Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Nobyembre 28, 2014

Manolo Perfect Leading Man For Janella








I agree 100 % that ex-PBB All In housemate Manolo Pedrosa deserves to be this year’s Best New Male TV Personality in the recently concluded 28th Star Awards for TV via his acting 

debut on “MMK” episode “Selfie” opposite Janella Salvador.



Yes I also agree that his performance in the said drama anthology isn’t something that he can be proud of but its understandable for someone who is relatively new in this business.  And for someone who has no real background in showbusiness or whatsoever.  



He was also quick to admit he doesn’t doesn’t even know how to sing and dance.   But its just a temporary setback.  I should know, choz!





For now his only passport in showbusiness is his extreme good looks but his sincerity and willingness to learn the tricks of the trade will serve as his best weapons to succeed.  


I believe that the Kapamilya network was just testing the waters to see if there’s chemistry between Janella and Manolo when they decided to pair them off  in the “Selfie” episode of “MMK.” 


OMG, they were right, Janella has found the perfect leading man in the person of Manolo.   

So, what happens now with Marlo Mortel, her leading man in the now defunct daytime TV series“Be Careful With My Heart?”  


Well… just take the backseat, Marlo, charing!






Linggo, Nobyembre 16, 2014

Cosmo Bachelors Make Good Girls Go Bad

Hey girls, gays, including boys and feeling boys.  I would like to make a survey kuno who among the 69 cosmo bachelors of 2014 are/is your type.










Here's the video.



           

Lunes, Agosto 11, 2014

PBB UNFAIR KAY MANOLO




Ngayong na-evict na si Manolo Pedrosa sa Bahay ni Kuya ay hindi na rin ako ganun kainteresado sa panonood ng PBB All In araw-araw, gabi-gabi.  Sa totoo lang kung meron mang isa sa mga karapat-dapat na mapabilang sa Big 4 ng PBB All In, yun ay walang iba kundi si Manolo. 
               Personality pa lang ay panalung-panalo na si Manolo.   Positibung-positibo ang dating, charming and refreshing.  Mga katangiang hinahanap ng mga advertising companies para mag-indorso ng kanilang mga produkto.  Yan ang lamang ni Manolo sa iba pang housemates.  I’m sure ngayon pa lang ay marami na ang interesadong kunin ang kanyang serbisyo.
               Kahanga-hanga ang pagiging isport ni Manolo.   Kahit na-evict na siya sa Bahay ni Kuya ay wala kang makikitang bitterness sa kanyang mukha kaya lalo lang akong humanga sa kanya.
               Pero in defense of Manolo and the other evicted housemates, may mga puna lang ako sa naging patakaran ni Big Brother right from the start.  Para lang ang gandang pakinggan na PBB All In dahil  pinagsama-sama ang regular housemates, teen housemates at celebrity housemates.  Pero sa totoo lang unfair sa regular at teen housemates ang pagkakasama ng celebrity housemates sa kanila.
               Bakit kamo unfair?  Dahil bahagi ng labanan ang boto ng televiewers tuwing may nano-nominate na housemate, natural may edge na agad ang celebrity housemates dahil kilala na sila ng madlang pipol at may sarili na silang hukbo ng mga tagahanga.
               Lets take the case of Jane Oineza.  Napansin niyo ba na sa tuwing nano-nominate siya ay naglalaro sa 40-49% ang nakukuha niyang boto mula sa madlang pipol?  Ang pinakamalapit lang palagi sa kanya ay si Loisa na nakaka- more than 30% lang. Kaya nung nagkatapat sila ni Manolo ay nanlumo ako.  Sabi ko siguradong ilalampaso ni Jane si Manolo.  Nagkatotoo nga ang kutob ko.  Jane got more than 68% while Manolo has only something like 32%.  Ang bongga naman ni Jane.  Hindi ko alam ang dami niya palang fans.  Sana paglabas ni Jane ng Bahay ni Kuya ay maramdaman ko na marami nga siyang fans.
               Isa pang napaka-unfair ng ginawa ng PBB ay ang isama ang celebrity housemates sa regular at teen housemates at ang nagdudumilat na katotohanang ang PBB at Star Magic kumbaga sa tao ay magkamag-anak.  Ang winners ng PBB ay automatic na magiging talent ng Star Magic.  Jane Oineza is already a Star Magic Talent, so bakit kailangan pang isama siya sa kumpetisyon?
               Unfair din ang pagpasok ni Daniel Matsunaga sa halos kalagitnaan ng kumpetisyon.  Imagine, ilang housemates na ang na-evict saka pa lang pumasok si Daniel? 
               Nung sina Vicky, Jane, Manolo at Daniel ay nanganib na ma-evict in-announce ni Toni Gonzaga na dalawa sa kanila ang lalabas ng Bahay ni Kuya.  Maliwanag yun kahit i-replay pa nila ang episode na yun ng PBB All In.  Hindi nila nilinaw na sa unang challenge ay isa ang maliligtas at makakabalik sa Bahay ni Kuya at pagkatapos nun ay may isa pa uling challenge.  So, we were made to understand na ang dalawang nominated housemates na may pinakamataas na score sa challenge na ibibigay ni Big Brother ang siyang makakabalik sa Bahay ni Kuya at ang dalawang may pinakamababang score ay yun ang lalabas ng Bahay ni Kuya.  Kaya nagtaka ako kung bakit biglang-bigla ay nagbago ang kundisyon ni Kuya nang si Manolo ang pumangalawa kay Daniel sa dami ng napatay na kandila,  Daniel got 87 while Manolo had 82.   Biglang meron nang second challenge.   So, okay lang dahil baka kako yung mananalo sa second challenge ay ang pangalawang ligtas at makakabalik sa bahay ni Kuya.  Unfortunately, si Vicky na ipinakita nilang walang natatamaang standee sa practice ay siya pang nagwagi with three points.  Si Manolo na ipinakita nilang maraming natamaan during practice ay naka-one point lang.  Si Jane ang lowest with zero point.  So, second na naman si Manolo kaya si Vicky ang naligtas.  So feeling ko  wala na talagang chance si Manolo na makabalik ng bahay ni Kuya dahil malinaw na sinabi ni Toni na dalawa ang lalabas sa Bahay ni Kuya sa linggong yun.
               Pero biglang-bigla in-announce nila na maglalaban pa sina Manolo at Jane para makabalik ang isa sa kanila sa PBB House.  But this time ay idadaaan na sa boto ng madlang pipol.  Ano ba yun, akala ko ba sabi nila dalawa ang lalabas ng Bahay ni Kuya pero bakit all of a sudden ay isa na lang?  Parang hindi talaga sila titigil  hanggat hindi nakakabalik si Jane sa PBB House.  Patay kako, hindi pa man nag-uumpisa ang botohan tiyak na panalo na si Jane.  Kawawang Manolo, feeling ko biktima ng scam.  Ayan, happy na si Kuya dahil pasok na naman ang obviously manok nilang si Jane.
               Tanong ko lang, bakit pag bumuboto ako for Manolo hindi tinatanggap ng server?  May load naman ako.  Tama naman ang keywords na pinasok ko pati numbers na pinadlahan ko sa Globe at sa Smart, Na-experience din ba ng ibang bumuboto kay Manolo ang na-experience ko?
               Pero okay lang kung hindi napasama sa Big 4 si Manolo.   Sinu-sino lang ba ang talagang sumikat na napasama sa Big 4, hindi ba’t sina Kim Chiu at Gerald Anderson lang naman?  Nasaan na ngayon sina Keana Reeves, Nene Tamayo, Myrtle Something at kung sinu-sino pang PBB Big Winners na hindi ko na maalala.
               Ang importante si Manolo ay isang mabuting anak na may masayang pamilya. He is true to his words na pag-aaral ang priority at hindi ang panliligaw sa loob ng Bahay ni Kuya.  Pero ngayong na-evict na si bagets, sino pa kayang teen housemate ang puwedeng maging huwaran ng kabataan?
               Si Mariz?  Ayaw ko sa kanya kasi wala siyang paninindigan.  Hindi niya ipinaglaban ang boto niya against Joshua dahil sa huli ay  pinili niyang mapalayas sa PBB house si Daniel na little sister pa naman ang turing sa kanya.  Iyakin pa. 
              Si Loisa?  Ayaw ko na rin sa kanya kasi hindi siya nagpapakatotoo.  Kunwari hindi siya apektado sa pagbaling ng feelings ni Joshua kay Jane pero iba ang sinasabi niya sa ginagawa niya.
               Si Joshua?  Ayaw ko na sa kanya kasi bukod sa pagiging tamad ay walang ginawa kundi manligaw sa loob ng bahay ni Kuya.  Hindi siya magandang ehemplo para sa mga kabataan.  Ilang beses na siyang binigyan ng pagkakataon para magbago pero paulit-ulit niya pa rin siyang nagtatamad-tamaran.  Kung kailan tatatlo na lang silang natira sa PBB house saka lang siya nagpakitang gilas
               Si Jane?  Ayaw ko sa kanya dahil ang plastic niya.  Nagtataka lang ako kung bakit biglang-bigla ay umarte siyang parang na-shock or nagpa-virgin effect after ipagtapat ni Joshua na mahal siya nito gayung before that ay panay na ang holding hands nila at sa tuwing magkasama sila ay parang sila lang ang mga tao sa mundong kanilang ginagalawan.
               About Vicky naman ayaw ko rin siyang mapabilang sa Big 4 kasi makakadagdag lang siya sa humahabang listahan ng PBB winners na walang nangyari sa career. 
               Si Daniel okay lang sana kaya lang gaya ng nasabi ko na unfair ang pagpasok niya sa PBB house at unfair din na ihalo ang celebrity housemates sa regular at teen housemates.  Sa totoo lang, hindi nakakatuwa ang pautot niyong yan, Kuya.  Okay lang na magkaroon ng guest celebrity housemate just like Alex Gonzaga pero yung sabihin mong kasali sila sa competition it’s so unfair.
               

Linggo, Mayo 5, 2013

Greta masyado nang nagiging masama sa pamilya...

WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO





 KAPATID versus kapatid.  Ina versus anak.  Anak versus ina.   Ina, kapatid, anak.  Aba parang
teleserye --- as the story goes the plot thickens.
            Sino pa nga ba ang bida sa much-talked-about teleserye of the hour kundi ang Barretto
family starring the Barretto sisters:  Gretchen, Marjorie and Claudine.
            Also starring is the Barretto matriarch Mommy Inday Barretto, Joaquin ‘Jay-Jay’ Barretto
and Gia Barretto-Reyes.  With the special participation of  Ms Tania Montenegro.
            Nagsimula lang ang lahat sa masasakit na salitang binitiwan nina Gretchen at Marjorie sa
isang instagram user called “btchjuliaisbitch” na obvious naman daw na si Claudine,  na
nagbantang sisirain si Julia Barretto (anak ni Marjorie kay Dennis Padilla) kapag pumasok ito sa
Star Magic.
             Dahil dito ay hindi na nakapagpigil si Mommy Inday kaya last April 24 ay lumabas sa
Funfare column ni Ricky Lo sa Philippine Star ang kanyang letter kung saan sinagot niya punto
por punto ang lahat ng patutsada ni Gretchen kay Claudine which she unwittingly opened a can
of worms.
            She revealed her (Gretchen) violent ways na nagbabato ng expensive plates.  She even
called her a liar.  Pati ang paghihiwalay nina Raymart Santiago at Claudine ay nabunyag.
            Apparently, malalim ang pinaghuhugutan ng mga sama ng loob ng Barretto matriarch sa
kanyang ika-5 anak (Gretchen).
            Pero sa totoo lang marami ang naiyak towards the end of her letter saying, “Gretchen,
I am not a wimp, never been one, but lahat may "hangganan." I have protected you all these
years without exposing to the world the real you. But you have pushed many of us to the wall.
There’s no other way but for us to defend our names! I have always loved you as one of my own,
and always will, but love of my family belongs to the heart and not in the garbage can!

I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one who has always been
there for all, and with all of her love…Claudine!”
* * *


WITH that ay marami ang nag-abang sa susunod na kabanata.   Pumasok ang isang bagong
character – si Joaquin “Jay-Jay” Barretto, ang ika-3 anak nina Mommy Inday at Daddy Miguel
Barretto.
            Pinabulaanan niya ang lahat ng sinabi ng kanyang ina laban kay Gretchen.  Aniya, si
Claudine ang problema at hindi si Gretchen.
            Kung noong December daw sana of last year ay pumayag na silang ipagamot si Claudine
sa psychiatrist ay wala raw sanang ganitong problema ngayon.
            For the longest time raw ay pinu-provoke ni Claudine si Gretchen.
            He pictured Gretch as the ulirang anak and kapatid who sacrificed schooling at the age of
12 para magtrabaho at mabigyan sila ng maginhawang buhay. 
            Kumbaga si Gretchen ang nagsilbing breadwinner ng pamilya nung mga panahong yun.
            Oops, another character enters frame – si Gia Barretto-Reyes, ang ika-4 na anak nina
Mommy Inday at Daddy Miguel na kasalukuyang nasa Boston, Massachusetts.
            Kung si Jay Jay ay kay Gretch, si Gia ay naman ay para kay Claudine.  Pinasinungalingan
niya ang mga sinabi ni Jay Jay sa pamamagitan ng kanyang letter na lumabas sa Funfare
column ni Ricky Lo sa The Philippine Star last April 26.
            Ani Gia, si Claudine raw ang tumulong sa kanila sa panahon ng kagipitan at hindi si
Gretchen.
            Hindi raw nila pinuwersa na mag-showbiz si Gretchen kundi ito raw ang nagpumilit. 
At sa kakarampot nitong kita, makakaya raw ba nitong bigyan sila ng maginhawang buhay tulad
na nai-provide ng kanilang ama?
Sey pa ni Gia, 1. We live in big beautiful houses 2. Slept in carpeted, air-conditioned
rooms, 3. Food galore. 4. Put in an exclusive school. 5. Members of exclusive country clubs. 6.
We each have our own yayas, yours even a midwife. 7. Driven by chauffeurs.”
            Marami pang binitiwang maaanghang na salita si Gia laban kay Gretchen at sa ending ay
ito na lang ang pakiusap niya sa kapatid, "Please stop hounding us like an attack dog. We will
admit defeat if you just leave us in peace.
“Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please.
"Enough is enough! Leave us alone. Leave my family alone.”
            Then came Tania Montenegro, Gretchen’s best friend.  Sa mga binitiwan niyang pahayag
ay inilarawan naman niya ang kawawang si Gretchen nung nag-aaral pa sila sa Colegio de San
Agustin.
            Madalas daw napapalabas ito ng room pag exam kasi hindi pa nababayaran ang tuition. 
Madalas din daw pag-recess kulang ang baon nito o di kaya ay di ito umuorder sa canteen
samantalang ang ibang mga kapatid ay nagre-recess, nagla-lunch.
            Aba teka muna, enter frame ulit si Mommy Inday.   Aniya about Tania sa latest interview
sa kanya ng PEP, “Who is she and where did she come from?  She’s not even a part of my
family!
“She’s away-bati, away-bati with Gretchen.  They are the ones who used to malign
her…"
“She (Gretchen) paid this Tania Montenegro!  I don’t know for how much!  Walang
naniniwala.
“I don’t want to turn that bad. I cannot answer that in all conscience dahil ikasisira…
"Masyado na siyang magmumukhang masama sa pamilya at mundo ni Tony (Tonyboy
Cojuangco).”
            Dito ay nilinaw rin ni Mommy Inday ang isyu ng pagiging breadwinner kuno ni Gretchen
ng pamilya, ayon kay Jay Jay, and I believe naman she has a point.
            Yung sinasabing 12 years old pa lang si Gretchen ay naging model ito ng isang
clothing line.  So hindi pa raw talaga ito nagwo-work.
Nagsimulang gumawa ng pelikula si Gretchen at the age of 14.  Ito yung “14
 Going Steady.” ng Regal Films.
            Nasundan pa ito ng dalawang, ani Mommy Inday, unforgettable films.


            Korek yun.  So, papano nga naman masasabing naging breadwinner si Greatchen
ng pamilya gayung maliit pa lang naman ang kinikita nito at wala pa itong masyadong
ginagawang pelikula nung mga panahong yun?
            Madalas abonado pa nga raw si Mommy Inday sa gastos nito.
            When Gretchen reached 18, wala na raw ito sa poder nila at hindi na raw si
Mommy Inday ang nagha-handle ng pera ng bruha dahil nakipag-live in na raw ito kay Joey
Loyzaga while sila naman ay nasa Iloilo na.
            Yun lang and ayaw ko nang makisawsaw kasi it’s purely family matter.   
Marami pang revelations ang mabubunyag sa mga darating na araw pero natitiyak kong sa
bandang huli ay magkakakayos din silang lahat.
            Kung kailan, yun ang hindi ko alam.
            Ang punto ko lang, sana kung problema o alitang pampamilya, e, huwag nang daanin sa
instagram, facebook, tweeter at kung saan-saan o anu-anong social networking sites dahil ang
pangit tingnan washing your dirty linen in public, unless gusto niyo talagang magpapansin.
            Sa case ni Mommy Inday, its understandable na isinapubliko niya ang kanyang letter for
Gretchen para malaman din ng publiko what’s the real story or her side of the story behind all
those maaanghang na patutsada nina Gretchen and Marjorie against kay Claudine.
           
           
           

Disclaimer

Most of the videos and images posted on this blog were taken from the various sites on the internet, especially those embedded code from You Tube and results from google search.
My E-net claims no rights to the videos and photographs posted on this blog.
Any objection from the owner of the videos and photos posted herein, or any other reasons why they should not appear on this blog, contact me at gaseous@hotmail.com, and they will be removed immediately.