Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Abril 10, 2013

Daniel pumalag sa mga bashers ni Kathryn sa Twitter


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


Snooky ayaw na sa lalaki




 “I’m not interested in men.  Ayoko na sa lalaki.  I’m used to be alone,” mabilis na sagot ni Snooky Serna sa tanong ng isang kasamahan sa panulat kung may bago ba itong manliligaw nang makorner namin after niyang mag-cut ng ribbon sa grand opening ng Shimmian Manila
Surgi Center sa SM Pampanga.
            At 47 (Kabi-birthday lang ni Kukay last April 4), hindi na raw siya naghahanap ng lalaki sa buhay niya.  Masaya na raw siya sa piling ng kanyang two lovely daughters (Sam, 20, and Saachi, 16).
            Pero hindi naman daw siya nasi-zero kung suitors din lang ang pag-uusapan.  Kahit papano meron pa rin naman daw siyang manliligaw, kaya nga lang ay hindi na raw talaga siya interesado sa mga lalaki.
            She’s very proud of Sam na 4th year college na sa La Salle taking up European Studies.  
Happy siya na hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral ay mukhang ang mga anak naman niya
ang tutupad sa pangarap niyang ito.
            Pareho raw kasing walang hilig mag-artista sina Sam at Saachi, sa studies lang talaga
naka-focus ang mga ito.
            Sa totoo lang gustung-gusto ni Kukay na magsulat.   She’s been asking around nga
kung saan pwedeng magsulat ang mga katulad niyang artista.
            Wala lang.  Gusto niya lang daw ilabas what’s in her mind.
            Nagkaroon na nga raw noon ng pag-uusap tungkol dito para sa isang daily newspaper
pero for whatever reason ay hindi ito natuloy.
            Happy rin siya sa fact na hindi pinababayaan ng ex-husband niyang si Ricardo Cepeda
ang dalawa nilang anak.
            Sinusustentuhan naman daw nito sina Sam at Saachi.  Bale siya naman daw ay self-
supporting ang beauty kaya tuluy-tuloy sa pagkayod to the max.
            So, are they in good terms now ni Ricardo kahit may bago na itong labs sa katauhan ng
noo’y  top ramp model and part-time actress na si Marina Benipayo?
            “We’re not friends but we’re civil,” sabi lang ni Kukay na kahit medyo tumaba ay tila
mas nagmukhang fresh na fresh at younger looking.
            Totoo yun, walang etching.
            Inaamin naman ng bruha na utang niya ang bago niyang angking kabataan sa Shimmian
Manila Surgi Center nina Drs. Levi at Anna Marie Lansangan kung saan sumailalim siya sa
nauuso ngayong stem cell procedure.
            Eniweys, bisi-bisihan ang drama ng Lola Kukay niyo ngayon dahil pagkatapos ng ”Kahit
Konting Pagtingin” ay papasok ang character niya sa “Apoy sa Dagat” and then sa nagbabalik na
“Anna Liza.”
            Sana nga tuluy-tuloy na ang pagsisipag ni Kukay coz she’s not getting any younger, 

di ba?
* * *

SA PRESSCON proper ng Amigo Segurado Spaghetti and Macaroni ay tinanong ang mga
endorsers nito na sina Richard Yap at Daniel Padilla kung may pressure ba on their part para panatilihin ang kanilang wholesome image sa publiko dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit sila napiling endorsers ng nasabing produkto.
            Dahil sa tanong na yun ay nagkaroon tuloy si Daniel ng pagkakataon na maglabas ng sama ng loob laban sa mga naninira sa kanyang ina na si Karla Estrada at sa kanyang ka-love team na si Kathryn Benardo.
            “Hindi lang sa akin, tungkol sa pamilya, iba-iba. Pero, ang sa akin naman, kung minsan,
mukha naman ako masyadong mayabang…”
“Nanay ko na yung binabastos, e.  Kumbaga, kaya mong pumatay para sa nanay mo, e.
Lahat kaya mong gawin para sa nanay mo, kahit sino sa pamilya mo.
“Kaya siguro ang tingin nila sa akin medyo maangas, mayabang, ganyan.  Pero may sari-
sarili naman tayong personalidad, di ba?”
            Hindi ko masyadong na-gets ang sagot ni Daniel.  Parang may issue or something, na
Pinagdadaanan ang bagets.
Kaya after ng question and answer portion para sa Amigo Segurado Spaghetti and
Macaroni ay sinamantala ko, at iba pang entertainment writers, ang pagkakataon
na makatsikahan si Daniel to elaborate on this.
Tinanong ng isang colleague ang bagets kung anu-ano ba ang sinasabi ng mga tumitira sa
nanay niya at kay Kathryn?
“Basta foul, sobrang foul yung sinabi sa ermats ko.
“Sa Twitter…alam nyo namang dun lang puwede.  Hindi naman nila kayang
sabihin sa harap namin, di ba?”
 “Mali, e! E di naman siguro… Hindi naman ako yung masama, e. Hindi
naman ako yung nagkakaro’n ng kahit anong kasalanan. Sila din yung nagiging
napakabastos ng ugali, di ba?
“Sobrang bastos lang kasi. Isipin nyo, ilang taon ka lang, binabastos na yung
 magulang ng isang tao.
“Basta pati magulang ko binabastos, pati si Kathryn. Ano ba namang
klaseng tao ka?”
Papano ba nagsimula ito?  Alam ba niya ang dahilan kung bakit may mga
taong nagsasalita ng hindi maganda laban kay Kathryn at sa kanyang ina?
“Wala nagpapapansin lang! Pang-bad trip lang,” sabi lang ng young actor.

           

Vice Ganda sisirain lang ni Marya!




Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


BUTI na lang hindi natuloy ang supposed-to-be movie together nina Vice Ganda at Maricel Soriano dahil pag nagkataon, si Marya (Maricel) ang sisira sa bonggang-bonggang record ni Vice Ganda sa takilya.
            Alam naman nating hanggang ngayon ay negang-nega pa ang image sa madlang pipol ng Diamond Star dahil sa dalawang matitinding isyung kinasangkutan nito just recently and a few years back.
Una na rito ang kaso ng diumano’y pagmamaltrato niya sa dalawa niyang kasambahay.
  Matindi ang mga paratang ng mga dating kasambahay ni Marya laban sa kanya kaya marami sa atin ang nakisimpatiya sa mga ito.
Pangalawa, ang sabi nga’y unfortunate incident sa pagitan nila Gerald Anderson kung Saan sinigawan daw niya ang young actor sa taping ng comeback serye niyang sanang “BukasNa Lang Kita Mamahalin.”
            Kaya kung sakaling natuloy ang tambalan nila ni Vice sa pelikula ay malamang yun na
ang katapusan ng pagrereyna ng una sa takilya.
            Ngayon, sa halip na si Vice ay si Eugene Domingo na ang partner ni Marya sa pelikulang
dapat sana ay pagsasamahan nila.
            Maganda sanang kumbinasyon, parang sina Vice at Marya rin – swak na swak sana ang
chemistry. 
Ang problema lang ay nega pa ang imahe ng huli sa madlang pipol of the world,  kaya
malamang, e, mangamote rin ito sa takilya. 

* * *

PINABULAANAN naman ni Ethel Booba sa isang interview ang tsikang diumano’y sinigawan niyasi WillieRevillame nung matalo sila ni Ate Gay sa costume contest ng “Wowowillie kung saanang choreographer na si Anna Feliciano ang pinaboran ng TV host para manalo.
            Wala raw sigawang naganap kahit tanungin pa raw natin ang staff ng ”Wowowillie.” 
Feeling pa nga raw ng boba, este ni Booba ay okay sila ni Willie dahil sinabi pa raw nito sa kanyana huwag siyang mag-alala at ipagtatangol siya nito sa mga negatibong mensahe na lumabas satwitter nung araw na pinagalitan silanito  ni Ate Gay.
            Noong sinabi niya raw kay Willie na nagtatampo si Ate Gay ay dun na raw ito nagtaas ngboses at nagmura.  Sinabi pa raw nitong, ‘Ang liit na bagay. Yan lang. Kung hindi ninyo gustoang patakaran, lumayas kayo. Get out!”
            So, na-shock raw ang beauty ng boba, este ni Booba.
            Dinenay rin ni Ethel na sinugod nila si Willie sa dressing room.  Maling-mali raw ang
statement na yun.
            Dahil sa mga rebelasyong ‘yan ni Ethel ay pinalalabas niyang sinungaling si Willie.
            Ngayon, ano sa palagay niyo? Sino ang nagsasabi ng totoo?  Si Willie o si Ethel?

* * *

HINDI lang pala ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo ang nominated sa World Music
Awards kundi pati na rin si Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Sina Sarah at Regine ay parehong nominated sa mga kategoryang: World’s Best Female Artist, World’s Best Live Act and World’s Best Entertainer of the Year.
            Sa Worlds Best Female Artist ay makakalaban ni Regine si Sarah at ang mga international artists tulad nina Adele, Jennifer Lopez, Katy Perry, Lady Gaga, Madonna,
Rihanna at Taylor Swift.
            Sa World’s Best Live Act ay sina Bruno Mars, Psy (of "Gangnam Style" fame), U2, at Usher ang ilan sa makakatunggali ni Regine.
            Nominated naman si Regine, along with veteran performers Andrea Bocelli, Bruce
Springsteen, Celine Dion, Paul McCartney, at Madonna sa kategoryang Best Entertainer Of The
Year.
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang World Music Awards ay isang international awards show na nagsimula noong1989 na taun-taon ay nagbibigay ng parangal sa mga recording artists base sa worldwide sales figures provided by the International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).
Si John Martinotti ang executive producer at co-founder ng show.  Ang awards show ay
conducted under the patronage of His Serene Highness Albert II, Prince of Monaco at nakabase
sa Monte-Carlo.


 







Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.