Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Disyembre 24, 2012

My E-net: MMFF 2012's Top Grosser

My E-net: MMFF 2012's Top Grosser: Ni Gas Gayondato 111 BONGGACIOUS ang lineup ng 8 official entries sa 38th Metro Manila Film Festival.  Puro naglalakihang artist...

My E-net: MMFF 2012's Top Grosser

My E-net: MMFF 2012's Top Grosser: Ni Gas Gayondato 111 BONGGACIOUS ang lineup ng 8 official entries sa 38th Metro Manila Film Festival.  Puro naglalakihang artist...

Linggo, Disyembre 23, 2012

MMFF 2012's Top Grosser






Ni Gas Gayondato 111




BONGGACIOUS ang lineup ng 8 official entries sa 38th Metro Manila Film Festival.  Puro naglalakihang artista ang mga bida sa karamihan sa mga pelikulang ito.
Nariyan sina Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos sa "Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako."
Sa title pa lang ay mukhang waging-wagi na ito sa takilya.
Pero hindi rin naman magpapatalbog ang  "Sisterakas" ng Star Cinema, pagsama-samahin ba naman ang tatlong reyna ng takilya na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda, aba'y saan ka pa?



Posible pa ngang masilat nito ang pagiging top grosser sa nasabing festival kaya wag mag-ala Manny Pacquiao ang iba riyan at baka ang pagiging over confident ninyo ang maging dahilan ng pagkatalo niyo sa box-0ffice, he-he-he.
Eniweys, anything can happen naman hanggat hindi natatapos ang MMFF 2012.
Kung minsan kasi ang buhay ay may dalang sorpresa, bigl;a na lang tayong napapatanong kung ba't ganun, di ba?   

Now, tell me, which 3 of the 8 official entries in the 38th Metro Manila Film Festival are you going to watch first?




















  1. "El Presidente" starring ER Ejercito and produced by Scenema Concept International, Viva Films and CMB Films
  2. "One More Try" ng Star Cinema kung saan pinagsama-sama sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
  3. "Shake, Rattle & Roll 14" from Regal Films  which topbills Janice de Belen, Herbert Bautista, Lovi Poe and Paulo Avelino.
  4. "Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako" nina Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos mula sa OctoArts Films, MZET Productions, APT Entertainment, IMUS Productions and GMA Films.
  5. "Sisterakas" ng Star Cinema  with Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino and Vice Ganda.
  6. "Sosy Problems" nina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Solenn Heussaf at Bianca King para sa GMA Films 
  7. "The Strangers" na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Julia Montes at Enchong Dee mula sa Quantum Films at MJM Productions, distributed by Star Cinema.
  8. "Thy Womb" ni Ms. Nora Aunor na pinrodyus ng Center Stage Productions and the Film Development Council of the Philippines (FDCP








































































Huwebes, Disyembre 20, 2012

Bong & Lani


Mula sa pahayagang Police Files

WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO

Bong
HINDI masyadong nagpabongga sina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado sa pa-Christmas party nila para sa entertainment press na ginanap sa Annabelle's-Morato last Tuesday, December 18.

                Kung noon ay hindi matiis ni Sen. Bong na hindi manalo sa raffle ang lahat, na sa tuwing matatapos ang pa-raffle ay gumagawa siya, at ang mga kapamilya niya, ng paraan kapag meron pang hindi nananalo, this time ay humingi siya ng pang-unawa sa press na wala na silang maidadagdag pang datung, hanggang doon na lang talaga ang kaya nila.

                Naiintindihan naman namin yun ng mga colleagues ko in the business., na kailangan nilang magtipid para makapag-abot din sila ng tulong, sa pamamagitan ng kanyang KAP (Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan) sa mga kaawa-awa nating kababayan sa Mindanao, lalung-lalo na sa mga maraming bayan sa Davao Oriental at Compostela Valley na naging biktima ng nagdaang super bagyo na si Pablo.

                Tama lang yun na unahin ni Sen. Bong ang mga tunay na nangangailangan kaysa sa nakararaming kasamahan namin sa movie-writing business na bukod sa mga nakaririwasa sa buhay ay napakarami pang biyayang natatanggap kapag sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan.

                Saludo ako sa ‘yo Kap at sa iyong Kapusong si Congw. Lani, mga kapamilya at mga kapatid.  You’re truly amazing!  


***


Congw. Lani
 TULAD ng kanilang nakagawian taun-taon,  Sen. Bong Revilla, Jr. and Bacoor Representative Lani Mercado will spend Christmas the same, old, meaningful way. 

                Ito ay sa pamamagitan ng pagbo-bonding nilang mag-anak, pasasalamat at pagsi-share ng blessings sa kanilang mga constituents at sa mga nangangailangan.

                Sa bahay lang daw sila nagno-noche buena tapos sa araw mismo ng Pasko ay nagtse-check in silang mag-anak sa isang hotel sa metropolis, kasama ang kanilang mga anak at mga apo (Gab, Alexa at Inigo).

                Nakasanayan na raw kasi nilang sa labas sila nagdaraos ng kanilang Christmas, nagsisimba at sabay-sabay na nagdarasal ng pasasalamat sa walang sawang biyayang binibigay sa kanila ng Maykapal.   

                Pagkatapos nun ay sila naman daw ang dumadalaw sa kanilang mga kamag-anak, kuwento pa ni Congw. Lani.

                “We see to it na magkakasama kami tuwing Christmas Day, kasama si Daddy (former Sen. And Public Estate Authority Chairman Ramon Revilla, Sr.), naggi-gift giving kami sa aming mahal na mamamayan ng Bacoor.

                “Madalas pagkatapos nito nasa sinehan naman tayo para kumustahin ang lagay natin sa MMFF (Metro Manila Film Festival),” dagdag pa ni Sen. Bong.


* * *

Rafael-Marian-Glaiza-Dennis

SA KAINITAN ng Christmas party ay ipinasilip ni Sen.  Bong ang ilang magagandang eksena sa kanyang first ever TV series sa GMA 7 na pinamagatang “Indio.”

                Sa ganda ng naturang series ay aakalain mong isa ito sa 8 official entries sa darating na “38th Metro Manila Film Festival,” pero ang totoo ay ginawa ang seryeng ito para sa TV.

                Wow, palakpakan naman natin ang Kapuso network sa paghahain sa ating madlang manonood ng isang maganda at makabuluhang panoorin sa pagpasok ng 2013.

                Enough of the very lousy Tagalog version of “Coffee Prince” na pinagbidahan ng maagang tumamlay na tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, at “Temptation of Wife,” na tinampukan ng walang kabuhay-buhay na pagsasama-sama nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rossell.

                Tama na rin muna ang kanilang mga Barbel-Barbelan at Darna-Darnahan na hindi na masyadong kinakagat ng televiewers.

                Nakakahalata na kasi ang madlang pipol na tila tinatamad nang mag-isip, o kundi man ay tila nasagad na ang creative juices ng mga writers ng Kapuso network kaya paulit-ulit na lang ang kuwentong inihahain nila sa publiko.

                Esep-esep mga parekoy.  Tularan ninyo ang ‘think-tank’ ng Kapatid network.  They always come up with fresh ideas na dahil sa maganda at naiiba ay di maiwasang gayahin ng iba, whew!



                  

Linggo, Disyembre 16, 2012


Mula sa pahayagang Police Files
WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ms. Thess Gubi
 DAHIL sa imbitasyon ni Ms. Thess Gubi of Star Magic, sa pamamagitan ni Ate Emma Guevarra, para sa Christmas party ng Star Magic ay napaaga tuloy ang aking pagbabalik-showbiz na dapat sana ay next year pa.
                That’s why very thankful talaga ako kay Ms. Thess for inviting me sa said xmas party dahil nagkaroon din ako ng magandang rason para makitang muli ang aking mga colleagues from the business.
                Of course, kung hindi rin dahil sa pagbibigay sa inyong lingkod ng espasyo sa pahayagang ito ng ating beloved editor na si Ate Blessie Cirera ay wala po ako ngayon dito, kaya maraming-maraming salamat talaga, Ate Bless.
                Eniweys, habang nagbabakasyon ako sa Olongapo City ay updated pa rin naman ako sa mga kaganapan sa showbiz dahil sa panonood ng TV most especially sa mga shows ng ABS-CBN dahil mas malakas ang signal nila doon kaysa sa GMA 7 at TV 5.
                Kahit outdoor antenna lang ang gamit namin ay malinaw na malinaw naming napapanood ang mga palabas ng Kapamilya network.
Ito ay dahil na rin siguro meron silang local station doon.
                Hindi gaanong malinaw ang reception doon ng mga shows ng Ch. 7 kaya tuloy karamihan ng kabahayan sa Olongapo ay sa mga palabas ng Kapamilya network nakatutok.
                Pinaka-worst ang reception doon ay ang TV5, para ka na lang nanonood ng mga aninong gumagalaw, grabe!
* * *

Martin Del Rosario sa 'MMK'
A-AGREE ako kapag napasama sa listahan ng mga nominado for Best Actor In A Single Performance ng Star Awards for TV  next year si Martin del Rosario para sa kanyang mahusay na pagganap bilang anak na inabandona na nga ng kanyang ina, e, labis pang inapi ng kanyang lola.
                Equally deserving na magkaroon ng acting nomination next year sa Star Awards for TV si Ms. Tessie Tomas na gumanap bilang mapang-aping lola ni Martin.
                Mamumuhi ka talaga kay Ms. Tomas sa mga pinagagagawa niya kay Martin.
                Siguro nga kaya nagningning sa acting si Martin ay dahil na rin sa pagiging effective ni Ms. Tomas sa kanyang role.
                Even that particular episode of “MMK” na pinamagatang “Papag” ay worthy of nomination as Best Drama Anthology (episode) dahil sa ganda ng tema ng istorya which is all about repentance, hatred and forgiveness.
                It’s a real tearjerker I tell you – well-acted and well-done.

* * *

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
GOING back to Star Magic, marami sa kanilang mga artists ay may pelikulang kalahok sa 38th Metro
Manla Film Festival gaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
                Masuwerte ang dalawa dahil kasama lang naman sila sa pinakamalaking pelikula ng Star Cinema sa taong ito kung saan pinagsama-sama ang tatlong reyna ng takilya:  Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda, ang “Sisterakas.”
                Bale ang pelikula ring ito ang magiging basehan ng mga bossing ng Kapamilya network kung gaano na kalawak ang following ng kanilang loveteam.
                But let’s face it, dahil sa siguradong marami ang manonood ng “Sisterakas” ay tiyak na makakatulong ito para madagdagan pa ang mga tagahanga nina Kathryn at Daniel.
                Posibleng mag-number one sa takilya ang pelikulang ito nina Kris, Ai-Ai at Vice.  Posible lang naman dahil sa ngayon ay llamado pa rin ang pelikula nina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Anne Santos.
                Title pa lang kasi ng movie nila ay bentang-benta na.  
May pruweba na sa takilya ang mga characters nina Vic at Bong na sina Enteng at Agimat respectively na ilang beses nang napatunayan ang pagiging top grosser sa Metro Manila Film Festival kumpara sa characters nina Ai-Ai, Kris at Vice, na bagamat mga box-office giants, ay ngayon pa lang masusubukan kung magugustuhan din ng madlang manonood.
But who knows, di ba?  Malay natin kung ang pagsasama-sama pala sa pelikula nina Vice, Kris at Ai-Ai ang magpapataob kina Bossing Vic at Sen. Bong.
Malay din natin na ang pagkakasama sa pelikulang “Sisterakas” ng tambalang Kathryn-Daniel ay maging isa sa mga dahilan para mag-top grosser ito sa darating ng MMFF, di ba?
Eniweys, dalawa pang Star Magic babies ang kasama sa nasabing pelikula, ang bibung-bibong child star na si Xyriel Manabat at Thou Reyes.

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.