ng pelikula.

Nasubukan ko nang manood ng tatlong pelikula sa isang upuan lang. Uso pa kasi noon ang ganun sa mga sinehan sa probinsya. Bale halos anim na oras tumatagal yun. Kaya pagkatapos kong manood ay ang sakit-sakit ng puwet at mga mata ko tapos tipong tulala pa ako.  Parang ayaw ko tuloy munang manood ng sine nang ilang linggo. 

Ganun ang naging epekto nun sa akin.  Anim na oras lang yun, e, nagkaganun na ako, ano pa kaya kung walong oras? 

Kaya ko namang manood ng pelikula o ng teleserye na tumatagal nang kahit 10 oras na dire-diretso ala-marathon pero sa bahay lang at saka alam kong wala na akong ibang gagawin.  

Sa bahay kasi puwede mong i-pause ang pelikula kung gusto mong sumaglit sa CR o sa tindahan para bumili ng paborito mong sitsirya. Puwede ka ring humiga, humilata o sumalampak sa upuan kung gusto mo nang wala kang iniisip na ibang tao. 

Hindi ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Direk Lav Diaz at pinili niyang panatilihin ang "Hele" sa haba nitong walong oras. Gusto niya lang bang magpauso o gusto niya lang pagbigyan ang kanyang kapritso?

For sure, hindi niya ito ginawa para kumita. Papano namang kikita ang isang pelikulang walong oras ang haba, e, halos dalawang beses lang ang screening nito sa mga sinehan sa isang araw.

Sigurado rin ako na piling-pili lang ang manonood ng pelikula niyang ito dahil napakamahal ng tiket sa halagang 500 pesos. Palagay ko mas nababagay itong ipapanood sa mga estudyante, lalung-lalo na yung mga nag-aaral ng Philippine History.

Ang tanong, hindi ba talaga puwedeng gawing dalawa, tatlo o apat na oras na lang ang "Hele?" Dahil kung hindi talaga puwede, e, dapat ginawa na lang itong mini-series sa telebisyon na tatakbo nang dalawang linggo at hindi pelikulang pang-sinehan dahil ang pangunahing layunin kung bakit naimbento ang sine ay para may mapaglibangan tayo, hindi para matuto o magpaka-artistiko.




Eugene Domingo 'Binasted' ni Jose Manalo?!

Chizbitz
ni Ikabod Grin




Eugene Domingo 'binasted' ni Jose Manalo?!

HOW true is the chism na "binasted" ni Jose Manalo si Eugene Domingo?
Nangyari raw itetch a few weeks before namaalam sa ere ang game show na "Celebrity Bluff" kung saan magkasama ang dalawa.

Remember yung mga biru-biruang ligawan nila sa "Celebrity?" Sineryoso raw, as in tinotoo raw yun ni Uge. Na-inlovey raw talaga ang komedyana sa komedyano.

Ang siste, hindi naman daw talaga feel ni Jose si Uge dahil ang truliling love raw nitetch ay yung girlash na dinalaw nitetch sa US of A just recently.

Dahil dun ay sumama raw ang loob ng huli sa una hanggang sa umabot daw sa puntong di na nag-uusap ang dalawa. That's the reason daw kung bakit a few weeks bago namaalam sa ere ang "Celebrity Bluff" ay wiz na sa pagka-appear sa said show si Jose.

Ows, trulili?


* * *

Aktor lulong pa rin sa casino

HOW true is the chism na lulong pa rin daw sa casino hanggang ngayon ang isang not-so-young actor?

Halos doon na raw nakatira sa casino ang nabanggit na aktor dahil dehins na raw itetch umuuwi ng kanilang hawsing kaya madalas di na raw itetch naliligo at nagpapalit ng damit.

Eto pa ang chika, madalas daw kapag waley nang pang-casino ang pobreng aktoraytild
ay kung kani-kanino na lang daw itetch sumasama -- mapa-babae o mapa-bading gumugorabels ang guwaping pa naman sanang aktoraytild.

Clue: Meron sitetch kaapelyidong sikat na komedyante. Kapag pinagdugtong mo ang initials ng namesung nitetch at apelyido ay makakabuo ka ng isang bagay.

Gets niyo kung sinetch itetch?


* * *

Aktreselya di pa binabayaran ang 21 kiyaw na jutang

SINETCH ang aktreselya na itetch na hanggang ngayon ay may jutang pa rin sa isang school na pinasukan ng kanyang bunsong anak noong 2011?

Ayon sa sitsit, 21,000 peso-pesoses daw ang jutang ng said aktreselya. Tumalbog daw kasi ang tsekibong pineysung nitetch sa nasabing school ng anak noong ang sa Mandaluyong pa ang kanilang balaysung.

Naiintindihan naman daw ng may-ari ng school kung waley pang pang-paysung ang aktreselya sa jutang nitetch noong mga panahong yun.

Pero ngayong sikat na sikat na ang dyunakis nitetch at marami na silang datung, sana naman daw ay maalala nitetch na bayaran ang kanyang jutang sa school.

Clue: May kaapelyido ang aktreselya na kilala sa mundo ng showbiz at pulitika. Balik-sigla rin ang career ng nasabing aktrselya sa isang giant network.

Gets niyo na kung sinetch itetch?


Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.