Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Pebrero 4, 2012

KC nagwawala na dahil kay Piolo?


My E-net
By Gas Gayondato






 
USAP-USAPAN ngayon sa iba’t ibang social networking sites ang 

naglalagablab na cover photo ng Rogue magazine for January-

February 2012 issue kung saan makikita ang isang sexy at

mapangahas na KC Concepcion.
           
         Karamihan sa mga nakakita na sa sexy photos ni KC sa 

nasabing magazine ay hindi makapaniwala na magagawa ng dalaga 

nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na 

mag-pose nang ganun ka-daring.
          
        It came as a shock to everyone, sa totoo lang, lalung-lalo na 

yung posing ni KC na nakatayo, na naka-black panty lang with 

matching unbuttoned black top na halos nipples na lang ng bruha 

ang natatakpan.
             
        May nagsasabing hindi raw si KC yun.  Produkto lang daw yun ng adobe photoshop. 
        
        Ipinatong lang daw yung ulo ni KC sa katawan ng isang babae.
             
        Yung katawan daw ng babaeng yun ay halatang panggurang 

na, ha-ha-ha!
             
       But it’s the truth and nothing but the truth.  

* * *





NAGKALAT na ang seksing-seksi at mapangahas na mga larawan 

ni KC sa internet.  A certain blogger even posted in his blog the 

complete photos of KC from Rogue magazine.
          
          KC daw herself tweeted her followers saying, "Thank u for 

loving our Rogue!  I dedicate this 2all the girls & beckies out there 

who all keep sane & strong despite storms.”
             
          Makahulugan ang tinurang ito ni KC.  It’s very obvious na 

may kinalaman ang mapangahas na pictorial ng bruha sa recent 

event sa kanyang buhay.
         
         Sa cover na naturang magazine ay makikita si KC na 

nakasuot ng skimpy white swimsuit at may hawak na statue  ng 

pugot na ulo ng isang lalaki with maching snake na nakapulupot sa

kanyang kaliwang kamay.

          Marami ang nakapansin na merong pagkakahawig ang statue 

ng pugot na ulo ng lalaki sa kanyang ex-boyfriend na si Piolo 

Pascual.
           
          Inamin naman ni KC na ang inspirasyon niya para sa 

naturang pictorial ay ang kanyang feelings at emotions sa 

most-talked breakup nila ni Piolo last year.
            
         Some people even decoded the underlying meaning of the 

said cover photo of Rogue magazine.
             
          Yung snake raw ay reptilian representation of treachery and 

deceit. 

          Yung decapitated head o statue ng pugot na ulo ng lalaki  ay 

capital punishment daw for noblemen guilty of treason or betrayal.
         
         Yung pagkaka-emphasize naman sa puwet ni KC as she looks 

back ang ibig daw sabihin ay in state of being foolish or stupid.
        
          Hmm… very KC-Piolo breakup nga ba ang arrive?
           
          Si KC daw mismo nagustuhan ang pagkaka-decode ng 

kanyang cover photo kaya ni-retweet niya ito sa kanyang followers 

sa tweeter.
            
         Ang tanong, sinadya ba talaga ni KC na maging ganun ang 

konsepto ng kanyang cover pictorial bilang bahagi pa rin ng 

kanyang subtle revenge kay Piolo?
          
        O di kaya talagang nagwawala na ang bruha dahil sobrang 

nasaktan siya sa ginawa sa kanya ng bruho?
  
        Kayo, ano sa palagay niyo?
            
        Don’t tell me hindi kayo mapalagay, huh!




 
           

Anne maraming palpak sa sariling concert


Mula sa pahayagang Aksyon
Merese
Ni   Dinno Erece     
  

'It was super Anne-perfect'
TWITTER QUOTE – High pa rin si Anne Curtis sa kanyang katatapos lang na concert “AnneBisyosa The No Other World Tour Concert” that no amount of criticism can faze her as she tweets:
“You know how I know it was my concert?  It was super un-perfect! I made so many mistakes but it didn’t matter coz’ that’s me. Tanggap niyo yun!’
***
Barbara Barretto:  The new Brazillian in town

Like ang chicken adobo at ginataang kalabasa

THERE is a new Brazilian in town, Barbara Barretto.
Kung hindi pa namin nakausap si Barbara, hindi pa namin malalaman that Barretto, a Portuguese surname, is pronounced ‘barero’ in their country.
The 23-year-old,5’ 8” model is now in the country and is signed up with Viva Artist Agency for a three-year modeling contract.
First time niya sa Pilipinas but she’s liking it already specially ang mga food daw na chicken adobo and ginataang kalabasa.
Five years nang nagmu-model si Barbara as she started in her country when she was 18.  
Since then, nakalibot na ng halos buong mundo si Barbara with international campaigns for continental Europe, the whole of Americas including United States, Mexico and several South American countries pati na rin sa Asia particularly Singapore and Thailand.
Kararating pa nga niya lang sa Pilipinas, pasok na rin siya sa Bench campaign.
***
Bea title role na

Ang tanong may mainggit kaya kay Bea?

MAY mainggit kaya kay Bea Binene na title role na siya?
Piloting tomorrow sa early primetime ng Tele Babad ng GMA ang “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.”
 It replaces another telepantasya na “Daldalita” that ended last Friday.
Directed by Mark Reyes, it stars Bea in the title role with partner Jake Vargas plus another tween pair Lexi Fernandez and Derrick Monasterio together with Jean Garcia, Sheena Halili and Sef Cadayona.
First time that all top pair of tweens have separate soaps outside of their Sunday teen show “Reel Love Presents Tween Hearts” na ipalalabas mamaya after “Party Pilipinas” as sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Kristofer Martin and Joyce Ching, may “Ikaw Lang Ang Mamahalin” naman.
Ang tanong na lang, ang kay Bea lang ang title role ng soap na pagbibidahan so wala kayang mainggit sa kanya?
Isa pa, primetime ang “Alice” at ang “ILAM,” afternoon lang.
***
BAGETS ends today.
Today marks the end of the TV5 teen show “Bagets Just Got Lucky.”
 Umabot ito ng full three seasons or thirty nine weeks every Sunday sa TV5 although papalit-palit ng schedule.
 Mamaya, ipapalabas ito after “Paparazzi.”
 The first two seasons were directed by GMA director Mark Reyes and the last season went to Elaine Lozano.
Even the cast have changed from first to second season.
It introduces AJ Muhlach and Aki Torio outside of their XLR8 group and also Nadine Lustre and Shy Carlos outside of Pop Girls.
Also starring Meg Imperial. First regular show din ito ng TV5 stars Eula Caballero and Rico Dela Paz plus it introduces new names Johan Lauren and Josh Padilla (in the first season), Aimee Heart (second season) and Matthew Andrews (third season).
Episode title of course is “Farewell.”



Pokwang mistulang isinumpa


Mula sa Pahayagang Aksyon
Pinlakang Tabing
Ni Richard Pinlac

Pokwang:  Minamalas sa Year of the Water Dragon



SIGURO naman ay tinanggap na ni Pokwang sa puso niya na hindi pang-noontime show ang beauty niya, huh!
In fairness, talented naman itong komedyana na na-discover sa Music Box, nga lang, tila wala siyang suwerte na maging sahog sa bawat pangtanghaling programa na sinalihan niya.
            Mula sa "Wowowee", na pinalitan ng "Pilipinas Win Na Win" hanggang sa natsugi na ring "Happy, Yipee, Yehey!" ng Dos ay may iisang common factor ang tatlong short-lived programs na nabanggit...si Pokwang!
           Nataon lang ba o mistulang may sumpa sa komedyana?
           Siguro ay panahon na para kay Pokwang na muling lingunin ang kanyang pinagmulan.
           Its about time na suyuin na ni Pokwang ang mga taong tinalikuran niya (sadya man o hindi) simula nang mabigyan siya ng sunud-sunod na breaks ng ABS-CBN.
          Kinakabahan na rin siguro ang Pokwang sa mga panahong ito na tila hindi siya sinasang-ayunan ng Year of the Water Dragon.
         Una na ang pagkaka-flop sa takilya ng kanyang solo starrer.  Ngayon naman ay ang pagkakatsugi ng kanyang noontime show.
        What's next?
* * * 
Teri magbayad ka na raw ng utang mo

Hon. Teri isoli mo na lang ang mga items na kinuha mo, please!

NATURINGANG nasa public service ang linya ng stand-up comedian na si Teri Onor, pero bakit puro tungkol sa kamalasaduhan ng bokal ng Bataan ang nakakarating sa amin?
     Kung matatandaan, sometime last year ay may isang businessman (na nagngangalang Lito) ang naghahabol dito sa impersonator ni Nora Aunor.
     Diumano ay may malaking pagkakautang itong si Teri sa negosyante na as of presstime ay hindi pa rin naisi-settle ng baklita! 
     At nitong huli lang ay may nakausap din kaming mag-asawang negosyante na pinaghahanap din si Teri na may obligasyon din sa kanila.
     Hindi maliit na halaga ang pinag-uusapan dito, huh!  May style raw kasi itong Teri na kukuhanin muna ang loob ng bawat nakikilalang puwede nitong mautangan.
Sa simula ay maayos daw na kausap ang komedyante, at dahil nga sa kilala siyang personalidad kaya madali para sa mga kinaibigang negosyante ang pagkatiwalaan siya.
            Walang chance para makuha namin ang side ni Teri sa usaping ito, kaya isang panawagan na lang ang gustong ipaabot sa kanya (sa pamamagitan ng pahinang ito) ng mga umano'y biktima ng kanyang panloloko.
             Honorable Teri Onor, magbayad ka na raw ng utang mo!  Kung hindi ka raw makabayad, pinakamagandang isoli mo na lang ang mga items na kinuha mo sa mga ito!
          Yun lang!
* * *
Sharon & Martin: 'Once in a Lifetime'



Sharon at Martin:  Isang gabing 'di dapat palagpasin



MALAPIT na malapit na ang “Once In A Lifetime” concert nina Sharon Cuneta at Martin Nievera sa Smart Araneta Coliseum!
          Isang gabing hindi dapat palagpasin (lalo na sa mga taong in love dyan!) ang February 11, na siguradong matatagalan pa bago muling mapagsama sa isang concert ang Megastar at ang Concert King!
     Kitakits!
   

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Nora malinaw nang magsalita


Mula sa pahayagang Aksyon

My E-net
By Gas Gayondato



Nora:  May 'Plug and Play' device sa lalamunan?



GOT good news for the avid fans of Superstar Nora Aunor.   
Maganda na raw ang boses ng bruha ayon sa anak nitong si Matet de Leon sa interview ni Kaibigang Rommel Gonzales of PEP.
            Actually, hindi pa raw nakakausap ni Matet ang  mother dear niya, yung yaya lang daw nito ang nakakausap niya. 
            Sa totoo lang, hindi naman daw inoperahan ang mommy niya.   May ipinasok lang daw na parang camera or something sa lalamunan nitey.
            Ayun, after that ay gumanda na raw agad ang boses ni Nora, as in malinaw na raw itong magsalita, tila excited na kuwento raw kay Matet ng yaya ng bruha (Nora) nang makatsikahan niya itey over the phone.
            Ang hindi lang malinaw ay kung pati singing voice ni Ate Guy ay maganda na rin o bumalik na sa dati ang precious golden voice nitey.
            So hindi pa tayo nakasisiguro, kaya huwag munang masyadong ma-excite ang mga fans ng bruha para hindi rin kayo masyadong ma-disappoint if ever hindi umepekto sa singing voice ng inyong idolo kung anuman yung gadget na ipinasok ng duktor sa lalamunan nitey.
            Hindi naman sa nagpapakanega akey.   
            It’s just a reminder.
            Pero, pero, pero, baklang paruparo.  We should still be optimistic na magiging maganda ang kinalabasan ng tila ‘plug and play’ device na ikinabit sa lalamunan ng nag-iisang Superstar.
            Entiendes?  Si!
* * *


Hunk actor baklang-baklang-bakla pala

Guess mo 'ko may one thou ka!


I WASN’T surprised nang ikuwento sa akin  ng isang nurse na balikbayan ang kaberdehan ng dugo ng isang sikat na hunk actor noong nasa Amerika pa itey.
            OMG!  Baklang-baklang-bakla raw talaga si hunk actor.  Talbog daw talaga nitey si Facifica Falyfay alyas Fofonggay sa kalandian.
            Ang guwapu-guwapo raw ng boyfriend nitey sa Amerika, kaya raw maraming beki ang naiinggit ditey nang bonggang-bongga.
            Ngayon kapag napapanood daw nila sa TV ang hunk actor ay napapailing na lang daw sila.
            Da hu ang hunk actor na itey? 
            Guess mo may one thou ka!
            One thou na kurot, lokah!

* * *



Lee Dong Wook:  Ang lakas ng kilig factor




ISA sa mga paborito kong Korean actor si Lee Dong Wook na sumikat sa “My Girl” na pinagbidahan ni Lee Da Hae.
            Bumagay sa kakyutan ng bruho yung role niya sa nasabing Korean drama kaya naman maraming Asian girls and gays ang naging instant fans niya.
            Ilan sa mga napanood kong Korean drama ni Lee Dong Wook ay ang “Partner,” “Scent of a Woman,” (aka “Helena’s Promise” na pinalabas sa ABS-CBN kamakailan lang), at ang pinakauna niyang Korean drama way back in 2002, kung hindi ako nagkakamali, na “Loving You,”  kung saan gumanap siyang half-brother ng bidang si Park Yoong Ha.
            Ewan ko pero iba talaga ang dalang kilig factor ni Lee Dong Wook sa mga Korean drama na kasama siya.
            Dahil diyan, idol na kita.
            Eniweys, may bago na namang Korean drama ang bruho na tiyak aabangan ng kanyang  mga tagahanga.  Ito ang “Wild Romance” opposite Lee Si Young.
            Kaeere lang nito sa Korea last month kaya kahit sa internet ay hindi pa ito available.  So wait- wait na lang tayo, mga bru!

Phil nakaisa na kay Angel


Mula sa Pahayagang Aksyon
Merese
Ni Dinno Erece          

Phil: Panoorin kaya ang maiinit na love scenes nina Angel at Lloydie sa movie ng dalawa na "Unofficially Yours?"

ONE year na rin pala sina Angel Locsin and Phil Younghusband.
Finally, after doing a soap together, ang “Imortal,” magsasama na rin sa pelikula sina John Lloyd Cruz and Angel in the post Valentine movie ng Star Cinema entitled “Unofficially Yours.”
 Directed by Cathy Garcia Molina, it will open nationwide in over hundred theaters starting February 15 and mercifully, kahit sa slant ng promo ng movie, it is their chemistry ang ibinibenta.
Every one knows kasi about Lloydie and Shaina Magdangal and also Angel and Phil.  Speaking of the latter pair, nakaisang taon na rin pala ang dalawa since Phil asked Angel for a Valentine date last year via Twitter.
Angel was not able to give it to Phil immediately but they did afterwards and from then on, inseparable na sila.
Ang tanong na lang, panoorin kaya ito ni Phil lalo na’t may mainit na love scene sina Llyodie and Angel sa movie?
***
TWITTER NEWS – Happy to note na sa 2012 Shorty Award nomination for YouTube Star, ang top three nominees ay pawang mga Pinoy, ang Jamich na tambalan nina Jamvhille Sebastian and Paolinne Michelle Ligayu; New Zealand based Paolo Feliciano; and GMA artist Julie Ann San Jose plus another one, Texas based Miki Mortel in the nineteenth position.
Ang Shorty Award ang recognized award-giving body sa mga social networking sites around the world.
***
PASOK sa “Wil Time Big Time” si Camille Villar.
Met Camille with mother Mrs. Cynthia Villar for lunch last Wednesday.  We actually thought tatakbo si Camille or that Mrs. Cynthia will run again both this coming election.
Hindi pala, ipinakikilala lang pala si Camille as the newest co-host of Willie Revillame sa early primetime game show ng TV5.
Camille is very pretty sa personal and she’s articulate so bagay siya sa hosting.
Biniro namin si Camille na baka ligawan siya ni Willie pero sure siyang hindi siya papatulan ng main host niya.
Family friend daw kasi sila at matagal na nga silang magkakilala.  Kung nanligaw daw si Willie, matagal na raw sana nitong ginawa.
Single ngayon si Camille pero sa balitang may nanliligaw daw ngayon sa kanya, ang sagot niya sa amin, “Basta Masaya ako ngayon” so yun na yun.
***

 Kristoffer handang magpa-sexy


 
WILLING magpa-sexy ni Kristofer Martin.
Tuwa talaga kami sa isa sa most promising male teen stars of GMA na si Kristofer. Now part of the highest rated afternoon drama “Ikaw Lang Ang Mamahalin” with regular pair Joyce Ching and the other tween pair Barbie Forteza and Joshua Dionisio, magtatapos na rin ito after an extension so, nagla-last taping days na sila ngayon.
May spoiler alert lang kami na one of the four tweens will die at the end, hindi na namin sasabihin kung sino.
Anyways, back to Kristofer, the teen who will turn 18 this November is willing to do daring roles pala.  He can do trunks scenes at hindi siya nahihiya dahil swimmer naman daw siya.
Ito ang magiging panlaban ni Kristofer just in case he decides to do so as bukod sa napakaguwapo at magaling umarte, the fact that he can do sexy roles in the future will give him an advantage kina Derrick Monasterio and Alden Richards, the other two promising male stars of GMA and GMA Artist Center.


Jaclyn matindi pa rin ang galit sa ama ng anak ni Andi



Jacklyn:  Sa ginawa niya sa anak ko, sobra nang pang-aabuso ‘yun

Mula sa pahayagang Aksyon
What’s The Point
Ni Pilar Mateo 

NAPANSIN agad ng mga naanyayahang entertainment media sa Hacienda Leviste sa Lipa, Batangas ang kakaibang ngiti sa mga labi ng gumaganap na Donya Trining Braganza, sa muling ibinabalik sa ere ng TV5 na “Valiente,” na si Jaclyn Jose.
Kaya nga ang usisa sa kanya, eh, kung may bago ba siyang love life at parang naka-plaster na sa kanyang mga panga ang nasabing mga ngiti.
Say naman ni Jane (Jaclyn’s real name), mukhang nakasanayan na raw niya ang palagian na lang na ngumiti ngayon.  Kung mapapansin daw sa trailer ng nasabing teleserye, kahit na nagtataray at nagmamaldita siya sa mga eksena niya, eh, lagi siyang may ngiti.
“Yun kasi ang sinabi ni Direk Joel (Lamangan) na gawin ko sa character ko this time.  Na kahit galit na galit na magiging trademark niya ‘yung nakangiti pa rin, sarcastic man ‘yun o hindi.
“Sumasakit na nga ang panga ko.  Kasi, may times na nakakalimutan ko kaya ipinapaalala sa akin lagi ni direk.”
Hindi naman ang ex niyang si Mark (Gil) na gaganap na asawa niya sa serye ang dahilan?
“Yun? Hindi nga ako kinakausap nu’n.  Inaaway lang akong lagi. ‘Pag may mga itinatanong sa kanya, gaya kanina, ako ang pinagdidiskitahan,” natatawa nitong wika.
“Dagdag pa niya, “Wala naman problemang magkasama kami sa work. Nung tinanggap ko naman ito, alam ko na I’ll be working with him.  At saka mamamatay naman siya agad,” at tumawa na naman ito nang tumawa.
So, hindi naman pala lalake ang dahilan ng nasabing mga ngiti?
“Ang inspirasyon ko ngayon, eh, ang apo ko!  Siya ang nagpapangiti sa aming lahat!  Doon kay Adrianna Gabrielle nakatuon ang pansin naming lahat.
“Siya ang aming anghel.  Mana’ng-mana sa nanay. ‘Merkanang-Merkana ang ganda niya.”
And how is Andi (Eigenmann)?
“She’s perfectly fine.  Sabi ko naman sa kanya, gawin pa rin niya ang mga pangarap niya at nandito lang kami sa tabi niya.  Naintindihan ko na ‘yun na nagmahal siya.  Pero ang abusuhin pa siya ang hindi ko na maia-allow na gawin pa sa kanya.”
Nagkaroon na ba ng chance na makasalubong man lang niya o makita ang sinasabing ama ng anak ni Andi?
“Naku, hindi mangyayari ‘yun.  At sinabi ko talaga na huwag na lang siyang magpakita lalo na sa akin.  Sa ginawa niya sa anak ko, sobra nang pang-aabuso ‘yun.
“Oo, ina lang ako ni Andi.  Pero nararamdaman ko ang sakit na inabot ng anak ko sa mga nangyari.  Kaya ‘pag siya naman ang nakakita sa akin, umiwas na lang siya.
“Malaki atraso niya sa anak ko.  ‘Yun pa lang ikalat niya sa Twitter na sumasama sa iba-ibang lalake ang anak ko, eh, mas sobra pa sa iba pang pananakit na nagawa na niya sa anak ko.”
So, alam mo na…
* * *
 Aiko ini-enjoy ang pagiging single 







NGAYONG natapos na ang “Reputasyon,” kinumusta ko si Aiko Melendez kung ano na ba ang kasunod niyang proyekto sa Kapamilya, matapos nga ang palabas nila ni Cristine Reyes sa Primetime Gold ng ABS-CBN.
Agad-agad naman palang nagkaroon ng offer si Aiko sa Kapatid network sa TV5.  At sa pagkakataong ito, makakatrabaho pa niya ang “American Idol” runner-up na si David Archuleta, sa "Nandito Ako" with Jasmine Curtis-Smith and Eula Caballero.
Kasama na rin si Aiko sa listahan ng mga artistang blessed na makakapagtrabaho at makakaikot sa sari-saring network basta nakatapos na sila sa mga nauuna nilang commitments sa kung saan man sila may assignment.
Nakapag-storycon na raw sila at nagte-taping na nga siya kasama ang heartthrob ng mga “American Idol” followers, na pinapanay na rin ang pagsalang sa kanyang taping before he embarks on a two-year missionary work para sa kanilang church sa The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ‘pag-uwi niya sa Amerika.
Samantala, marami ang pumupuri sa new look ng aktres ngayon at ‘sangkaterba nga ang comments sa kanyang Facebook account.
“It feels good whenever I hear people say that I look good.  That means all my dieting and tiis ganda program is working:) More!!! More!!! More!!!"
But on a bad day, may mga komento o sagot si Aiko sa mga nang-iintriga sa kanya.
“Some people can be so damn rude.  Clarification.  Just because I’m single that doesnt mean that I’m not happy?!!  I can be happy in many ways. Not just by having a partner.
“Dba its nakakainis for them that i can be happy on my own.  Now that’s real happiness.  Who needs a partner when I have my kids to share my love with.
“Pls wag mainip for me that im still single because im enjoying every inch of being one:)."
Kaya ang song niya raw ngayon, eh, ang “The One You Love” ni Glenn Frey. Mmm…


Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.