Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Pebrero 9, 2012

Mariel tama lang na umalis sa noontime show ng Dos


Mula sa pahayagang Aksyon

My E-net 

By Gas Gayondato 




Mariel may tama ka!

MUKHANG tama ang naging 

desisyon last year ni Mariel 

Rodriguez na  umalis sa “Happy, 

Yipee, Yehey” ng BS-CBN para 

lumipat sa “Wil Time Big 

Time” ng TV5 dahil ngayon ay tsugi 

na sa ere ang una pero nariyan pa 

rin  ang huli. 



           Nahulaan kaya ni Mariel na hindi na  magtatagal ang 

“Happy, Yipee, Yehey” kaya bago pa man ito tuluyang magbabu sa 

ere ay lumipat na siya sa show ni Willie Revillame? 

         Kunsabagay kahit naman ako ay napi-feel ko noon pa na 

hindi rin magtatagal ang nasabing noontime show ng Dos. 

        But it’s not something we should be happy about. Maganda 

rin naman kasing maraming shows na katulad ng “Happy” para 

mas maraming artista at maliliit na manggagawa ang may trabaho. 

         Mahirap talaga maglagay ng isang variety show sa tanghali 

lalo na kung ang katapat nito ay katulad ng “Eat Bulaga” na ilang 

dekada nang namamayagpag sa ere pero nanantili pa ring matatag   

sa kanyang timeslot.

         Pero pasasaan ba’t makaka-hit rin ng ‘jackpot’ sa noontime 

slot ang ABS-CBN. Kung kailan – yun ang dapat nating abangan, 

whew! 

* * *

Si Heart Evangelista sa 'Legacy'
NARITO po ang latest Mega 

Manila People & Household 

Ratings (Feb. 6, Monday) na 

ipinalabas ng AGB Nielsen. 


Daytime: 

1. “Eat Bulaga!" 

   (GMA-7) - 26.2% 

2. “Ikaw Lang Ang Mamahalin” 

   

(GMA-7) - 19.2%



3. “Chef Boy Lagro: Kusina Master” (GMA-7) - 17.3% 

4. “Broken Vow” (GMA-7) - 16.3% 

5. “Kokak” (GMA-7) - 15.7%

6. “Kapuso Movie Festival: You To Me Are Everything” 

      (GMA-7) - 13.3% 

7. “It's Showtime” (ABS-CBN) - 11.7%

8. “Angelito Batang Ama” (ABS-CBN) - 11.6% 

9. “Knock Out” (GMA-7) - 11.3% 

10. “Detective Conan” (GMA-7) / “Love You” 

(GMA-7) - 11.2% 

Primetime: 

1. “24 Oras” (GMA-7) - 25.5% 

2. “Legacy” (GMA-7) - 25.4% 

3. “Biritera” (GMA-7) - 24.8% 

4. “Walang Hanggan” (ABS-CBN) - 23.7% 

5. “Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown” (GMA-7)   

     - 23.6% 

6. “Budoy” (ABS-CBN) - 21.5% 7. “TV Patrol” (ABS-CBN) - 

     20.4% 

8.  “E-Boy” (ABS-CBN) - 19.6% 

9. “Dongyi “(GMA-7) - 18% 

10. “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis” (ABS-CBN) - 16.3%

Miyerkules, Pebrero 8, 2012

My Hunk



OMG



OH MY Gaz!  I love this super 

sexy hunk who was once rumored 

as Lovi Poe’s newfound love. 

But he’s quick to dispel  the 

rumors that there’s something 

going on between him and Lovi 

when he guested in GMA-7's  

“Showbiz Central.”

Sorry girls and gays, this guy loves somebody else, not Lovi.
   
        This super sexy hunk that 
I’m talking about is Gareth Leslie 

Holgate (aka Gaz Holgate), a 


Welsh-born Philippine international rugby union player.
              
               I like Korean men the most, and the chinitos, but Gaz is 

an exemption. 
         
            I don’t know but it’s maybe because of his set of bedroom 

eyes plus his mysterious personality.

         
         And maybe because of his confidence revealing his 

well-toned sexy body for the newest ad campaign of Bench Body 

underwear.

                 
                 
               

Angel nakakaintriga ang tweet kay Chito


Mula sa pahayagang Aksyon

Right Timing

By Nora V. Calderon



NAINTRIGA kami sa tweet ni Angel Locsin na: “happy 16th birthday to Chito Miranda Jr., binata ka na tsong!” 
Kaninong anak ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar si Junior? 
Matagal na pinag-usapan noon ang relasyon nina Chito at ng aktres na si Kaye Abad bago naging friends sina Angel at Chito.

                                                            * * *

 MAGAGANDA lahat ang mga bagong drama series ng GMA-7 na nag-pilot last Monday, February 6. 
Una ang “Broken Vow” nina Gabby Eigenmann, Luis Alandy at Bianca King, na simula pa lamang ng eksena ay madula, mabilis ang pacing at mahusay ang acting nina Bianca at Gabby na malayung-malayo ang character na Roberto sa Desmond ng “Munting Heredera.”  Mukhang pahihirapan nang husto sa story si Bianca.
            Naaliw naman kami sa mga labanan ng powers nina Jean Garcia at Marita Zobel bilang dalawang mangkukulam hanggang natalo ang powers ni Jean at naging punungkahoy siya, ang gandang transformation, sa “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.” 
Bukas, mapapanood na si Bea Binene bilang si Alice Bungisngis.”
            Simula pa lamang ng “Biritera,” very heartwarming na ito at ipinakita na agad ni Dennis Trillo ang husay niya sa acting. 
Nakita na rin agad ang batang biritera, ang bagong young singer/actress na si Roseanne Magan.  May special participation pala si Jillian Ward bilang ang original na batang biritera, si Claudine Barretto, ang nag-ampon kay Abigail na makikilalang si Roseanne.
                                                            * * *
  NAG-LAST taping day na kahapon ang buong cast ng “Kokak” directed by Ricky Davao.  Kinailangang tapusin ang taping ng nangungunang afternoon prime after ng “Eat Bulaga” dahil today, Feb. 9, paalis ang bidang si Sarah Labhati, kasama ang dalawang nali-link sa kanyang sina Derrick Monasterio at Enzo Pineda at si Direk Freddie Santos
Bale homecoming ito for Sarah dahil mga Pinoy sa Geneva, Switzerland ang nag-request sa kanila for a show.  
Naghihintay kay Sarah ang parents niya roon lalo na ang daddy niya na matagal na niyang hindi nakikita.  Six days sila roon na as of now ay -10 degrees ang lamig. 
Ayaw isipin ni Sarah na dahil sa mahusay niyang pagganap as Kara sa “Kokak” ay prinsesa na raw siya sa afternoon prime.  
Pinagbubuti raw niya ang trabaho niya at ang nasa isip niya, ang sarili niya ang kalaban niya.  Naniniwala raw siya na hindi ang laki ng role ang dapat niyang isipin kundi how she gives justice to the role na ibinigay sa kanya. 
Kaya thankful siya kina Direk Ricky, TJ Trinidad, Jessa Zaragoza, Gary Estrada, JC Tiuseco, Vaness del Moral, Frencheska Farr at Caridad Sanchez sa suportang ibinibigay nila sa kanya.
Sa pagbalik ni Sarah mula sa Switzerland, malalaman na niya kung kailan siya magsisimulang mag-taping ng bagong soap niya sa GMA-7 na mapapanood na siya sa primetime. 
Hindi pa lamang siya allowed banggitin kung ano ang bago niyang project.
                                                * * *


BUKAS na, February 10, ang grand finals ng reality challenge na “Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.” 
Maraming nag-react na televiewers nang hindi makapasok sa Top 3 si KC Montero, at ang bumuo sa kanila ay sina Mara Yokohama, Stef Prescott at Albert “Betong” Sumaya
 May mga nagsabing may mga nandaya, bakit daw napanood na nakikipag-usap ang members ng jury sa top 4. 
Nakita rin na may kutsabahan na sina Stef at Mara na ilalaglag nila si KC na para sa kanila ay big threat sa kanila para tanghaling grand champion na mag-uuwi ng P 3million cash prize. 
Pero iyon daw ang laro, kailangang ilaglag mo ang threat sa inyo.  Hindi raw kaya naman naisip nina Mara at Stef na big threat din sa kanila si Betong na never nanalo sa anumang immunity challenge na ginawa nila pero nakarating hanggang sa top 3 level?



Shalani iniyakan ang pagkakatsugi sa show ni Willie


Mula sa pahayagang Aksyon

XKANDALO
ROLDAN CASTRO

 BABU na talaga si  Shalani Soledad bilang co-host ng  “Wil Time, Big time.”
Kinausap daw ng Executive Producer na si Jay Montelibano si Coun. Shalani at ipinaliwanag  ang mga dahilan kung bakit hindi na siya makakabalik sa numero unong game show sa primetime.
Iniyakan daw ni Shalani ang balitang hindi na nga siya magiging bahagi ng show ni Willie Revillame.
Isa sa dahilan na sinasabi ay hindi na nila mapapakilig ang mga fans ni Willie at hindi na siya mabibiro dahil may asawa na siya.
Bukod dito, magiging abala na rin si Shalani sa nalalapit na pangangampanya sa darating na eleksyon.
At least, magkakaroon   ngayon ng maraming oras si Shalani para makabuo sila ng pamilya ni Rep. Roman Romulo
* * *

Aiko posibleng balikan si Jom

 LOCAL elections next year, kaya tinanong si Aiko Melendez kung may plano ba siya na tumakbong muli sa pulitika?
Dating konsehal si Aiko sa District 2 ng Quezon City.
“Hindi ko pa alam.  Kasi I’m waiting for a sign.  Sabi ko nga kung this year ibibigay sa akin yung sign na yun then dun ko malalaman kung tatakbo ako o hindi,” pahayag ni Aiko.
Ayon pa sa kanya…
“Pero hindi ko sinasarado yung possibility na tumakbo ako kung kakailanganin naman ng QC pa, why not?”
Ano ang sign na hinihintay niya?
“Hinihintay ko na yung sign na meron akong gawin na kontrata, iyong big contract na hinihintay ko for this year.  Pag nangyari yun then definitely magpo-focus ako sa showbiz more.”
Kontrata ng?
“Baka maudlot, e, basta network and pelikula.”
Kapag raw natuloy ang naturang kontrata ay magko-concentrate sa pag-aartista si Aiko.
Kapag hindi natuloy, baka tumakbo siya…
“Kumbaga may possibility kasi dun sa ano, part ng kontrata na hinihintay ko kasi is I cannot run, e.
“So pagka ano, natuloy talaga yun… and hina-haggle ko naman na sana puwede kong pagsabayin di ba?  Kaya ko naman, I mean I did it for nine years.  Kung mapakiusapan tatakbo talaga ako.”
Ganun niya kamahal ang Quezon City.
“Sobra!  Kasi nine years akong nasa pulitika and kahit ngayon na wala na ako sa politics ang dami pa ring humihingi ng tulong, hanggang ngayon, as in !
“Tumatawag yung mga kapitan ko dati na mga natulungan, siyempre kumbaga ang public service, once na nandiyan ka, forever nandiyan ka na, e.”
Hindi ba niya hinangad na mas mataas na puwesto ang takbuhin? Tulad ng pagiging senador?
“Ay, hindi pa ako ready sa ganun!  Hindi ko pa kaya ang ganun. “Kasi ngayon pa lang nga na I’m going back to showbusines, yung time ko sobrang hindi ko na maayus-ayos.
“Pag kasi mas mataas na posisyon mas ang demands and responsibilities mo, mas lumalaki so baka hindi ko kakayanin yun.”
Ang manager ngayon ni Aiko ay si Tito Boy Abunda.
“Backroom ako, magpa-five years na.”
What if sabihin ni Tito Boy na ie-exclusive na si Aiko sa ABS-CBN?
“Kung maganda naman ang offer ng Channel 2 and magkaka- compromise kami sa mga lahat ng hinihingi ko, then why not?”
Nasa ABS na rin si Carmina Villarroel
“Yeah oo, si Ruffa naman na, nandito sa TV5.  Sana nga e magkatraba-trabaho kami.”
Magkaka-batch sina Aiko, Ruffa at Carmina noon na nakilala bilang Underage Girls at mga Regal Babies.
At hanggang ngayon ay may communication silang tatlo.
“Oo naman.  In fact si Ruffa before she left for Brazil magka-BBM kami.  And then nung mga times na yun nga, yung nagkaroon  ako ng court case… you know I’m  really blessed na kahit na matagal kaming hindi nagkita, nagkita kami nung time na yun, we had dinner, nagkuwentuhan, she assured me na andiyan pa rin yung friendship.
“And now that you know, her family, si Tita Annabelle (Rama) is going through a controversy ngayon, pinagdadasal ko sila.”
Thirteen years old na ang anak nina Aiko at dating karelasyon niya na si Jomari Yllana na si Andrei.  Nag-model nga ito for a Bench fashion show for kids.  Hanggang pagmomodelo lang ba niya papayagan si Andrei?
“Actually there was an offer from Channel 5 na parang gagawa ng kiddie show.
“Sabi ko kanya, ‘Do you want to do it?’ Sabi niya ‘Yeah, I can try doing it.’ So hopefully kung maayos yung ano na ‘yan, baka.”
Si Tito Boy rin ang manager ni Andrei.
Si Marthina naman ay five years old na, na anak naman nina Aiko at dating asawang si Martin Jickain.
Mag-aartista rin ba si Marthina?
“E bawal sa school e,  Poveda kasi siya so bawal ang mag-artista.”
Paano kung gusto rin ni Marthina?
“Siguro puwede pero ano, studies talaga ang priority dapat.”
With Andrei, meron silang constant communication ni Jomari.
“Oo!  In fact si Jomari visited us here sa set (ng Nandito Ako). Dinalaw niya ako tapos si Gelli (de Belen), si G (Toengi), nakita din niya, kasi di ba mga naka-work rin ni Jom.
“Okay kami ni Jom.  Everything naman is…. ang usapan namin lagi, if it concerns Andrei, he’ll always be part of it.
Loveless rin si Jomari, at loveless rin si Aiko.  Pareho silang loveless, hindi kaya may posibilidad na magkabalikan rin sila eventually?  Na love is sweeter the second time around?
“Could be kaya lang ano siguro, mas kailangan pa namin ng a little connection. Na talagang pag-uusapan namin and eventually siguro pag mas nagkaedad pa kaming pareho, that’s the time siguro na baka puwede naming mai-consider.
“Nothing is impossible naman, di ba,” pagtatapos na pahayag ni Aiko.

Lunes, Pebrero 6, 2012

Kris ia-adopt sina Josh at Bimby


Mula sa pahayagang Aksyon
Showbitz & Pieces
Ni Vinia Vivar


Si Tetay at ang kanyang mga ampon, choz!
IT’S surprising to know na kailangan pa palang i-adopt ni Kris Aquino ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Baby James para maging legal ang pagiging ina niya sa mga ito.

Ito ang ini-reveal ni Kris sa kanyang taped interview sa “The Buzz” last Sunday.
“There are legal steps that I must take to protect both Josh and Bimby.  Ang next step kasi rito, I need to adopt my children,” Kris stated.
Si Joshua ay anak ni Kris kay Phillip Salvador and as we all know ay hindi sila kasal.  Si Bimby (Baby James) naman ay anak niya sa dating asawang si James Yap pero dahil nga sa annulled na ang kasal nila, this makes her youngest child illegitimate.
"So, kailangan for me to legitimize my own children, kahit na biologically niluwal ko sila.  Parang lesson in law talaga itong nangyari sa akin.  I need to adopt them para no question of inheritance later on,” pahayag ni Kris.
            Pero kahit annulled na raw sila ni James, ini-request daw 
niya sa dating asawa na Yap pa rin ang gagamiting apelyido ni 
Bimby.
"I am requesting that legally, baby James will be using Aquino Yap.  Pinakiusap ko kay James yun at sinabi niya, wala namang problema,” Kris said.
Siya naman daw, ang legal name niya ngayon ay Kristina Bernadette Cojuangco Aquino.
Ang isa pang revelation ni Kris, at this point in time, natanggal na raw talaga ‘yung desire niya to be in a relationship.
"Totoo.  Ito yung from somebody na for the past 20 years, sinubaybayan n'yo ang makulay na buhay pag-ibig.
"Alam n'yo, Boy (Abunda), kung tatanungin mo ako at this particular moment talaga, na I am grateful for the chance to be single and to have the chance to love again.  But if you're going to ask if I want to love again, not really.”
 Okay na raw siya ngayon on her own at hindi raw siya natatakot na tumanda nang nag-iisa.
Sa bandang huli ay napakaganda ng mensaheng iniwan ni Kris para sa best friend niyang si Kuya Boy.
"The big truth, as far as I'm concerned, you know who your friend is kapag nandiyan with you through the ups and down.  Well, you're the additional brother that God gave to me and yun ang the big truth.
"Na kung naging lalaki ka lang talaga in every sense of the word, sana tayo na lang dalawa ang nagkatuluyan.  At least magkasundo talaga tayo,” say ni Kris sa kanyang best friend/manager/confidante.
        Another thing na napag-usapan ay ang financial support ni 

James kay Bimby.  Ayon kay Kris ay hindi raw niya inoobliga ang 

dating asawa na magbigay.
“I've waived all right to ask for fraternal support kasi sinabi ko na kumikita ako, and it would be voluntary on James's part if he would want to share.  Pero hindi ko siya inoobliga."

* * *

Erich at Enchong umaatikabo ang bed scenes


Panggulat ang maiinit na eksen
PANGGULAT ang sunud-sunodna maiinit na eksena kamakailan ng mga karakter nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa top-rating "Maria la del Barrio."
Mula sa mga malalagkit na tinginan at mapanuksong 

pagkikita, kapwa hindi na 

nagawang pigilan pa nina Maria (Erich) at Luis (Enchong) ang labis na pagmamahal para sa isa't isa kung kaya't matapos ang mahabang taon na pagkakawalay muling may nangyari sa kanila.
Umaatikabo talagang bed scenes ang napanood mula sa dalawang bida last week na for sure ay labis na ikinatuwa ng followers ng serye.
Tuluyan na nga bang magkakabalikan sina Maria at Luis? O kapwa rin sila babalik sa piling nina Vladimir (Aaron Villaflor) at Sabrina (Jewel Mische)?
Huwag palampasin ang mas mga umiinit na tagpo sa “Maria la del Barrio,” bago mag-“TV Patrol,” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.



   

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.