Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Abril 29, 2012

Sharon pinagalitan si KC sa pagpapa-sexy


Mula sa pahayagang Aksyon
XKANDALO
ROLDAN CASTRO|


ANG daming isyu na sinagot ang megastar na si Sharon Cuneta sa grand presscon ng kanyang daily show sa TV5 na “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” na magsisimula sa May 7.
Labis na nasaktan si Sharon sa paratang sa kanya na balimbing at walang utang na loob sa pag-alis niya sa ABS-CBN 2.
“Ako pa ba ang sasabihan ng ganyan, e, ako ang may values ng ganyan.  Kahit si Derek (Ramsay) na ang tino, isa pa…nu’ng lumipat dito.  Sabi ko nga, ang dami namang nagsilipat, wala namang reaksyon ‘yung iba.  Hindi kaya tayong dalawa, may konting importansya tayo,” reaksyon ni Shawie.
Paano kung tapatan din ng kabila ang bago niyang show?
“Siyempre, pag ganoon, wala ka nang magagawa dahil ano ba naman ang bottomline, nandito na ako,e!  Kasama ‘yun sa network wars nila..hahahaha.  Hindi naman ako kasali.”
Maapektuhan kaya ang friendship niya  sa mga executives sa kabila?
“Kung anuman ‘yung itatapat sa akin, wish ko lang ‘wag naman ang anak ko.  Pero kung sino man ang itatapat  sa akin, wala akong isyu.  Trabaho ito. Magpakitaan lang ng respeto,” tugon niya.
Paano kung si KC Concepcion talaga ang itatapat sa kanya?
“Masasaktan ako kasi anak ko ‘yun.  Parang bastusan naman ‘yun pag anak ko.  Pero
kung iba okey lang.  Huwag sana anak ko.  Kung si Juday( Judy Ann Santos), maiintindihan ko. Kung sinuman maiintindihan ko pero ‘wag ni KC,” deklara niya.
Kinumusta namin si KC kay Sharon.

“KC is fine. You know what, I’m happy to tell you that she is very, very happy now.  You will see naman,e!  Nagpatawad na siya at nag-move-on sa Piolo (Pascual) issue.
“My prayer also ay mag-move-on na rin ‘yung mga sumama rin ang loob siguro dahil sa break up.  Pati ako ay nag-move-on na rin dahil nag-move-on ‘yung anak ko.
“Anuman ‘yung feelings ko noon… Alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ, e! Winelcome ko siya with open arms.  Pero na-forgive na siya ni KC, ako pa?
“Ang akin lang is, sana man lang ay nag-text siya or nagpakita siya.  Kasi  alam mo ba since na  naging official girlfriend niya si  KC,  hanggang sa nag-break sila, hanggang sa araw na ito, nag-uusap  tayo, never siyang nagpakita sa akin.  Never!
“Parang hindi kami sanay sa ganoon.  Di ba  nu’ng officially boyfriend na siya, di ba dapat, the decent thing dapat sana para mag-bonding ay magpakita ka sa bahay.  Nu’ng lumiligaw ka naman, welcome ka dito,e!
“Pasensya na rin po kung may mga nasabi ako afterwards pero siyempre anak ko ‘yun. Kasi pinapasama pa ng ibang tao ‘yung anak ko.  
“Walang ganunan…kasi pag ganun magsasalita ako.  Hindi naman ako ‘yung type na makipagbangayan pa sa hindi naman kailangan.  Nirerespeto ko ang lahat ng tao na nagta-trabaho lang, di ba?
Nili-link ngayon si KC sa isang foreign singer?
“Naku, tawang-tawa ako diyan.  Si KC..after ng relationship with Piolo, hindi naman sa na-trauma pero maingat.  Ingat na ingat siya.  So, ang feeling niya is Diyos ko lalo na ito… Bristish…ano ito..hahahaha.
“Mukhang napakabait naman nu’ng bata..yung lalaki nagte-text, nagti-tweet.  Pero my God, kung saan-saang bansa magpe-perform ito.  Kung ‘yung Filipino nga, nakakatakot, e kagagaling lang niya dito kay Piolo… baka ma-one million times ang pain niya pag sakali,” sambit pa ni Mega.
Hindi pa raw ready ngayon si KC na umibig ulit.
Natuwa ba siya sa pagpapa-sexy ni KC sa mga pictorial nito sa magazine?
“’Yung totoo, hindi.  Ha!ha!ha!  Nu’ng unang-una kong kita sa cover.  Sabi ko, ay naku anak, kitang-kita puwet ko ‘yan. Ha!ha!ha! Tapos sabi ko, kumusta naman ‘yung inside pages. 
“Nu’ng  makita ko, pinagalitan ko siya pero aanhin mo, e, disente pa rin naman ‘yung anak ko, nakatakip pa naman ‘yun.  Wala namang balak mag-bold star.  
“At saka, hindi niya ginawa ‘yun dahil nasiraan siya ng ulo at nag-break sila.  Hindi totoo ‘yun.  Ginawa niya ‘yun dahil super work-out siya  nu’ng mga panahong ‘yun.  
“So, after Cosmo, sabi niya mama may isa pa po ‘yung Cosmo.  Ang tanong ko, ano ang suot mo?  Sabi niya,’ two piece.’ A, hindi bale dream ko naman ‘yan.  Isuot mo na.  Mauna ka na, ha-ha-ha, tapos sinabi last na ‘yun,” kuwento pa ni Mega.

* * *

PINABULAANAN ni Marian Rivera nang makatsikahan namin siya sa dramedy show niyang “Tweets For My Sweet na siya’y buntis.
Pero paano niya dadalhin kung bigla siyang mabuntis?
            “Paano ko iha-handle?  Siguro hindi naman kasi ako.  Natuto na ako.  Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang paninidigan. Kapag ginawa ko yun, kapag nangyari yun sa akin, ibu-broadcast ko ‘yan,” sambit niya.
So willing  na rin ba siyang magka-baby?
 “Oo naman.  Sino ba namang babae ang hindi gusto magkaanak, di ba?  Gusto ko magkaanak.
Balang-araw, ako ang dancing lola, why not?  Di ba?  So, okay lang ako sa ganung bagay.”
Kailan niya  gustong mabuntis?
“Gusto ko magka-baby?  Hindi ko alam.  Bahala na… bukas?  Wala naman siya (Dingdong) dito,” tumatawa niyang sambit.
“Hindi ko alam… siguro darating din, siguro may mga signs din naman.
“May mga bagay-bagay na napag-uusapan kung paano, kailan… kusa na lang dumarating na hindi pinaplano.”
Pero wala pa sa plano niya na magpakasal sila ni Dingdong.  Marami pa raw siyang gustong gawin.
Bukod ditto ay tinanong din siya kung okey na sila ni Katrina Halili.
“Wala.  Maayos ang lahat.  Okay kaming lahat.  Since day one naman, sinasabi ko, okay ako.
 “Kahapon, nagkaroon ng chance na… sa wakas, nagkaroon kami ng chance na magkaeksenang dalawa at hindi pa kami nag-usap… salisi lang.
“So, lumapit naman kami, naglapitan kami sa isa’t isa—as in naglapitan kami.
 “’Hi,’ ganun naman kami. Walang problema.
“Masaya lang.  Work lang tayo.  Positive na lang muna," aniya pa.
Sa linggo May 6 magsisimula ang “Tweets for My Sweet” ng GMA 7.  Kasama rito sina Roderick Paulate, Sheena Halili, Chef  Boy Logro, Elmo Magalona,Barbie Forteza, Mikey Bustos at Ms. Nova Villa.  Ito’y sa direksyon ni Uro dela Cruz.





Marian di pa raw buntis


Mula sa pahayagang Aksyon
WHAT’S THE POINT?
Pilar Mateo  

NOONG Biyernes ng gabi, muling naglunsad ng bagong scent ang Bench. Ito ang Deo Cologne na Gutz and Glory na si Richard Gutierrez ang endorser.
Ginanap ang bonggang launch sa SM-Mall of Asia at sinugod ng kanyang mga tagahanga ang nasabing lugar sa kabila ng napakabigat na traffic, patungo sa nasabing mall.
Naroroon din ang pamilya ni Richard to support him -- mula sa kanyang ama’t ina.  Alas sais ang imbitasyon for the said launch.  At mukhang si Ruffa lang ang hinintay para masimulan ang muli na namang pagpapasabog ng direktor ng mga Bench launch na si Robbie Carmona.
Galing pa raw sa dubbing ng kanyang pelikula kasi si Ruffa at sa tindi nga ng trapiko kaya naantala ito sa pagdalo sa launch ng pabango ng kanyang kapatid.
Tinitiyak ng Bench na isa na namang best-seller sa kanilang line ng mga pabango ang masusubukan ng mga mamimili.

* * *

AFTER ng Gutz and Glory launch, sugod na uli kami sa trapiko para naman umabot sa special screening ng “The Avengers” ng Marvel sa EDSA-Shang Cinema 2.
Proyekto naman ito ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes.
Ito ang nasimulan ng dating Marine reservist at isa nang matagumpay na aktor ngayon na si  Dingdong (Jose Sixto G. Dantes III in real life) na ang misyon nga is to make nation building a way of life by empowering the Filipino Volunteer Sector through the institution of permanent initiatives that engender collaboration and communication.
Nakakatuwa ang mga tao sa likod ng nasabing Foundation dahil kahit na nasa Malaysia si Dingdong that time, naasikaso nila to the fullest ang kanilang special screening.
Dahil napakaraming screenings na kasabay nito mismo sa lahat ng sinehan sa EDSA-Shang.
Maraming celebrities ang nagsidalo sa nasabing event.  At sa nasabing sinehan namin nakita ang mag-asawang Jolina Magdangal at Marc Escueta, si Angelu de Leon at ang gumulat pa sa aming mag-amang Jomari Yllana at Andre.
Sulit na sulit sa katuwaan ang pelikulang idinirihe ni Jhoss Whedon at pinagbibidahan nina Robert Downey, Jr., Chris Evans, Mark Ruffalo, Chris Hemsworth, Scarlett Johansson, Jeremy Renner, Tom Hiddleston, Clark Gregg, Gwyneth Paltrow, Samuel Jackson at marami pa.
Sulit na siya pero uulitin namin ito in 3D.
Ayon sa publicist ni Dingdong na si Rose Garcia, nasa Malaysia si Dingdong para i-promote ang “Endless Love” nila ni Marian Rivera. Na hindi naman nakasama dahil may presscon ito para sa bago niyang sitcom.
That day eh, um-attend ng presscon niya in Malaysia naman si Dingdong at nagulat nga raw ito sa tanong ng press doon dahil in na in sila sa mga uusisain dito.
Kaya naman hindi rin nakatanggi ang aktor nang i-request ng mga media roon na kumanta siya.  Kaya, humirit siya ng “Bakit Ngayon Ka Lang”.
Sumalang din ito sa interview sa number one woman talk show doon, sa “WHI” nina Fiza and Rina.
Meron ding meet and greet ang aktor sa Ipoh Perak (Carnival Jom Heboh) na nasa Northern state ng Malaysia na dalawang oras ang layo sa Kuala Lumpur.
Kahit ikalawang pagtungo na ito ni Dingdong sa nasabing bansa (una eh, nang i-promote nila ni Marian ang “Marimar”), marami rin daw bagong natuklasan ang aktor sa kanyang memorable trip na naman doon.
 Na-miss niya lang syempre ang kanyang lady love na siya rin niyang ipinaliwanag sa mga naghanap sa aktres sa kanya doon.
* * *
AT HABANG abala naman si Dingdong sa presscon niya in Malaysia, nasalang naman ang kanyang lady love sa pag-uusisa ng press sa kumalat na balitang diumano’y nagdadalantao ito.
Kaya, hirit ni Marian sa mga nakaharap na press na, “Hindi pa!”
Actually, si Dingdong pa nga raw ang nag-text sa kanya na may lumalabas na balitang buntis siya.  At ang sabi pa nga raw nito sa aktres eh, “How I wish!”
Nilinaw ito ni Marian by saying na ang kapatid ng aktor na si Trina ang buntis.
Bunga ito ng mga tweets kay Dingdong ng ilang malalapit na kaibigan.
Ang sabi nga lang daw ni Marian, hindi siya papasok sa isang bagay na hindi niya paninindigan.  Kaya kung magkatotoo raw ito eh, ibu-broadcast niya talaga.
Kaya, maghintay na lang daw tayo. At ang focus niya eh, nasa trabaho niya.

Piolo ipinaamoy ang kilikili kay Angelica


Mula sa pahayagang Aksyon
Merese
Ni        DINNO ERECE        

TWITTER QUOTE – Hindi umakma ang kinain ni Rocco Nacino sa Ilocos while shooting Lam-Ang kaya namaga ang mukha niya at na ospital pa.
Last tweet niya, he’s okay and ‘Face is swelled up coz of something I ate. Exotic food, mountain ants. Just got out of the hospital. I’ll be fine daw. Hay bad trip.’
***
HINDI rin daw natupad ang kontrata ni Derek Ramsay sa ABS.
Magkasunod ang pagpirma nina Sharon Cuneta and Derek sa TV5 as the new Kapatids.
Sharon is hosting her talk show “Sharon Kasama Mo Kapatid” starting May 7 at si Derek naman ang host ng “Amazing Race Philippines” and the TV5 correspondent to the upcoming London Olympics.
Both were former Kapamilya na naakusahang pera-pera ang naging dahilan ng paglipat nila sa TV5. Like Sharon, hindi rin daw pera ang reason.
Bukod sa maganda ang offer, may mga hindi rin daw nasunod sa original contract ni Derek sa ABS. Supposedly, two soaps ang gagawin niya pero isa lang ang nagawa niya, ang “Magkaribal.”
 Isang taon tuloy siyang natengga at walang show. Nang binigyan siya ng hosting job for “The Biggest Loser,” na-request pang mag-half price siya rito which he accepted naman.
Tapos when he was given another movie “Corazon,” almost free naman daw ito sa liit ng bayad.

***

NAGPAAMOY ng armpit si Piolo Pascual kay Angelika Panganiban.
Star Cinema’s 19th anniversary presentation is the romantic comedy “Every Breath U Take.”
It stars Piolo and Angelika in their first big screen team together and directed by Mae Cruz.
Opening May 16 in over a hundred theaters nationwide, kasama rin sa cast sina Ketchup Eusebio, Carlos Agassi, Joross Gamboa, Wendy Valdez and Ms. Nova Villa and introducing Ryan Bang.
Sa kuwento, sobrang gigil si Angelika kay Piolo pati ang kilikili nito, inaamoy-amoy at kinakagat-kagat.
Okay naman sa dalawa na gawin ang eksena dahil sabi nga ni Angelika, nakakakilig naman talaga si Piolo para gawin niya ito.
As for Piolo, nakuwento niya during the presscon that an ex girlfriend of his daw, ginawa na rin sa kanya ito noon nang kinagat-kagat ang kilikili niya.
***
HERE’S what’s on today sa “Reel Love Presents Tween Hearts.”
Magtutulung-tulong na ang barkada para magkabati sina Bambi (Barbie Forteza) at Josh (Joshua Dionisio).
At pagkatapos ng isang heart-to-heart between Bambi and her sister Belinda (Bea Binene), mukhang ready na nga si Bambi to forgive Josh.
To tip things over, Aya (Joyce Ching), Chris (Kristoffer Martin) and Nathan (Teejay Marquez) help plan a getaway for the two.
And as the three tweens leave para sa concert ni Jacob (Jake Vargas), Josh reveals to Bambi his biggest surprise.
As Bambi and Josh enjoy their happily-ever-after, kabaliktaran naman ang dinadanas nina Belinda at Jacob
Nagawa nang palabasin ni Lucy (Rhen Escaño) na banned si Belinda sa concert ni Jacob! At ang masama pa nito, Belinda thinks Jacob did nothing to stop this new development.
Pero wala talagang alam si Jacob! Kaya nga lang, when he rushes to Belinda's side para i-explain ang side niya, nakapagdesisyon na ang girlfriend niya. Belinda wants to break up with Jacob.


Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.