Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Mayo 23, 2016

Jaclyn Jose Cannes Film Festival 2016 Best Actress!



Watching Machine

ni Gas Gayondato III




ISANG napakalaking karangalan ang natanggap ni Jaclyn Jose nang tanghalin siyang Best Actress sa katatapos lamang na 69th Cannes Film Festival na ginanap sa Cannes, France, noong Linggo, ika-22 ng Mayo, para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang “Ma Rosa” bilang isang inang napilitang magbenta ng droga alangalang sa pamilyang pilit lumalaban sa pagkakalugmok sa kahirapan.


“I don’t know what to say, I am so surprised,” maluha-luhang sambit ni Jaclyn habang tinatanggap ang kanyang Best Actress award. I just went here to walk on the red carpet with my daughter. Thank you to Cannes, thank you so much. Thank you to the jury. Thank you for liking our film.”


Pinasalamatan din ni Ms. Jose ang kanyang director na si Brillante Mendoza.  Sinusunod lang daw niya kung ano ang ipinapagawa sa  kanya ng kanyang direktor. “He is such a brilliant director – a genius in the Philippines, and now, here in your country,” aniya pa.

Inialay din ng aktres ang kanyang tagumpay sa mga Pinoy na naroon nung gabing yun, sa kanyang anak na si Andi Eigenmann,  sa ating mga  kababayan, at sa Pilipinas.


Ang “Ma Rosa” ay isa lamang sa 20 kalahok sa prestihiyosong Cannes Film Festival.  Tinalo lang naman ni Jaclyn ang mga kilalang international stars na sina Charlize Theron para sa “The Last Face” ng United States at Marion Cotillard para naman sa “Mal de Pierres” ng France. Si Jaclyn rin ang kauna-unahang Pinoy at mula sa Timog-Silangang Asya na nanalong Best Actress sa Cannes.


At dahil diyan, ngayon ay kahanay na si Jaclyn ng mga past winners ng Cannes na sina Juliette Binoche, Helen Miren, Bette Davis, Rooney Mara, Julianne Moore at Meryll Streep.


* * *



WAGING-WAGI naman ang Power Duo sa katatapos lang ding “PGT Season 5 Finals” na ginanap sa Mall Of Asia Arena noong nakaraang Linggo, ika-21 at ika-22 ng Mayo. 


Ang Power Duo ay binubuo ng real-life couple na sina Anjanette at Gervin ng Angono, Rizal.  Nagsimula sila sa PGT 5 bilang magkaibigan hanggang sa humantong sa kanilang pagdi-date.


Labing dalawang grand finalists, na lahat ay pawang magagaling, ang naglaban-laban upang masungkit ang prestihiyosong PGT 5 Grand Winner title at 2 milyon pisong cash prize.


Walang kaduda-dudang nag-level up nang husto ang Power Duo sa kanilang walang kasing gandang performance na nag-uumapaw sa tunay na pag-ibig nila sa isa’t isa.  Ang Power Duo ay tunay po namang matatawag na poetry in motion.


Gusto ko rin ang performance ni Amazing Pyra dahil talaga namang nakaka-amaze ang  fire power na kanyang ipinamalas.  

Sayang UA Mindanao dahil isa ang grupo nila na shoo-in upang tanghaling PGT 5 Grand Winner dahil sa kanilang makapigil-hininga at death-defying stunts kung hindi lang sila sumablay sa kanilang ultimate pasabog kung saan ang rider ay babagsak dapat nang patalikod.  

Sa kasamaang palad ay di na nito nakontrol ang sinasakyang motorsiklo na naging sanhi ng kanyang maling pagbagsak.  Awa ng diyos ligtas naman ang rider pero naka-wheelchair na pagbalik ng stage.


Tinalo ng Power Duo ang 11 grand finalists: Crossover Family, The Chosen Ones, Kurt Philip Espiritu, Dino Splendid Acrobats, si Ody Sto. Domingo, Next Option, Amazing Pyra, Mastermind, UA Mindanao, Power Impact at ang Sto Tomas Bulilit Generation.


Kasama ng Power Duo sa Top 3 ang close-up magician na si Ody Sto Domingo at si Amazing Pyra.  Ang mga hurado ay binubuo nina Robin Padilla, Angel Locsin, Vice Ganda at dating ABS-CBN Vice-President Mr. Freddie Garcia.  Sina Luis Manzano at Billy Crawford ang nagsilbing hosts ng PGT Season 5.




Biyernes, Mayo 20, 2016

STAR BOX: Luscious Ryan Reynolds























FAST FAX



NAME: Ryan Rodney Reynolds

DOB: October 23, 1976 (age 39), Vancouver, Canada

HEIGHT: 1.88 m

SPOUSE: Blake Lively (m. 2012), Scarlett Johansson (m. 2008–2011)

CHILDREN: James Reynolds

TV SHOWS: Two Guys and a Girl, Hillside, The Odyssey, Zeroman



RYAN Rodney Reynolds (born October 23, 1976) is a Canadian actor and producer. He portrayed Michael Bergen on the ABC sitcom Two Guys and a Girl (1998–2001), Billy Simpson in the YTV Canadian teen soap opera Hillside (1991–93), as well as Marvel Comics characters Hannibal King in Blade: Trinity (2004), Wade Wilson / Weapon XI in X-Men Origins: Wolverine (2009), and the title character in Deadpool (2016). 


Additionally, he portrayed the Hal Jordan version of the DC Comics superhero Green Lantern in the film of the same name (2011). Reynolds has also starred in films such as National Lampoon's Van Wilder (2002), The Amityville Horror (2005), Definitely, Maybe (2008), The Proposal (2009), Buried (2010), Mississippi Grind (2015), and Woman in Gold (2015).



Early life


Ryan Rodney Reynolds was born in Vancouver, British Columbia. His father, James Chester "Jim" Reynolds (1941–2015),was a food wholesaler, and his mother, Tammy, is a retail salesperson. He is of Irish ancestry and was raised as a Roman Catholic. 

The youngest of four brothers,he graduated from Kitsilano Secondary School in Vancouver in 1994. He attended Kwantlen Polytechnic University, also in Vancouver, until dropping out. Two of his elder brothers work as police officers in British Columbia, one of whom is a Royal Canadian Mounted Police member.



Career

Reynolds' career began in 1990, when he starred as Billy Simpson in the Canadian-produced teen soap Hillside, distributed in the United States by Nickelodeon as Fifteen. In 1996, he co-starred with Melissa Joan Hart in the TV movie Sabrina the Teenage Witch.


As an adult, Reynolds starred in the American television series Two Guys, A Girl and a Pizza Place, and the National Lampoon movie Van Wilder, playing medical student Michael "Berg" Bergen. In 1993–94 he had a recurring role in The Odyssey as Macro.

He also cameoed in Harold & Kumar Go to White Castle as a nurse, appeared in The In-Laws with Michael Douglas and Albert Brooks, as well as in the Canadian production Foolproof.Wikipedia






Ryan Reynolds on Playing Deadpool 
Late Night with Seth Meyers




Ryan Reynolds Gets Naked





Ryan Reynolds Sexiest Man Alive Shirtless Scenes




Ryan Reynolds Struts to Adam Lambert! :D




Huwebes, Mayo 19, 2016

Chizbitz: Hayden at Vicki meron nang baby!




Chizbitz:

ni Ikabod Grin




 

INILABAS na nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo ang last year pang napapabalitang jonakis nila – si Scarlet Snow.  Hindi nila binanggit ang eksaktong date ng kapanganakan ng kanilang baby pero 14 months old na raw itetch.  Ipinanganak daw ang kanilang cute little angel noong March of 2015.


Si Scarlet Snow ay produkto ng In Vitro Fertilization o IVF, kung saan ang surrogate mother ay magbubuntis sa pamamagitan ng artificial insemination. 


Sa kaso ni Scarlet Snow, ang sperm ni Hayden at ang ovum (egg) ni Vickie ay sumailalim sa In Vitro Fertilization kung saan ang egg ay pini-fertilize ng sperm sa labas ng katawan ng huli.

Ang fertilized egg (zygote) ay kinu-culture sa loob nang 2–6 na araw sa isang growth medium at pagkatapos ay ini-implant sa uterus ng ibang babae (puwede rin sa uterus ng babaeng pinagkunan ng egg) upang makatiyak na magiging matagumpay ang pagjojontis nitetch.


So, malinaw po na ang biological parents ni Scarlet Snow ay sina Hayden at Dra. Vicki. Ang papel lang ng Mexican-American girl ay bilang surrogate mother as in ginamit lang itetch para magjontis hanggang sa iluwal nitetch ang sanggonella nina Hayden at Vicki.


Mexican-American girlash daw ang napili nina Hayden at Dra. Belo na maging surrogate mother ni Scarlet Snow para hindi raw masyadong malaki ang baby, pagbubunyag pa ni Nanay Lolit Solis.


At knows niyo ba kung magkanix ang binayaran nila para sa buong prosesong itetch?  Tumataginting na 200,000 US$ lang naman o mahigit na 9 million peso-pesoses.


Sa Instagram post ni Hayden noong nakaraang Linggo, May 15, ay kanyang inihayag na sila ni Vicki ay proud parents sa kanilang dawter na si Scarlet Snow.



"I guess God knew fatherhood would change me completely and bring me closer to being the kind of man He always wanted me to be, so He sent me and Vicki an angel who is to be our lifelong inspiration. Ladies and gentlemen, meet our daughter, Scarlet Snow," sey pa ni Hayden.


FYI, Dra.Vicki Belo po is in her 60’s na while Hayden Kho is in his 30’s.  

* * *


Guwapong Aktor User-Friendly?!

SINEX ang guwapong aktoraytild na itetch na usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz dahil sa pagiging user-friendly kuno? Madalas kasi itetch ma-link sa mga sikat na aktreselya.


As a matter of fact, after ma-link ng guwapong aktoraytild  sa isang maganda at sikat na aktreselya ay natsitsismis na naman itetch sa isa pang maganda at sikat na aktreselya.


Sa true lang, hindi lang daw basta na-link ang aktoraytild na itetch kay aktreselya no. 1, nagkaroon daw talaga ng relasyon ang dalawa pero hindi lang nila inamin in public.  Saka lang lumabas ang chikang naging sila ay nung hiwalay na ang dalawa.


Now, marami ang nagulat nang biglang-bigla ay may naglabasang chika na ang totoong boyfriend daw ngayon ng sikat na aktreselya no. 2 ay ang guwapong aktoraytild.  Hindi tuloy napigilan ng madlang pipol na magtaasan ang mga kilay sabay sabing ‘confirmed,’ user-friendly nga ang aktoraytild.


User-friendly kasi obvious raw na pinipili nitetch na ma-link sa mga sikat na aktreselya to gain popularity and pakinabang pa more.  


Bukod sa dalawang sikat na aktreselya, nali-link din daw ang guwapong aktor sa isang richy-richy na duktora. Magkaibigan lang daw ang dalawa pero mahilig daw magpabili sa duktora ng mamahaling painting ang guwapong aktoraytild.


Ang modus daw ni guwapong aktoraytild ay padadamahin muna ang kinakaibigang girlash.  Sa umpisa ay itetch daw muna ang nagti-treat sa girlash ng dinner, lunch, etc. pero kapag nahulog na raw ang loob ng girlash sa aktoraytild ay doon na lalabas ang tunay na kulay nitetch.


Itetch daw ang dahilan kung bakit hiniwalayan si guwapong aktoraytild ng dating gf nitetch na si aktreselya no. 1 dahil tuwing bayaran na raw ng bill kapag kumakain sila sa isang resto ay ang aktreselya ang palaging nagpi-paysung. 


Sa tuwing dumarating kasi ang bill ay maraming ginagawang excuses ang mautak na aktoraytild like biglang pupunta sa cr or whatever. 


Clue? May letter ‘A’ sa name at apelyido nitetch.  May jonakis na ang guwapong aktoraytild pero wiz p itetch jowa. Gets niyo?




Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.